抖阴社区

                                    

“Hay naku, Rosalinda,” sabi ko sa aking sarili.

Yumuko ako para pulutin ang mga nahulog na laman. Laman kasi ng shoebox na ito ang mga notes ng mga ideas at concepts na naiisip ko. Ang dami nga nito. Halos nandito ang lahat ng mga naisip ko noon pati—

Naputol ako sa aking iniisip dahil matapos kong makuha ang mga papel sa ibabaw, nakita ko ang mga post-it notes na natabunan nito sa ilalim. Dahan-dahan kong kinuha ang mga post-it notes at isa-isang tiningnan ang mga ito na may lamang:

Note #1: She’s smart.

Note #5: At times, irritating.

Note #9: She’s my Rosalinda, my Gorgie, pure and true.

Note #4: At times, hard-headed.

Note #2: She’s feisty.

Note #8: But one thing is for sure…

Note #6: Straight-forward girl.

Note #3: She’s lovely.

Note #7: Nonetheless, truthful

Nilagay ko ulit ang mga post-it notes na ito sa loob ng shoebox. Tumayo ako at pumunta ako sa cabinet ko. Naisip kong ilagay noong una sa loob ng cabinet. Pero nagbago ang isip ko at nilagay na lamang sa ibabaw ng cabinet. Ayaw ko na kasi talagang makita ang mga post-it notes na ito dahil naalala ko lang si Erik. Kaya nilagay ko na lang ito sa hindi ko makikita o mapapansin.

Aaminin ko, hindi ko lang siya naalala. Nami-miss ko si Erik. Ang tagal na rin kasi noong huli kaming magkita at nagka-usap. Three months na ata. Hindi ako sure, nawala na ako sa bilang. Galit na galit ako sa kanya noong mga panahong iyonkaya hindi ko na siya kinausap, hinanap o kinatagpo pa. Sa lahat ba naman ng ginawa niyang masasakit sa akin, hindi pa ba mapapabago nito ang aking buhay?

Ngunit, kahit ganoon, hindi ko nagawang itapon ang mga post-it notes na bigay niya sa akin. Hindi ko rin tuluyang nabura ang mga e-mails ko sa kanya. Pati nga mga pictures namin, nasa cellphone ko pa rin at hindi ko mabura (o hindi ko binubura? Hindi ko alam). Kahit anong gawin ko, hindi ko siya makalimutan talaga. Napapatulala ako everytime na lalabas sa isip ko ang guwapong mukha ni Erik. Tingnan mo. Nasa internal memory ko pa rin ang guwapong itsura ni Erik.

Tapos, babalik rin ang mga alaala ng aming paghihiwalayan. Mawawala na ang lahat ng mga magagandang alaala at mapapalitan ng sakit. Iniisip ko tuloy kung maghanap na lang ako ng ibang lalaki para makalimutan ko na siya. You know? Rebound. Tulad nang ginawa sa akin ni Erik. Hindi naman na kami babalik sa isa’t isa for sure. Hintayin ko na lang matapos itong three months para ma-satisfy ang three-month rule requirement na sinasabi ni Popoy sa One More Chance. Ilang araw na lang naman. (At sinasabi kong hindi mabilang ang panahong hindi kami nagkita. Weird!)

Papunta na ako sa banyo nang napatigil ako at tumitig sa harap ng salamin. Tiningnan kong maigi ang aking sarili at sinubukang kausapin ang aking refleksyon. Pero walang lumalabas na salita. Ang itsura ko, mukhang umaasa. Umaasa sa isang bagay na either hindi naman darating o darating pero hindi na iyon ang inaasahan. So, why hope? Tanong ko na lang sa sarili ko.

Napagtanto kong ang tagal ko nang nakatitig sa salamin kaya tumungo na ako papunta sa banyo para makaligo na. Nang maghuhubad na sana ako, biglang nag-ring ang aking cellphone. Napabuntong-hininga ako dahil hindi ako makaligo-ligo. Lumabas ako ng banyo para puntahan ang aking cellphone. Kinuha ko ang aking cellphone at nakitang tumatawag ang isang unregistered number. Sinagot ko na lang din.

“Hello?”

“HELLO! HELLO! NARIRINIG MO BA AKO?” Malakas na sagot ng parang matandang babae sa kabilang linya. Inurong ko tuloy ng bahagya paiwas sa aking tenga ang cellphone ko.

“Ah, sino po sila?” Tanong ko na lang.

“ROSE! SI TITA NANG MO ITO!”

Nagtaka ako kung sinong Tita Nang. Tatanungin ko na sana kung sino ba talaga siya nang biglang nagsalita ulit ang matandang babae sa kabilang linya. This time, mas mababa ng ilang decibels ang sigaw.

“Si Tita Manang ni Erik.”

“TITA NANG!” Napasigaw ako sa gulat at tuwa. Naalala ko bigla ang tagapamahala ng bahay nina Erik sa Pangasinan. Ang kanyang tagapangalaga noong bata pa siya.

“Ako nga, Rose.”

“Napatawag po kayo, Tita,” sagot ko kay Tita Nang nang nakangiti.

“Nandito kami sa Maynila nina Gardo,” sabi sa akin ni Tita Nang. “Iimbitahan kita sana sa isang munting salu-salo bukas. Birthday ko kasi.”

“Ay ganun po ba? Advanced happy birthday po!” Masayang pagbati ko sa kanya. “Wala pong problema. Pupunta po ako sa birthday niyo.”

Hindi ko pinag-isipan ang magiging sagot ko kay Tita Nang. Wala namang problema sa akin si Tita Nang. Masaya pa nga ako na tumawag pa siya sa akin at inimbitahan ako sa birthday party niya. Nakakatuwa pa rin isipin na kahit hindi na kaming dalawa ni Erik, hindi nagbago ang pakikitungo sa akin ni Tita Nang.

“Saan po ba gaganapin ang birthday niyo?” Tanong ko kay Tita Nang.

“Sa bahay nina Erik. Sa mansion nila sa New Manila.”

Dahan-dahang nawala ang ngiti sa aking mukha. Pakiramdam ko, biglang nanlamig ang aking katawan. Hindi lang dahil sa narinig ko ang pangalan ni Erik. SA BAHAY NILA GAGANAPIN ANG BIRTHDAY! Natural, nandoon din si Erik. Sandali lang. Bakit hindi ko naisip na nandoon si Erik kanina?

“Aasahan kita bukas, Rose. Text ko na lang sa’yo kung anong oras ka pupunta ha. Bye!” mabilis na sinabi ni Tita Nang bago naputol ang linya. Hindi man lang ako nakasagot pabalik kay Tita Nang.

Bumilis bigla ang pagtibok ng puso ko. Napalitan ng kaba ang panlalamig ng aking katawan. Magkikita kami ni Erik. Magkikita kami MULI ni Erik. Bakit parang pakiramdam ko, pinaglalapit kami muli sa isa’t isa? Dahil ba inisip kong mag-rebound na lang para makalimutan siya? Weird.

Scripted RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon