ROSE
Nagpaalam ako kay Mommy at Daddy na aalis ako. Naisip ko kasing magbigay ng isang thank you gift kay Erik dahil sa ginawa niya para sa akin noong isang gabi. Siyempre, pambawi ko lang din sa mabubuting nagawa niya sa akin. Pumayag naman sila.
Pagkatapos kong bumili ng isang Red Velvet Cake sa Cake-2-Go, dumiretso ako sa condominium ni Erik. Surprise ito kaya hindi ko siya sinabihan na pupuntahan ko siya. Pagkapasok ko sa Reception Area, bigla akong tinawag ng receptionist.
"Miss! Bibisitahin niyo po ba si Sir Erik?" Tanong sa akin ni Ms. Receptionist.
"Yes. Bakit?"
"Kakaalis lang po ni Sir Erik," sagot niya sa akin.
"Saan siya pumunta?" Nagtatakang tanong ko.
"Pupunta daw po siya sa opisina nila. Bilin niya po, kung may bisita man daw po siya, pakiusapan ko na lang po na tumawag na lang sa kanya."
"Ganoon ba? Sige. Salamat, miss." Sabay lumabas ako ng condominium at sumakay sa aking kotse.
Napaisip ako bigla. May dalawang linggo pa bago matapos ang suspension ni Erik. Pinatawag na kaagad siya pabalik ng opisina? Marahil tinapos na iyon kasi siya na ang magiging Senior Vice President kaya kinailangan na niyang bumalik agad-agad. Naisip ko na lang na puntahan na lang siya sa opisina at doon ko na lang siya suspresahin.
Pagkarating ko ng Ortigas, nag-park ako sa parking lot kung saan una kaming nagkita ni Erik. Biglang nag-flashback lahat ng mga nangyari noon: nabangga ko ang kotse niya, naasar pa nga ako dahil sa sobrang pagka-antipatiko niya. Fast forward more than one month, ito na kami. Ito siya na nanliligaw sa akin. Ito ako na nahuhulog na sa kanya. Kaunting na lang, sasagutin ko na rin naman siya.
Tumungo ako sa elevator ng building kung nasaan ang opisina nila. Grabe! Nangangalay na ako sa hawak kong cake bago pa makarating ng 12th Floor ang elevator. Pagkabuks ng elevator sa 12th Floor, lumakad ako papalabas. Sa di-inaasahang pagkakataon, sumabit ang nguso ng sapatos ko sa uwang ng elevator. Napatid ako! Susubsub sana ang mukha ko sa sahig at masisira ang cake na dala ko kung hindi lang ako nasalo ng isang lalaki. At hindi lang basta lalaki, guwapong lalaki na mukhang Korean popstar. Ang bango pa niya!
Nakatulala ako kay K-Pop Guy habang buhat niya ako sa kanyang mga kamay. Guwapo lang talaga niya kasi. Parang ang sarap niyang titigan katulad ni Erik. Pinagkaiba lang nila, si Erik ay isang mala-American ang itsura habang si K-Pop Guy ay, of course, Korean. Sa gitna ng aking pagkilatis sa itsura ni K-Pop Guy, napansin ko na ganoon pa rin ang posisyon namin. Bumalik na ako sa aking sarili at dali-dali kong itinayo ang sarili ko. Tinulungan naman niya ako makatayo ng maigi.
"Are you okay, miss?" Tanong sa akin ni K-Pop Guy.
"Ye-yes," nakangiti kong sagot sa kanya na pautal pa.
"Good thing, nandito ako," sabi sa akin ni K-Pop Guy. "If ever, you would have kissed the floor."
"Oo nga. Salamat." Sabi ko na lang sa kanya.
"Harold," sabi niya sa akin sabay extend ng kamay. Noong una, hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin. Naisip ko na lang bigla. HOY! Nagpapakilala siya sa'yo. Masyado yata akong na-Starstruck kay K-Pop Guy.
"Ah-eh, Rose," mabilis kong sambit sa kanya sabay nakipag-shake hands ako. "Sorry, nawala ang utak ko sa pagkatisod ko."
Napangisi si Harold sabay labas ng isang magandang ngiti. Aba! Cute din pala siya kapag ngumiti.
"Nice meeting you, Rose," sabi niya sa akin. Saktong pumasok siya sa elevator na kakabukas lang.
"Nice meeting you too."

BINABASA MO ANG
Scripted Relationship
RandomGusto ni Rosalinda Mercedes Mendoza a.k.a. Rose na maging isang scriptwriter para sa pelikula. Kaya nagpasya siyang magsulat ng isang romantic love story as a start. Ngunit, may isa siyang problema: Never pa siyang nagkaroon ng boyfriend! Paano siya...