抖阴社区

CHAPTER 16

18 1 1
                                    


Confusion

He's confusing me. Ano ba talaga ang gusto niyang gawin ko? To pretend as his fucking lover?

Parang mali naman ata yun. Moreover, I can't pretend as someone else's lover lalo na kung confused pa ito sa nararamdaman niya.

"Alam mo, if you keep on confusing me, I won't hesitate to think twice para lang i-unfriend ka sa buhay ko." Pananakot ko.

He just smirked. Para namang gago 'to. Anong akala niya saken? Nagbibiro?

"Shannen, darling. Do you know the reason why I'm confusing you? It's because I want you to know that not everything I've told you earlier aren't fake. Kung peke man yun sa pandinig mo, bili ka na lang ng bagong tenga kung gusto mo." Trevor casually says.

"Tangina mo talaga! Anong akala mo sa akin uto uto? Pwes, nagkakamali ka! Uutuin mo na nga lang ako, epic fail ka pa! Aba!" Laban ko. Mukhang di nagpapatinag ang isang 'to ah!

"Does it look like I'm joking around? Look, I didn't come here to play some stupid games with you. Sana alam mong gustong gusto kita kahit na ginagago mo lang ako minsan." Asik naman niya sa akin pabalik.

"Aba! Malay ko sayo! Kung anu-ano naman kasi ang sinasabi mo diyan tapos ako pa tatanungin mo ng ganyan?" I mocked him. Akala naman niya siguro mahuhulog ako sa mga patibong niyang wala namang kwenta? Hah, sorry na lang siya.

Para namang gago kasi eh. Akala naman niya siguro nagbibiro ako sa mga sinasabi ko dito.

Bahala siya kung ayaw niyang maniwala.

TREVOR'S POV

What's wrong with her? Eh tinatanong ko lang naman siya ng maayos tapos siya pa 'tong hindi makagets.

Yung totoo? Tropa ko pa ba itong isang to or ano? Para naman kasing tanga eh.

"Bakit ba kasi naliito ka sa setup nating dalawa?" I asked her. It seems like hindi niya pa talaga naiintindihan kung ano ba talaga ang meron sa aming dalawa.

"Sino ba naman kasing hindi malilito? Eh akala ko naman kasi hanggang tropa lang, kaya ako namang si tanga, nagpatangay na lang sa agos kahit na may iba ka pa palang motibo." She told me. Ah, so hindi niya pa alam na gustong-gusto ko siya?

"Hindi mo pa alam?" I asked her. She still looks scared as a white kitten. Ang cute naman nito kung matakot. What if akin na lang ito?

"H-hindi. Kung alam ko man, sana dati pa di ba?" She told me. Oo nga naman, bakit kasi puro lang ako pagwapo?

"Okay, fine. Sasabihin ko na but please, don't freak out after this. Knowing you, magugulatin ka pa naman." I say.

"Oh sige, ano ba ang sasabihin mo?" She asked me. Actually, kahit ako rin naman eh, gusto ko rin namang mainlove pero wag naman ganito.

She inhaled deeply, naamoy na niya ang aroma ng aking pabango. My scent is too manly and divine for her to breathe deeply.

Shutangina, mapapa-you are my pain divine divine siya nito ng wala sa oras. Punyeta naman oh!

"Ano ba naman yang pabango mo!" Pagrereklamo niya. Ano ba naman 'tong babaeng 'to, ang daming ganap sa buhay.

"Shut up upper uppest nga! I'm so stressed because of you! Puro ka reklamo! Tangina mo!" I fought back. Brutal na kung brutal, eh sa wala na akong marebat na matino eh.

"MINUMURA MO BA AKO? Ang kapal talaga ng apog mo kahit kelan! Di ko alam kung bakit ka nagiging ganyan sa akin? Ano ba kasing problema mo?" She asked me. Eh sa hindi ko na alam ang sasabihin ko eh. Lutang na ata ako. Parang yung nagsusulat ng kwento ko ngayon, update ng update may pupuntahan pa pala. Jusko ang sakit niyo pareho sa bangs.

(A/N: At ako pa ang sinisisi mo? Gusto mo bang mawala ngayon sa mundong ibabaw? Sabihin mo lang.)

Sabi ko nga, shashut up na ako. Tangina naman. Oo puro mura kasi parehas kaming badtrip ngayon.

"Ano bang nangyayari sayo? Bakit ka ba nagkakaganyan?" Shannen asked me. Sorry naman. Lutang eh. Kung ano ano ang sinusulat ng author na ito. Lutang eh.

"Ako? Hahahaha, shuta. Ito naman parang hindi mabiro. Tara ililibre na lang kita. Ano ba gusto mo? Sagot ko na." I say. At ang pagmumukha niya? Parang pinagsakluban ng langit at lupa, im-im-impyerno. Saksak puso,tulo ang dugo. Patay, buhay, umalis ka na diyan sa pwesto mo na bulok.

