"Step Two to inspire a tummy is 'to read the signs'. We need to know which eggs will surely inspire our customers."
Kinuha ni Erik ang isang itlog at pinaliwanag sa kanila ang inspirasyon na nakukuha mula rito.
"Just like this egg. It's healthy and complete. It is a sign of new life, new beginning. A sign that we can start everything from the beginning to produce high-quality chickens in the end."
Saka niya binigay ito sa mga estudyante para mahawakan ang bagong itlog. Napaisip ako sa sinabi ni Erik: start everthing from the beginning. Ano nga bang inspirasyon ang meron sa mga salitang iyon maliban sa hindi pa rin masagot na tanong kung ano ang mas nauna, ang itlog o ang manok? At ito ang Step Two na katulad din sa tinuro niya: Read The Signs. Beyond the signs pa ng yata.
Sunod na dinala kaming lahat ni Erik sa kanilang piggery. Bago kami pumasok, binigyan muna kaming lahat nina Gardo ng face masks para hindi masyadong maamoy ang mabahong amoy. Nang pumasok kami, manghang-mangha ang mga estudyante sa mga nakita nilang mga malulusog na baboy. May biik at may fully-grown pig. And then, Erik made another spiel.
"These pigs already know what will happen to them later on. That's why we give them everything they need. Food, water, shelter, care. That is Step Three: 'Push it! Do not settle! We don't let these pigs settle for what they are. We make them healthy. We make them live life to the fullest so that there will be no regrets in the end."
Napansin kong nakatingin siya sa akin nang sabihin niya ang last sentence na iyon. Tumingin na lang ako sa kanya without an expression. Sinasabi mo ba sa akin na I should not regret anything in the end? That I should choose to live my life to the fullest? Sinabi pa niya ito with Step Three! Oh, please, Mr. Dela Rosa.
Lumabas kami ng piggery at tumungo na sa rancho kung saan nakahanda na sina Gardo at ang mga kabayo.
"So, who wants to go for a ride with our horses?"
Nagtaasan lahat ng kanilang mga kamay ang mga estudyante. Pinakalma sila ni Erik at sinabing mabibigyan silang lahat ng pagkakataon para makasakay ng kabayo. May sampung kabayo naman na available.
Siyempre, hindi nagpahuli si Racky at pumila sa pagsakay. Nang dumating na ang turn ni Racky, lumapit sa amin si Erik.
"I will help you on this," alok ni Erik sa aming dalawa. Tinulungan niyang makasakay si Racky sa kabayo at inayos ang kanyang pagkakaupo rito. Tapos, humarap sa akin si Erik.
"What?" Tanong ko sa kanya. Parang may in-expect kasi siya na gagawin ko.
"You need a ride."
"Ano? Hindi na kailangan."
"I never asked for your opinion."
Mabilis akong hinawakan ni Erik sa aking beywang at binuhat para makasakay sa isang kabayo. Nagpumiglas ako at sinabing ayaw ko ngang sumakay. Ttoo late, nabuhat na niya ako with the help of Gardo and the helpers at naisakay ako sa likod ng kabayo.
"Stop panicking. You might hit Cheesy. Mind you, she won't like it." Warning ni Erik na nagpatigil sa akin. Mahirap nang maaksidente pa ako ni Cheesy the Horse. Tinawan naman ako ni Racky.
Kinuha ni Erik ang tali ng dalawang kabayo na sakay ako at si Racky. He made a strange sound signal. Signal yata iyon para sa mga kabayo para gumalaw. Amaze na amaze naman si Racky habang nakasakay sa kanyang kabayo. Ako naman, hindi ako kumportable.
"Gardo, kayo munang bahala diyan," sigaw ni Erik kay Gardo na tinutulungan ang isang magulang na makasakay ng kabayo.
"Sige, sir!" Pasigaw rin na sagot ni Gardo. Mukhang nagkaintindihan silang dalawa dahil sa isang senyas ni Gardo na aking napansin pagkatapos niyang sumagot kay Erik. Hindi ko tuloy napigilan tanungin si Erik.
BINABASA MO ANG
Scripted Relationship
RandomGusto ni Rosalinda Mercedes Mendoza a.k.a. Rose na maging isang scriptwriter para sa pelikula. Kaya nagpasya siyang magsulat ng isang romantic love story as a start. Ngunit, may isa siyang problema: Never pa siyang nagkaroon ng boyfriend! Paano siya...
Chapter 53
Magsimula sa umpisa
