抖阴社区

                                    

"Racky, bakit hindi mo sinabing dito tayo pupunta?"

Tumingin sa akin si Racky na mukhang nagkasala. "Hindi ka nagtanong, ate. Saka sabi na rin ni Kuya Erik, huwag ko raw sasabihin sa'yo para daw surprise."

"Wow! Na-supresa nga ako. Surprise na surprise!" Sabi ko kay Racky with a tone of sarcasm. Tinawanan lang ako ni Racky na mukhang walang pagsisisi na sumunod siya kay Erik.

"Shall we start the tour?" Tanong ni Erik sa lahat. Tumayo muli ako para ayusin ang sarili ko.

"YES!" It was a resounding 'yes' mula sa lahat pati mga magulang at companions ng mga estudyante.

The tour around the estate began. Akala ko, uunahin ni Erik ang pag-tour ng kanilang bahay. Instead, tumungo siya sa ibang direksyon kasama sina Gardo at ang mga kasamahan niya. Nakita ko ni Gardo from a far na kumayaw sa akin. Ngumiti ako at kinawayan ko din siya. Tapos, sumenyas siya na mamaya na lang daw kami mag-usap. Binigyan ko siya ng thumbs up in agreement.

Ang farm ang una naming pupuntahan. This will be the first time na mapupuntahan ko ang lugar na ito dahil hindi naman ako nilibot ni Erik noong unang beses na nakarating ako dito.

"In touring around our humble farm," sabi ni Erik sa lahat. "I follow four simple steps in introducing each part of it. I call them the 'Four Steps To Inspire A Tummy'."

Medyo napahagikgik ang lahat dahil sa sinabing ito ni Erik. Inspired Tummy? Tss. Napa-smirk na lang ako.

Una kaming pumunta sa isang greenhouse.

"Welcome to the Dela Rosa Greenhouse." Pagpapakilala ni Erik sa lugar.

Pumasok ang lahat sa napakaluwag na greenhouse kung saan naroon ang iba't ibang uri ng halaman at gulay. Sa tabi nito, may isang taniman pa ng ibang gulay na tinataniman ng ilang magsasaka. Masaya nga ang mga mukha nila nang makita kaming mga bisita. May isang magsasaka pa nga na kumaway kay Racky. Binalikan ni Racky ng masayang kaway ang magsasaka.

"In our company, we always wanted our customer to bring an inspired tummy after dining in our restaurants. Hence, we needed to find inspiration for ourselves so that we can share it. That is the First Step to inpisre a tummy: 'to find your inspiration'."

Pamilyar ang first step na iyon. Iyon kasi ang first step na tinuro sa akin ni Erik sa paggawa ng isang screenplay.

"In this greenhouse and the farm adjacent to it, we make sure that the people who plant them are always happy and contented so that they can reap inspiration. So in every seed that we plant is an inspired farmer who planted it, hoping to produce healthy crops."

Namangha ang lahat dahil sa kagandahan ng mga tinanim na halaman at gulay sa greenhouse. May kakaibang glow ang mga ito na hindi lang dahil sa sinag ng araw.

"Parang sa isang relasyon lang ang pagtatanim," pagpatuloy ni Erik. "Whatever you sow, that is what you reap."

"Ahhhh...." Sabi ng mga estudyante.

"So, if you sow love," pagpatuloy ni Erik. "Then you reap..."

"Love." Tiningnan ko kung sino ang sumagot. Si Racky pala ang sumagot. Tumingin siya sa akin nang ngumiti.

"Right you are, Racky!" In agreement naman itong si Erik. Tumingin naman kay Erik na. Kumindat siya ng makita niya akong tumingin sa kanya. Inalis ko ang aking tingin mula sa kanya. I felt annoyed.

Sunod na pinuntahan namin ang poultry house. Of course, punong-puno ito ng mga malulusog na manok. Tuwang-tuwa ang mga estudyante nang biglang nangitlog ang tatlong manok ng sabay-sabay.

Scripted RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon