Napatawa ako ng maliit nang sabihin niya ito.
"Yung totoo," pagpatuloy ni Mommy. "Masakit. Dahil iniwan ako ng Daddy mo noon. Ang mas masakit pa, iniwan niya ako dahil nagkaroon siya ng pagkakataong balikan ang dati niyang niligawan."
"Umiyak ka ba noong nalaman mo?"
"Oo."
"Nagalit ka ba sa kanya?" Tanong ko pa sa kanya.
"Oo naman. Sobra."
"Nainis ka ba kapag naririnig mo ang pangalan niya?"
"Maamoy ko pa nga lang siya, nagagalit na ako."
"Nairita ka ba kapag nakikita mo siya?"
"Oo. Kasi hindi ko na ninais pang makita pagkatapos naming maghiwalay."
"Naging bitter ka ba sa kanya?"
"Oo! Grabe ang pagka-bitter ko. Kinutya at itinatwa ko siya dahil doon."
"Eh bakit mo pa rin po siya binalikan?"
Hindi kaagad sumagot si Mommy. Nag-isip muna siya bago ngumiti sa akin at sumagot.
"Dahil mahal ko siya. Mahal ko ang Daddy mo."
Natahimik ako nang sinabi niya iyon.
"Iyon lang ang dahilan mo, Mommy? Tanong ko sa kanya.
"Dahil iyon lamang naman talaga ang dahilan ko, anak," pangiting sagot ni Mommy. "At iyon ang totoo. Totoong nararamdaman nito." Sabay hawak sa dibdib niya. Pareho kami palagi ng gesture kapag ang puso na ang pinag-uusapan.
"Noong bumalik ang Daddy mo at humingi siya ng kapatawaran," sunod na sabi ni Mommy. "Hindi ko kaagad binigay iyon sa kanya. Inisip ko noon, 'Nasaktan mo na ako. Iniwan mo na ako. Pinagpalit mo pa ako. Bakit pa kita babalikan? Bakit pa ako magpapakatanga?' Pero, nakita ko kung gaano pinagsisihan ng Daddy mo ang sakit na dinulot niya sa akin. Ginawa niya ang lahat para mapatawad ko siya kahit na batuhin pa siya noon ng Lolo mo ng kaserola."
Hindi ako nagsalita. In-internalize ko ang sinabing iyon ni Mommy nang tinanong niya sa akin.
"May tanong naman ako sa'yo, anak," sabi sa akin bigla ni Mommy. "Ano ba ang meaning sa iyo ng 'second chance'?"
Napaisip ako at nagtaka. Biglang singit ng ganoong tanong.
"Bakit niyo naman po naitanong iyan?" Tanong ko kay Mommy.
"Sagutin mo muna ang tanong ko," sabi ni Mommy.
"Sa totoo lang po," panimula ko. "Binibigay ang second chances sa mga taong deserving."
"Tama," nakangiting sagot ni Mommy. "Hindi dahil sa takot tayong masaktan muli kaya hindi natin maibigay sa taong nanakit sa atin ang second chance na hinihingi nito. Most of the time, dahil sa pride. Ayaw nating mapahiya muli sa ating sarili. Kaya kung bibigyan natin ng second chance ang mga taong iyon, kailangan deserving sila. Karapat-dapat. Kailangan, pasado sa standards."
Tumingin ako kay Mommy. Ngumiti siya sa akin.
"Pero, anak. Kailangan din nating tanggapin na walang taong perpekto. Lahat tayo nagkakamali at least once sa ating buhay. Ikaw, pati ako. Nakakagawa tayo ng mga maling bagay na nakakasakit sa iba. Kung gayon, ano pang standards ang pinag-uusapan natin kung nagkakamali naman tayong lahat?"
"Ano?" Tanong ko kay Mommy.
"Iyon ay ang choice ng isang tao na itama ang kanyang pagkakamili."
"Parang ang daling sabihin pero ang hirap maintindihan." Sinabi ko ito nang tono na hindi makapaniwala.
Lumapit sa akin si Mommy at in-embrace ako sa aking likod. Sinandal ko ang aking ulo sa kanyang bisig.

BINABASA MO ANG
Scripted Relationship
RandomGusto ni Rosalinda Mercedes Mendoza a.k.a. Rose na maging isang scriptwriter para sa pelikula. Kaya nagpasya siyang magsulat ng isang romantic love story as a start. Ngunit, may isa siyang problema: Never pa siyang nagkaroon ng boyfriend! Paano siya...
Chapter 56
Magsimula sa umpisa