抖阴社区

CHAPTER 8

21 1 0
                                    

Review

Abala ako sa paggawa ng aking mga reviewers at notes nang biglang nag-off ang cellphone ko. Anak ng! Distraction naman 'to oh! Kitang nag-rereview ako. Mamaya baka matanggal ako sa honor roll. May maintaining grade pa naman ako para maging scholar sa isang prestihiyosong university na pinapangarap kong pag-aralan.

Ang UP Diliman College of Music. Kaso ang layo layo nun eh. Naalala ko palang taga Dasma lang pala ako. Saka if ever man na palarin ako dun at makapasa, wala rin naman akong magiging kakilala dun.

I mean—I'll go there to study and not to make friends. Saka isa pa, if I ever have one, sana yung kasing ugali ko, yung parang kanal humor ang dating.

Agad kong chineck kung sino ang nagtext sa end ko. Mamaya pala pinaprank lang ako ng isang yun.

From: Sharlene Rose Hermosa

Message: Kung iniisip mo na mag-eenroll ka sa isang University, I suggest na wag mo nang ituloy. No one's going to accept you there sweetie. Di ka naman kasi kagandahan para tanggapin. Toodles! HAHAHAHA >,<

Agad tumaas ang dugo ko nang mabasa ko ang text na sinend ni Sharlene. Tangina niya talaga. Ano naman ang ipanglalaban niya sa mga Universities na aapplyan niya? Yung ganda niya? Heck no! Baka nga wala pa siya sa first base ng application, bagsak na siya dahil sa pag-uugali niya.

Magtitipa na sana ako ng reply nang bigla siyang nagstatus sa Facebook.

Sharlene Rose Hermosa posted on your timeline.

Ikaw? Mag-aapply sa UP? In your dreams, honey! Hindi sila tumatanggap ng mga chakang students katulad mo. Well, lucky for me though. I have lots of financial support that came from my family. And you? You have none. Toodles!

Sinong pinaparinggan niya? Ako o Siya? Imbes na magreview eh, dinadaan pa sa pagfefacebook. Leche siya. Kaya laging bagsak eh. Di finofocus ang sarili sa acads. Puro naman kadramahan ang laman ng timeline niya. Saka, lots of financial support? Kanino? Sa mga magulang niya? Eh, halos magkanda kuba na nga parents niya para lang maipagaral siya eh, tapos siya pa 'tong ungrateful na dinadaan na lang sa instant ang lahat.

Kaso naalala ko, masamang damo 'tong babaeng 'to. Mahirap mamatay.

As I was about to comment my side, Calli beats me to it.

Hyacinth Callista Feliciano commented on Sharlene Rose Hermosa's timeline

Ang kapal naman ng mukha mo para sabihan si Shannen ng ganyan. When in fact, Ikaw lang talaga 'tong ungrateful skank na walang ginawa kundi ang umasa sa financial support ng magulang. Siguro, nagsisisi yang parents mo na binuhay ka pa sa mundong 'to. Kasi, kung ako siguro ang nagluwal sayo, baka di na ako nagdalawang isip na ipalaglag ka.

Aba'y ang tapang naman nitong babaeng 'to. Nagreview rin ba 'tong isang 'to bago magcomment? Baka mamaya hindi nanaman nag-aral ang isang 'to tapos makikitabi nanaman saken.

Hay nako, Calli. Ewan ko na lang talaga sayo. Mamaya kung anu-ano nanaman ang sabihin niyan sayo pag ikaw ang inatake niyan. Knowing Sharlene, baka magsumbong lang yan sa nanay niya.

THE NEXT DAY

"Uy, may good news pala ako!" Masayang sabi ni Lindsay sa amin saka inakbayan ang mga balikat namin. Ano nanaman ang pumasok sa isip ng babaeng 'to?

"Ano?" Nayayamot kong tanong. Please lang, sana good news ang isheshare niya sa amin. Kasi kung hindi, kukutusan ko 'to.

"May world tour daw si J-Hope dito sa PH! Excited na ba kayo?" Masayang tanong nito sa amin. Biglang napaurong ang aking sikmura matapos niyang mabanggit ang tour na sinasabi niya.

Pero wait... may world tour dito si Hobi? Shuta! Anong ipambabayad ko dun kung sakali? Yung kidney ko?

