抖阴社区

CHAPTER 36

12 0 0
                                    


Nam-doomed

"Uy, mag-ayos kayo ng gamit dali!" Rinig kong sabi ni Jimin. Alam siguro ng isa sa kanila na uuwi ako galing sa part-time ko sa studio bilang isang lyricist. Like, duh? Ako na 'to eh. Need na need ko nang magtrabaho.

"Huh? Sinong dadating?" Tanong ng isang di pamilyar na boses. I'm not sure kung si Taehyung o si Jungkook ang nagtanong sa kanya. Madali kasing mabosesan si Chim. Kalalakeng tao ba naman kasi, ang daldal.

As Jimin was about to answer ay naunahan ko na siya. Ang tagal sumagot eh. Sarap niyang itapon palabas.

"Ako. Bakit? May problema ba tayo, Jeon Jungkook?"
I asked. Nakita ko kung paano napalunok ng laway si Jungkook dahil sa nakakasindak kong features. Wait nga, nakakatakot ba ako kung magalit?

"Uy, Jungkook uso kurap pre! Ano bang nangyayari sayo?" Pagtataka ni Hoseok. Oo nga naman, nakakatakot ba ako tignan?

"Si S-shannen kasi eh." Namumutlang sabi ni Jungkook. Akala mo naman kung sinong tumakbo sa marathon para pagpawisan ng bonggang bongga. Tadyakan ko 'tong lalakeng 'to eh.

Napakunot na lang ako ng noo. Anong meron sa akin?

Namjoon went forward saka tinapik-tapik si Jungkook, dahilan para magtaka pa lalo ito sa kanya.

"Jungkook, kakapanood mo yan ng telenovela sa TV. Tumigil ka na. Masyadong adik sa TV ay." Sabi pa nito. Kung iisipin ko, para tuloy silang magkapatid sa lagay na yan.

Nanatili lang na trusfrated, este frustrated si Jungkook sa sinabi nito sa kanya. Kaya siguro tumataas ang bill ko sa kuryente't tubig dahil sa kanya. Pag ako talaga naputuluan ng wala sa oras, siya talaga ibabayad ko.

"Uy, mahiya ka naman kay Shannen. Baka ikaw pa ang rason kung bakit tumataas ang bill ng kuryente't tubig niya dito. Matuto kang makisama't magtipid. Di naman porket pinatuloy ka na dito eh aabusuhin mo na yung kabaitan ni Shannen." Pangaral naman sa kanya ni Yoongi. Minsan lang yan magkaroon ng line. Pero kung magsalita ito, paniguradong mapapanganga ka sa bawat salitang namumutawi sa kanyang bibig.

Nanatili lang na walang imik si Jungkook matapos niyang marinig ang mga pangaral na binigay sa kanya ni Yoongi. Maya- maya pa ay bigla kaming nakarinig ng ingay mula sa loob ng kusina. For sure, dinadakdakan nanaman ni Jin si Trevor sa kusina.

"Amputa! Bakit ang lalaki ng hiwa mo sa patatas? Mukha ba tayong magluluto ng adobo? Picadillo
(pronounced as pee-kah-di-yo) ang lulutuin natin tanga!" Rinig kong pangaral ni Jin sa kanya. Napakamot na lang kaming lahat sa narinig.

"Grabe talaga magturo si Jin hyung. Kina-career talaga ang pagiging nanay eh." Sabi ni Jimin sa amin. Napatawa na lang kaming lahat sa sinabi nito. Siraulong Jimin talaga 'to.

"Hala nanay daw oh! Jin hyung! Sabi ni Jimin mukha ka daw nanay kung magturo!"
Sigaw ni Yoongi mula sa sala. Napahalakhak kami pagkatapos niyang isigaw yun. Bagay na ikinagalit nanaman ni Jin.

"Sige magsabi ka pa. Di kita papakainin tignan mo!"
Sigaw sa kanya pabalik ni Jin. Ayan tuloy, ginagalit niyo nanaman ang noona niyo, este ang hyung niyo pala.


"Hala, highblood nanaman si Jin hyung."
Bulong naman ni Namjoon. Napatingin naman kami sa gawi nito. Ano nanaman kaya ang gagawin niya sa kusina?

"Joon, step back. Kaya na ni Jin hyung at Trevor yun." Hoseok told him.

Namjoon just let out a sigh saka napatango. Naawa naman ako sa itchura nito dahil hindi siya pinapatulong. While observing him closely, ay may naisip akong idea na makakapagkilos pa rin sa kanya.

"Joon, gusto mo bang tulungan akong magbalat ng mga fruits?" I asked him. Agad lumiwanag ang kanyang mata sabay pakita ng dimples. Ang cute talaga nitong lalakeng 'to kahit kailan. Ang sarap sarap niya tuloy ilagay sa bulsa.

Wow, Doraemon yan?


