抖阴社区

CHAPTER 25

15 0 0
                                    

Trust

Wow.

Ang kapal naman ng pagmumukha ng Aziel na yun na ipamukha sa amin na kami pa talaga ang totoong traydor sa kwento niya. What a jackass he is!

"Ang angas namang magpakita ng kagaguhan ng pinsan mo, Landon. Akala mo kung sino nang magaling, eh wala. Puro salita, wala naman sa gawa. Buwisit." Sabi ko. Mukhang nakuha ni Landon ang punto ko. Kaya sa huli, napatango siya.

"Ewan ko rin dun sa gagong yun. Hindi naman siya totally ganun nung mga bata pa kami. Gentleman siya sa una pero tangina parang pinaghihinalaan ko na rin siya ang mastermind sa mga nangyari kay Dahlia. He'd probably framed her up para lang makasama niya ang ex best friend niyang si Tristina." Landon explained which made all of our heads whipped at his direction.

"Seryoso ka ba?" We all asked him. He just nodded. Kaya pala ayaw na ayaw niyang makita to kahit minsan sa tana ng buhay niya.

"Ah, so inahas naman ng Tristina si Aziel, tama?" Vladimir asked him for confirmation.

"Halata naman eh! Nabuntis niya si Tristina para lang i-confirm ni Aziel na wala na talaga si Dahlia. Tangina ng lalakeng yun kahit kailan!" Landon snapped. Nagpupuyos naman sa galit si Aziel nang marinig niya ang buong pangyayari.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na akisdente lang ang lahat ng nangyari?" Aziel asked him. Pagak na napatawa si Seth sa tanong nito.

"Ha ha ha. Kami pa talaga ang lolokohin mo? Eh di naman namin responsibilidad yang katarantaduhan mo. In other words, not our bayag , not our problem." Asar ni Seth sa kanya kaya naman tinulak niya ito ng malakas. Agad namang gumanti si Seth saka kinwelyuhan si Aziel.

"Bawiin mo ang sinabi mo! Ilang beses ko bang sasabihin sayong aksidente lang ang lahat ng ito?" Aziel asked him. His foreign features acting up in nowhere.

I mean. Mahahalata mo naman sila na may lahi silang tatlo dahil. Half korean si Seth, at may lahing American sina Landon at Aziel. Mga half pinoy silang lahat.

Kami lang ata nina Vladimir ang purong pinoy. Tangina, We can't relate. Sana all na lang talaga sa kanilang lahat.

"Sana all may lahi." Muntangang saad ni Vladimir. Parang gago 'tong isang 'to. Good luck na lang talaga sa pagiging tanga mo brod!

Kelan pa titino 'tong tropa namin?

"At bakit naman namin babawiin ang sinabi namin? Bakit? Sino ka ba para sabihan kami? Ipapaalala ko lang, matagal ka nang walang naiambag sa pagkakaibigan natin dito. Maiintindihan ko pa kung tropa lang kayo ni Tristina eh. Kaso wala, parang gustong - gusto mo pa na gawin ang katarantaduhan mo ng palihim habang kayo pa ni Dahlia, tama? Saka, may pa - the feeling is mutual ka pang nalalaman diyan eh mukha ka namang traydor talaga simula't sapul pa lang." Landon irked vocally at his cousin.

"Ano bang hindi mo maintindihan sa salitang "akisdente lang?" Akisidente kong nabuntis si Tristina kaya–" Seth cut him off.

"Kaya pinagpatuloy mo lang ang kahayupang ginawa mo habang kayo pa ng asawa ko!" Seth finished his sentence. Aziel just stood there, unable to taunt back. Gago kasi eh. Bakit ba mahilig siyang pumasok kung kelan naman okay na ang lahat? Di naman siya tite pero pinaninidigan niya.

Tangina talaga.

"If you really wanted that trust that you're talking about, then fucking learn how to earn one." Landon told his cousin. Tangina, until now parin pala hindi pa sila tapos sa usapan na yan? Shuta.

Ngumisi si Aziel. The smirk that he used to do since we were still intact. Tangina lang niya't bakit iba na ang ngising binibigay niya?

Parang may meaning sa ngiti niyang yun.

"If there's anyone I could trust, it would be no other my wife, and that's Tristina. I only used Dahlia as a bridge to meet the person whom I really love, not just after my money–" Agad kong sinapak ng malakas ang pagmumkha ni Aziel matapos kong marinig mismo galing sa kanya ang lahat ng nangyari.

"Gago ka pala eh! Shoshota shota ka ng babaeng di mo naman pala kayang panindigan tapos ginawa mo pang tulay para lang may masabi kang wala na kayo ni Dahlia? Aba'y tangina mo naman pala!" Si Landon. Tangina talaga ng lalakeng to kahit kailan.