Joke lang. Laro na pala yung sinasabi ko. Maling langit lupa pala ang sinasabi ko.

Putangina, lemme take it back from the top. Maknae on top! Courtesy by Stray Kids.

"Talaga? Ililibre mo na ako? Shet! Walang bawiian ah!" Shannen told me. Ito talagang babaeng 'to. Porket nag-confess lang ako sa kanya na gusto ko siya eh.

Pitumpu't putangina talagang kamalasan 'to oo.

"OO NA! HINDI KO NA BABAWIIN! SHUTA TALAGA! Palibhasa kasi namimihasa eh. Saka ano naman ngayon kung gusto kita? Anong gusto mong iparating?" I asked her. Agad siyang namula sa sinabi ko. Shutangina! Parang gusto kong magpafiesta dahil sa initial reaction niya.

"Huh? Ipaparating? Shala. Sorry, lutang talaga ako't walang maintindihan." Sabi niya. Tangina naman this girl! One dot, isasalvage ko na 'to.

"Beh naman! Tangina! Ano bang nangyayari sayo? Okay ka lang ba?" I asked her. Hindi ko maintindihan ang babaeng 'to. Sino nanaman kaya ang sumapi sa kanya't nagkakaganyan siya?

"Alam mo, uminom ka ng tubig. Dehydrated na ang utak at katawang lupa mo. Saka, bakit ka ba lutang? May problema ka ba?" Dire-diretso kong tanong. Nakita ko na lang na lumuluha 'to. Huy, nagtanong lang ako, bakit parang ginawa niyang MMK ang flow ng usapan? Wala naman sa script yan ni Direk Cathy Garcia-Molina.

"W-wala lang 'to. N-napuwing lang ang mata ko. Tara, Jollibee tayo. Libre ko."
Sabi naman niya sa akin. May kinikimkim talaga 'tong babaeng 'to. Di nya lang sinasabi sa akin.

"Shannen." I called her. "Ano ba talaga ang problema mo?" Nanatili siyang walang imik sa akin at tila sa akin pa naghahanap ng sagot. Anong nangyayari sa kanya?

"W-wala lang 'to. M-may iniisip lang." Pakiwari niya pa. Palusot.com talaga saken 'tong babaeng 'to.

May iniisip? Or baka iba na yan? Tangina. Hindi niya pa inaamin talaga. Wala ba siyang balak na mag-open up?

Sa tagal naming magkaibigan ni Shannen, alam na alam ko na agad ang ibig sabihin ng pag-iyak niya. Wag ako.

"May iniisip ka ba talaga? O baka naman may tinatago ka sa akin? Ano? Tell me!"
I yelled out of frustration.

Ano ba talaga nangyayari sa kanya? Bakit hindi siya nagsasabi sa akin ng totoo?

She's damn confusing me. Ano ba? Bakit ba siya nagkakaganito sa akin?

"Wala lang 'to Trevor. Wala lang 'to!"
She yelled back. I wanted to help her but it seems like she's distancing herself from me. May hindi ba ako pwedeng malaman sa kanya at this point?

"Anong wala? Shannen, please kung ano man 'tong ginagawa mo, utang na loob. Don't make me overthink and suffer dahil lang sa confused ka, dahil lang sa mga nangyayari sayo. Ka–" She cut me off.

"Depressed ako Trev! That's why I can't think properly! Hindi ko na maintindihan ang sarili ko! Hindi ko lubos maintindihan ang sarili ko. Pagod na pagod na ako! Putangina naman!" She yelled out of frustration.

"Bakit ngayon mo lang sinasabi sa akin 'to? BAKIT?" I lashed out in anger. We're both crying while facing at each other.

"Dahil ayoko na. Ayoko na dito. Nahihirapan na ako. Gusto ko na lang mawala dito. Walang nagmamahal sa akin. Wala, ni isa." She lashed back. Tears streaming down her face. Agad ko siyang niyakap at hinalikan sa noo.

"Even if the whole world is against us. I'll always stay for you, Shannen. I'll always stay. Wag ka nang magmakaawa pa para gawin 'to sayo dahil kusa kong gagawin 'to sayo ng walang pagdadalawang isip." I told her. Umiiyak lang 'to kaya agad kong pinunasan ang kanyang luha.

"Mahal na mahal kita, Shannen. Mahal na mahal kita." Bulong ko. Ngunit huli na nang mapansin kong nakatulog na pala ito sa aking mga bisig at saka ito binuhat pauwi sa bahay nila na parang bagong kasal.

I hate seeing you being confused. So I took the courage to tell you how much I love you more than ever. Until death, baby. Until death. 

Broken Strings | REVAMPEDWhere stories live. Discover now