Dumbfounded ang mga itsura nina Rachel at Lenny. Ayun, mas nagulat pa sila kaysa sa pagkagulat ko sa tanong nila.
“Ah. Naalala ko lang si Erik sa nabasa kong article sa Facebook kaninang umaga,” sabi ni Lenny. “Na-feature kasi ang kasal ni Andrea at yung foreigner niyang boyfriend.”
“Sinong Andrea?” Tanong ko sa kanya.
“Andrea dati ni Erik,” sagot ni Rachel. “Naman, Rose! Ex ng ex mo, hindi mo kilala?”
“Malay ko ba,” sagot ko kay Rachel. “Kailangan bang kilalanin ang ‘ex’ ng ‘ex’ ko?”
Sa totoo lang, alam ko naman na ang Andrea na tinutukoy nila ay si Andrea ni Erik dati. Spiel ko lang iyon para di ako magmukhang bitter or anything. Pero, naisip kong mas naging bitter ako sa dahil doon. Bakit naman kasi mapapasok dito si Andrea?
Iyon naman pala, sa isip-isip ko. Kinasal na pala si Andrea. Na-realize ko na kaya pala hindi rin sila nagkabalikan ni Erik ay dahil ikinasal na ito sa iba. Tapos, naisip ko kung bakit nagparamdam muli ng pagka-close si Andrea kay Erik. Lumiwanag sa aking malikot na isipan ang kasagutan.
Gusto siguro ni Andrea na maging maayos muna sila ni Erik bago siya magpakasal para may closure siya with her past. Lahat naman ng tao ganun kapag ikakasal, especially kapag may unfinished business pa with their past. Magaling na move! Napaka-strategic. Nadamay pa ako. Ayun pa ang naging mitsa ng paghihiwalay namin ni Erik. The reason kaya niya ako iniwan. Magaling! Inisip ko sarcastically. Puwede ko siyang kunin na Strategic Manager ng buhay ko sakali.
“Anyway,” pagsingit ni Lenny. Bumalik sa kasalukuyan ang isip ko. “Paano kayo nagkita muli ng ‘ex’ mo?” With quote-and-quote gesture pa ni Lenny sa salitang ‘ex’.
“Inimbitahan ako ni Tita Nang sa birthday party niya kahapon,” sagot ko sa tanong ni Lenny.
“Sinong Tita Nang?” Tanong ni Rachel.
“Kasambahay nila sa Pangasinan,” mabilis na sagot ko.
“Naku!” Reaksyon ni Lenny. “Alam mo namang magkikita kayo nun ni Erik. Bakit di ka tumanggi?”
“Alam ko naman na magkikita kami ulit ni Erik,” paliwanag ko sa kanya. “Given na ‘yon. Nahiya kasi akong tumanggi kay Tita Nang dahil mabait siya talaga sa akin. Kaya pumunta ako. Besides, si Tita Nang ang pinunta ko doon. Hindi si Erik.”
“Nag-usap kayo ni Erik for sure,” pagsingit ni Rachel na seryoso ang tingin sa akin.
I nodded.
“Naku po!” Exaggerated naman itong si Lenny. Napahampas pa siya sa table. Napansin tuloy kami ng mga taong naroon din. “Santissima Trinidad!”
“Without a doubt,” reaksyon ni Rachel bago niya tinanong kung anong nangyari.
Napasandal ako sa upuan ko. Napaisip. Ayaw ko sanang balikan ang mga nangyari kahapon, lalo na ang kagabi, kasi napaka-drama nang naganap sa amin ni Erik. Pero naisip ko na mas magandang malaman nina Rachel at Lenny ang naganap. Baka may mabigay silang pieces of advice sa akin. Kaya, tumindig ako at huminga ng malalim.
Ikinuwento ko ang mga nangyari mula sa pagdating ko sa mansion nina Erik hanggang sa pag-iwan ko sa kanya sa sidewalk katabi ang isang lamp post. Pakiramdam ko na parang may mabigat na bato akong buhat-buhat sa likod. Ang heavy! Mabuti na lang natapos ko ang aking kuwento na walang tumulong luha. At least, naagapan ko.

BINABASA MO ANG
Scripted Relationship
RandomGusto ni Rosalinda Mercedes Mendoza a.k.a. Rose na maging isang scriptwriter para sa pelikula. Kaya nagpasya siyang magsulat ng isang romantic love story as a start. Ngunit, may isa siyang problema: Never pa siyang nagkaroon ng boyfriend! Paano siya...
Chapter 49
Magsimula sa umpisa