Tumikhim si Seth. Hindi niya na siguro nakayanan ang lahat ng mga pinagsasabi ni Aziel.

"Tangina?! Ginamit mo lang ang asawa ko para lang makakuha ng babae? Puta! Sa lahat ng pwede mong shotain, yung ex best friend pa talaga ng asawa ko? Napakacheap mong lalake! At may pa-trust trust ka pang sinasabi diyan! Ni hindi mo nga mai-apply sa sa sarili mo yang salita na yan." Galit na singhal pa ni Seth.

May point nga naman si Seth. Pucha, sa kanya pa talaga nanggaling yan? Pambihira. Ibang klaseng nilalang.

"Bakit parang nagagalit ka everytime I hit your ego, Seth? Si Dahlia ang nagbigay mismo ng rason sa akin na mawala sa buhay niya eversince! Tangina naman! Kahit gustuhin ko man na mag-explain ng side ko, wala! She just keeps on avoiding me no matter how much I badly want to explain my fucking side! Tangina, sana alam mo yan!" Aziel fired back. Napatawa si Seth sa inasal nito.

"HAHAHAHA! Ah, so parang kasalanan ko pa na nagiging miserable ka? News flash Aziel, hindi ko na kasalanan kung bakit ako pinili ni Lia. Hindi ko na kasalanan kung bakit puro kamalasan ang mga nasasalo mo. Masyado ka kasing mayabang. Bakit? May napatunayan ka na ba kay Dahlia? May nagawa ka bang tama para sa kanya? Wala. Kasi asan ka nung mga panahong kailangan ka niya? Andun sa ex best friend niya, niluwa na nga, kinain mo pa. Nakakaasiwa kang tignan." Mahabang litanya ni Seth na may kasamang panunuya.

No wonder, Landon has once told us that Aziel used to lie, cheat, and betray them behind. Kaya punum-puno na sila ng pagsisisi dahil dito.
"Ang lakas naman ng loob mo para sabihin sa akin yan! Para sabihin ko sayo, ako ang naunang nakilala't nakasama ni Dahlia. Ako lang ang tunay na nakakaalam sa kanya. Nagkandaleche leche lang ang lahat magmula nung dumating ka sa buhay nilang lahat!" Aziel countered. Landon just chuckled in a jokingly manner.

"HA HA HA HA! Wow! Anong akala mo sa sarili mo? Feeling santo na may nagawang tama? Tangina! Kung alam ko lang na mabait ka, edi sana pala kinausap ko na si San Pedro. Mukhang gustong-gusto mo na yatang makipagmeet up sa kanya." He roasted him. Hindi na napigilan pang lapitan ni Aziel ang kanyang pinsan sabay sinapak ang kanyang mukha. Agad namang nakabawi si Landon sa kanyang kinatatayuan at mabilis rin niya itong ginantihan.

"Ano Aziel? Yan lang ba ang kayang mong gawin? Ang manapak pag napipikon? Grabe, talagang pinapatunayan mo lang sa aming lahat na hindi mo ginagamit sa tamang paraan yang utak mo! Did we hurt your ego? Aba, di ko na kasalanan yun! Kasalanan mo, akuin mo. Hindi yung isisisi mo pa sa lahat ng tao dito!" Landon says. Biglang nandilim ang paningin nito habang mariin niya itong tinititigan na parang isang nakakadiring bagay.

"Aziel," Pang-uusisa ko. "Away na lang ba ang gusto mong ipunta dito? Palagi na lang?"

"Trev.." He began. "I-I can exp–" I cut him off. Bastos na kung bastos, I don't give a damn.

"Napapansin ko na lahat ng galawan mo, Azi. Hindi lang ako nagsasalita. Kasi ayokong makasakit ng tao. Pero dahil ngayon na napatunayan ko na ang totoo, wag na wag mong asahan na babalik pa sa dati ang lahat. Including the friendship that we once built." I explained.

"Sinira mo na ang tiwala naming lahat. Akala ko pa naman mapapagkakatiwalaan ka Azi? Bakit parang ginagawa mo na lang kaming tanga ngayon?" Vladimir added. I mean, that's true. No doubt about it.

"Sinira ko ba talaga ang samahan natin? O baka dahil sa koreanong to?" Tanong niya sabay duro kay Seth na nananahimik.

Landon sneered at his cousin. "Wag na wag mong idadamay si Seth dito! Ang kapal kapal ng pagmumukha mo!"

Aziel got shocked. "Ah, so ano na lang pala ako para sayo? Masyado kayong nasilaw sa pagiging gago niya kaya nagiging kaugali mo na!"

What in the actual fuck was that? This man hasn't had the chance to change for the better. Moreover, he wants to betray our trust and break it like nothing happened.

Nakakagago. 

Broken Strings | REVAMPEDWhere stories live. Discover now