"Shuta naman teh! Kitang kulang na kulang pa ang aking pera para sa mga gastusin dito sa school eh. Isama mo pa yung allowance ko." Saad ko.

"Taena kasi! Nabasa ko kasi sa twitter ko, confirmed daw talaga na may world tour siya! Finally kabilang na ang Pilipinas sa mapa!" Bulalas naman ni Lindsay.

Agad akong napatigil sa sinabi nito. Ano kamo? Kasama ang Pilipinas?

Shuta, magpapafiesta na ako sa barrio namin.

"No way! Patingin nga!" Sabi ko sabay hablot ng cellphone niya na kasing bilis pa ng alas kwatro.

BREAKING NEWS: J-Hope announces tour, including PH.

Anak ng! Pwede ko bang ibenta mga body organs ko para lang makapunta sa concert?

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA! Oras na para isangla ang bahay namin para lang makapunta sa concert ni Hobi! OMG! MOA Arena, hintayin mo ko!" Muntangang sabi ko. Napatingin naman ang mga tao sa paligid namin. Hutaena naman oh! Kitang moment ko 'to eh, tapos biglang naging awkward lang ang situation, parang si Jin.

Joke lang, Jin. Wag mo kong aawayin ha.

Biglang tumawa si Lindsay, Calli, at Celestine sa inasal ko.

"Beh, ikalma mo ang puso mo baka lumabas yan ng tuluyan mula sa rib cage mo. Mahirap na at baka madonate pa namin yan sa St. Luke's Medical Center at gawing heart transplant ng wala sa oras." Pagbibiro ni Calli.

Tangina talaga nitong babaeng 'to. Kitang once in a blue moon na nga lang mangyayari tapos biglang ganito ang sasabihin?

Aba, nice talking ka talaga Feliciano!

"Wait lang, parang may naalala ako." Celestine says out of the blue. Don't tell me...

"Ano nanaman yan? Baka pwedeng ichika mo na yan!" Sabi ko sabay kain ng popcorns.

"What if di ako makasecure ng ticket?" Malungkot na sabi niya.

Napatingin naman ako sa gawi nito saka nagwika.

"Future ko nga, di masecure-secure eh. Concert ticket pa kaya ni J-Hope?" Sabi ko. Napuno naman ako ng pag-angal mula sa mga ito.

"Beh naman! Ano 'to? Sama-sama na tayong broke nito!" Sabi ni Calli. Napapaface palm na lang ako pag ganito ang mga usapan. Kitang ang dami pa naming babayaran sa school namin, tapos dumagdag pa ito.

Anak ng kamalasan nga naman.

"What if, pumunta dito si Hobi tapos sabihin niya : She's my girlfriend, wala na kayong magagawa. Ganern!" Pag-iimagine naman ni Lindsay.

Nako Lindsay, gutom lang yan. Ikain na lang natin yan.

"Lindsay, tara kain na lang tayo baka gutom lang yan." I say.

"Oo nga, tara na. Sagot ko na yung lunch natin." Dagdag naman ni Celestine.

Ang taray, sagot na niya yung lunch namin. Eh magchichikahan lang naman kami sa Jollibee.

Either way, libre na yan eh. Tatanggi pa ba ako? Buti na lang talaga't di ako nagbaon.

"Naks! Hulog ka na talaga ng langit beh. Thank you!" We all said in unison.

Oo nga naman, gutom lang 'tong nararamdaman namin. Agad kaming lumabas saka kumain sa Jollibee at naggala-gala saglit sa mall before ang next class namin. Alam niyo naman, hanging out with friends is so chill kaya.

Not until may nakalimutan kami na may rereviewhin pa kaming isang subject para sa araw na ito.

Badtrip talaga oh. Gagala na nga lang kami, magrereview pa.

While ordering our foods ay biglang nag chat si Trevor sa end ko.

From: Trevor Floyd Lopez Belleza

Message: Nasan ka? Nagquiz kanina eh. Bakit wala ka sa classroom kanina? Saan ka pumunta?

Ayan na nga ba ang sinasabi ko, may quiz nga talaga kami. Shit, I'm so damn doomed!

Damn it!

Broken Strings | REVAMPEDWhere stories live. Discover now