Communication
Sabi nga nila, "Communication is the key"
Ewan ko ba dito sa mga ito. Bakit ba sila mahilig mag-bangayan? Jusko, kalalakeng tao.
"Ano bang nangyayari sa inyo?" I asked them. Ngayon naman, di ako tinitignan ng diretso sa mata. Anong nangyayari sa mga ito?
"Wala lang 'to Shannen." Namjoon reassured me. Seriously? Wala lang ba talaga yan? O baka naman may tinatago talaga 'tong mga to sa akin?
Magsabi kayo.
"WALA LANG BA TALAGA YAN, NAMJOON?!" Di ko na napigilan pang sigawan si Namjoon. Bakas sa kanyang mukha na talagang gulat na gulat siya sa mga nangyayari.
Agad naman akong inalo ni Hoseok bilang suporta.
"Shannen... magpahinga ka muna. This isn't you. Please, please, please ~" Sabi nito sabay kanta ng Please please please ni Sabrina Carpenter.
I exhaled as I nodded. Siguro nga tama nga si Hoseok. Pagod nga talaga siguro ako.
"Ay, oo nga pala. Birthday ni Hoba nung nakaraan. Sorry hope if nakalimutan namin yun ha." Pagtatapik naman ni Yoongi sa kanya. Napatango na lang si Hoseok bilang tugon.
"Ayos lang yun Hyung" Aniya. "Babawi tayo sa birthday mo. Palit muna tayo ng kaluluwa. Gusto ko na ikaw muna ang gumamit ng energy ko. Ako muna ang magiging cold." Sabi nito. Napapalakpak naman si Yoongi sa sinabi nito.
"YES! FINALLY! THANK YOU HOBA!" Masayang sabi ni Yoongi saka binigyan niya ito ng isang pangmalakasang gummy smile.
Ang cute cute ni Yoongi pag ginagawa niya yan. Para siyang pusa.
"Ang cute mooo~" I purred. Napatawa naman si Yoongi saka ako pinisil sa cheeks.
"Cute ka rin naman Shannen ah! Pakurot nga ng cheeks mo!" Sabi pa ni Yoongi saka pinanggigilan ang aking pisngi.
SANA ALL! SINABIHAN NG CUTE! AKO KAYA WHEN?" Pagmamaktol ni Namjoon. Napatawa naman ang hyung line sa maknae nila.
"Pag triangle na ang buwan Namjoon!" Si Yoongi.
"Bat triangle lang Yoongi? Dapat rhombus!" Sabat ni Jin.
Napatawa si Hoseok sa sinabi ng dalawa. "AHAHAHAHAHA! Mag-aaway away pa kayo kung ano ba talaga ang shape ng moon. Eh, baka oblate spheroid talaga ang shape niyan!"
Napatingin naman ang tatlo sa sinabi nito. Oblate spheroid talaga Hoseok? Sana all mahilig sa science.
"Oblate spheroid? Are you sure about that Hobi? Eh kung oblate spheroid talaga ang totoong hugis ng buwan, edi dapat flat rin yan katulad ng ano..." Hindi na matuloy ang sasabihin ni Namjoon dahil alam niyang nakaabang ang aking kilay na itaas dahil sa kanyang susunod na sasabihin.
"Katulad ng ano, Namjoon?" Eyebrows raised on fleek as possible. Napangisi naman si Namjoon bilang tugon bago siya nagsalitang muli.
"Ng.. dede mo?" Pilyong sabi pa nito. Agad naman siyang sinapok ni Jin ng mahina sa ulo.
"Ayan! Porn lover ka talaga eh no? Wag mo ngang ugaliin yan dito! Pati kaming mga inosente dito nadadamay sa kabyuntae-an mo!" Pangaral ni Jin sa kanya. Napadaing naman si Namjoon sa kanyang ulo.
"Aray naman dun Jin hyung! Ito na nga eh! Magbabago na nga eh! Wala namang sapakan diyan." Sabi naman ni Joon sa kanya. But Jin didn't bought his sentence.
Suyo malala na ba, Namjoon?
"Magbabago o manggagago? Magkaiba yun Namjoon. Tapos ano? Ako? Di na ba ako pwedeng magsalita? Di ko na ba pwedeng gamitin ang hyung card ko?" Singhal ni Jin. Napanganga naman si Namjoon sa sinabi nito.