"Hala! Seryoso ka ba diyan? Yay! Sige sige! Tara na!" Namjoon happily says as he pulled my hand papunta sa mesa. Pinaupo ko siya sa isang gilid saka ko naman nilabas ang mga prutas para sa aming fruit salad.

"Ang daya! Shannen, paano naman kami?" Jungkook says, pouting. Ito naman, masyadong seloso. Porket maknae lang eh.

"Wag na Kook, okay na kami dito."
I dismissed him. Mukhang nakuha siguro ni Jungkook ang aking sinabi at saka umalis.

Baka magtampo nanaman sa akin yun. Mahirap na.

I shook my thoughts away saka ako nagpatuloy sa ginagawa namin nang mapansin ni Namjoon ang pagiging tahimik ko. So, it means kanina pa pala niya ako inoobserbahan the whole time?

"Shannen, okay ka lang?"
Namjoon asked me that made me blink twice. So he knew...

"Ah, oo naman. Tara gawa na—"
Namjoon stopped me. For sure, he's going to take the opportunity para sabihin niya ang nararamdaman niya para sa akin. Anong gagawin ko if ever na magconfess siya sa akin?

"Shannen," Namjoon called me. Agad niyang hinawakan ang aking kamay saka hinalikan ito. Anong nangyayari? Bakit nagiging affectionate sa akin si Namjoon lately?

"Joon, anong nangyayari? Okay ka lang ba? Nam—" Namjoon stopped me as he kissed me softly. Bagay na ikinagitla ko ng husto.

Bakit ganito ang pinapakitang motibo sa akin ni Namjoon? Ano bang meron sa akin? Bakit di ko siya mapigilan? Bakit parang nagugustuhan ko na rin ang ginagawa namin kahit mali?

"Guys! Andito na y—" Trevor stopped talking as he caught us accidentally. Agad akong napatayo saka sinundan si Trevor palabas.

Tangina Shannen, you're so damn doomed. Ano nanamang ginawa mo?

"Trevor wait—" Trevor cut me off. His face got swollen because of jealousness, madness, and full of bursting emotions altogether.

"Ano yun, Shannen? Ano yung nakita ng dalawang mata ko? Bakit kayo magkasama ni Namjoon kanina? Sagutin mo ko!" Trevor yelled. Nanatili akong walang imik at patuloy na lumuluha sa harapan niya. Halatang di niya matatanggap ang aking mga paliwanag kapag ako na mismo ang nagsabi.

"Trev.. it was just an accident. Tinulungan ko lang naman si—"
He cut me off again. He looks so done with me. For sure, the next time that i'll commit a mistake, paniguradong wala na akong matutuluyan nito at kusang aalis palayo.

"Accident? Shannen, hindi ako ipinanganak kahapon para lokohin mo. Malayo pa ang April Fools Day pero mas masakit na itong ginagawa mo sa akin. Tangina, ilang beses mo na ako niloloko? Ilang beses mo kong gagawing tanga? Hanggang kailan mo pa ipagpapatuloy yang katangahan mo para lang masabi ko na tapos na tayo? Sabihin mo Shannen Larisse. Sabihin mo!" Trevor yelled at me. Nanatili lang akong walang imik at lumuluha habang unti unti kong tinatanggap ang kanyang mga sinasabi.


Well, totoo naman kasi. Ako yung nagloko. Ako yung nanggago. Ako yung lapit ng lapit sa tukso. Kaya heto ako ngayon.. Nag-iisa, naglalakbay sa gitna ng dilim.

Courtesy by Aegis. Pahiram muna ng linya niyo ha.

Pero on a serious note, di ko na alam ang gagawin ko kung sakali mang umalis si Trevor sa buhay ko. Hindi ko kakayanin. Mahal ko siya, pero ako mismo ang nagloko at gumagawa ng paraan para lumayo siya lalo.

Ang tanga ko, di ba?

Ako si Shannen Larisse Umali Dela Paz, ang dakilang tanga. Umaasa na pagbibigyan pa ako ng pagkakataon para mahalin ulit ni Trevor Floyd Lopez Belleza—ang lalakeng minahal ko ng buo, pero sinaktan ko dahil sa maling pagkakamali ko.

At si Namjoon... nadamay lang siya sa gulong 'to. Hindi ko sinasadyang mahulog sa bitag niya. Hindi ko sinasadyang mainlove sa kanya kahit na alam kong sincere ang intentions niya sa akin.

I'm sorry, Namjoon. Hindi ko naiwasan ang sarili kong mahulog sayo. Hindi ko sinasadyang mainlove sayo. Kahit na alam nating mali, pinagpatuloy pa natin.

Kung kinakailangan kong lumayo-layo sayo, gagawin ko. Wag lang dumating ang isang araw na marealize ko na mas mahal pala kita kaysa kay Trevor.

And I know for sure, the both of us are nam-doomed right from the very start.


Broken Strings | REVAMPEDWhere stories live. Discover now