抖阴社区

CHAPTER 30

18 0 0
                                    

Hangover

Grabe yung kalasingan namin kagabi. Paano, yung ibang mga tukmol dito nagkakayayaan pang maglaro ng unggoy unggoyan, lucky nine, at pusoy dos.

Mga siraulo talaga.

"Oh, paano ba yan! Talo nanaman sa pusoy dos si Hobi at Jin hyung!" Pang-aasar ni Yoongi. Agad napatingin si Jin kay Hobi na kanina pa na naka-peace sign sa kanya.

"Aba't naknampucha! Ayaw na kitang kalaro sa mga ganito Hoseok! Nauubos yung pera ko sayo'ng dipungal ka!" Asik ni Jin sa kanya. Napuno naman ng tawanan ang sala. Pero mas nangingibabaw ang reklamo ni Hoseok sa kanilang hyung.

"Aba! Malay ko bang pusoy dos ang lalaruin natin? Teka nga, sino ba nagpasimuno ng laro na ganito?" Pagtataka pa nito. Agad naman akong tinuro ng maknae line.

"Si Shannen!" Sabay-sabay nilang sabi. Tangina talaga ng tatlong 'to! Ako pa nilalaglag!

"Siraulo ba kayong tatlo? Tatanong tanong kayo sa akin kung anong card game ang lalaruin natin tapos ako pa sisisihin niyo?" Laban ko sa kanila.

"Oo nga naman. Sino yung unang nagtanong dito sa girlfriend ko?" Tanong ni Trevor.

"Si Jimin hyung!" Sabay na sabi ni Taehyung at Jungkook. Umalma naman si Jimin sa sinabi ng dalawa.

"Gago! Nagtanong lang ako kasi gusto ko lang magpaturo kung paano maglaro ng baraha. Tapos, kayo tong suggest ng suggest ng panibagong laro! Mga siraulong nilalang!" Laban naman ni Jimin sa mga ito. Ay? So, friendship over na ba this?

Napanguso naman si Jungkook. Hindi niya siguro bet yung sagot ni Jimin sa kanya.

"Eh, hyung akala ko ba maglalaro tayo ngayon kasi gusto mo ng ungguy-ungguyan, what changed?" Jungkook asked him habang kinakamot ang kanyang batok.

Wala naman siyang kuto sa batok pero bakit siya nagkakamot?

"Could you, could please, please don't change." Asar naman ni Taehyung dito. Binigyan ito ni Jungkook ng masamang tingin.

"Gusto mo bang mamatay, Kim Taehyung?" Jungkook asked menacingly. Sasagot pa sana si Taehyung nang biglang pumagitna si Namjoon para umawat. Gusto lang nito ang world peace. Kaya di na ako magtataka kung bakit pigeon ang favorite word nito.

"Taehyung, Jungkook. Tama na. Nakakahiya na kina Shannen oh! Saka baka mamaya mapapalis nanaman ulit tayo nito ni Author nim ng wala sa oras dahil sa mga kagaguhan niyo dito." Namjoon reminded them.

Sumabat naman si Hoseok. "Oo nga. Mahiya naman kayo sa mga tauhan dito sa kwento. Baka matulad nanaman tayo dun sa kabilang kwento na tinapos agad kasi ang kukulit niyo eh."

Napataas naman ng kilay si Yoongi. "Sigurado ka ba sa sinasabi mo Jung Hoseok? Eh, isa ka rin na maingay eh. Kapal talaga ng mukha mo kaya yan, nahaba nanaman yang baba mo ng wala sa oras."

"Anak ng! Yoongi hyung naman! Walang kasalanan ang baba ko sayo! Ano bang problema ng baba ko sayo? Hindi ko naman pinupuna yang gilagid mo." Laban naman ni Hoseok sa kanya. Napagitla naman si Yoongi sa sinabi nito.
"Alam mo, Jung Hoseok? Babang ina mo!" Sigaw ni Yoongi. Maya-maya pa ay agad silang narinig ni Jiwoo.

"Hoy! Boy gluta! Ayus-ayusin mo ang pananalita mo ha! Wag mo ngang inaaway-away yang kapatid ko!" Pagtatanggol naman nito sabay lapit sa kapatid. Say what, Yoongi?

Boy gluta? Anong meron sa gluta? Di naman niya kamag-anak si Belo and the squad, este medical group pala.

"Anong kinalaman ko sa gluta at Belo Medical churvalu na yan noona?" Huh? Kelan pa naging bading si Yoongi? Saka anong churvalu?

Broken Strings | REVAMPEDWhere stories live. Discover now