"Jin hyung... I didn't mea—" Jin cut him off as he gave him a death glare. Sabing wag kasing magbiro eh. Ang kulit rin kasi ng lalakeng 'to eh. Yan tuloy.
"You didn't mean what, Joon? Na asarin ako? Oo, naiinitindihan ko na matalino ka sa kahit anong subjects. Pero yung manggagago ka ang pinakaaayaw ko sa lahat ng ginagawa mo!" Jin lectured him. Nanatiling tahimik lang si Namjoon sa sinabi nito.
"Wag namang ganito, Namjoon. Palagi ka na lang bang manggagago? Oo matalino ka pero sana ginamit mo ang utak mo sa tama. Hindi yung mang-aasar ka pa. Naman oh!" Jin says as he walked out the door at tila padabog pa ang pagkakasara nito. Agad naman kaming napatingin sa gawi nito.
"Joon.." Yoongi called him. Namjoon just sent him a death glare towards him.
"Wag mo kong simulan Yoongi." Namjoon says, dropping the honorifics. Agad namang pumintig ang ulo ni Yoongi dahil sa kanyang narinig.
"Ulitin mo nga yung sinabi mo, Kim Namjoon? Are you fucking serious about this? Dropping the damn honorifics on me will never make you look cool, Namjoon-ah." Yoongi sneered. Namjoon just smirked at him na parang nanghahamon pa ng away. Agad namang sinapak ni Yoongi si Namjoon. Inalalayan naman nito si Namjoon mula sa pagkakasalampak sa sahig dahil na rin sa sobrang lakas ng kanyang sapak—malutong ngunit masakit.
"Sinabi ko lang naman yung pangalan mo, Yoongi hyung..." Sabi ni Namjoon na may halong panununya. Bakas sa mukha ni Yoongi ang kanyang inis.
"Naturingan ka pa man din na leader ng bangtan. Itinuring kita na parang kapatid. Inalagaan ka ni Jin hyung. Naging kasangga ka ni Hope through everything dahil magkasing edad lang kayo—buwan lang ang naging pagitan niyo. Naging kuya sa maknae line. Ganun ba talaga pag middle child? Bastos? Matalino pero gago? Sayang yang abilidad mo kung di mo lang rin gagamitin yan sa tama. Technically, para mo lang ding sinayang ang abilidad mo sa maling paraan. Ito ba talaga yung Kim Namjoon na nakilala ko? Gago? Basag-ulo? Frankly speaking, this isn't you anymore." Litanya ni Yoongi habang nakatingin sa malayo.
Knowing Yoongi—he hates making eye contact with other people, unless if he's comfortable.
"Yeah. Things change. People change. Everything changed, Yoongi hyung. Kasi kahit ako sa sarili ko, di ko kayang i-assess ang nangyayari sa akin. I didn't know who I was anymore. Di ko na kilala ang sarili ko." Umiiyak na sabi ni Namjoon. Agad naman ako nakaramdam ng lungkot para sa kanya.
"Sa halos loob ng labing-isang taon na naging leader niyo sa bangtan, halos ako na ang sumasalo ng mga responsibilidad. Ako yung sumalo sa kamalian niyo, ako yung sumalo sa mga katangahan ng tatlo. Di ko lang sinasabi sa inyo dahil alam kong baka makadagdag lang ako ng problema. Kaya sinasarili ko na lang kahit ayokong gawin yun. Wala eh. Di ko alam hyung. Sorry." Sabi pa nito. Naiiyak rin ako sa nangyari sa kanila.
Di ko na sila halos makontrol sa mga nangyayari. As much as I wanted to help them out, I chose to stay still and kept my mouth shut.Sabi nga nila, less talk, less mistake.So I did.Sana magkaayos rin sila in God's perfect time. And communication is the key to solve everyone's problems at the end of the day.Sa ngayon, kailangan lang talaga nilang magpahinga at magfocus muna sa kani-kanilang sarili. I'm sure they'll always find their way to sort everything out.
(A/N: Sorry for the short chapter. Messed up pa kasi head ko. Bawi ako next month! Lovelots!)

YOU ARE READING
Broken Strings | REVAMPED
RomanceShannen Larisse Umali Dela Paz' life is far from perfect. She might have a good set of academic grades, perfect marks but still, her own family didn't even get to support her dream to become a successful musician dahil lang sa kanyang desisyon - ang...