抖阴社区

CHAPTER 32

13 0 0
                                    

Sorry

"Alright! Bakit ba kasi kayo nag-away away nung isang araw?" I asked them. Di porket patapos na Valentine/Love month, maggaganito sila.

Nanatili namang walang imik ang mga pito sa sinabi nito. I mean, why? Bakit kasi sila nag-aasaran kung may mapipikon din pala?

Trevor shrugged his shoulders. "Hays, ewan ko rin dito sa mga ito minsan eh. May time na bati bati sila, may mga time naman na parang aso't pusa kung mag-away. Jusko, daig pa ang mga babae kung magbangayan."

Jin sighed in defeat. "Sorry, mukhang nakakaabala ata kami dito. Saka, we didn't mean to cause trouble naman eh."

Napabuntong hininga ako ng maluwag nang marinig ko ang malamyos na tinig ni Jin. Halatang sincere ang paghingi nito ng tawad.

"It's okay Jin. Sa katunayan nga, gusto ko nga ng maingay na environment eh." I say. Napapalakpak naman si Taehyung saka tumayo.

"Ayun! Pwede pala tayong mag-ingay dito eh! Tawagin ko na ba si Inang Kalikasan?" Muntangang tanong ni Taehyung. Napaface palm naman ang kanyang mga kamiyembro dahil sa inasal nito.

"At anong connection ni Inang Kalikasan dito sa kwentong 'to, Taehyung?" Namjoon asked him while furrowing his eyebrow.

Napangisi ng nakakaloko si Taehyung. "Sa pamamagitan ng... pagtae tuwing umaga!" Sabi nito sabay hawak sa tyan at tawang tawa sa kalokohan niya.

Binatukan siya ni Jimin. "Alam mo Tae, puro ka biro! Saka kelan pa nagkaroon ng tae sa kapaligaran ni Inang Kalikasan?"

Taehyung smirked at him. May kalokohan nanaman 'tong lalakeng 'to. Ganyan yan siya pag may naiisip na hindi maganda.

"Park Jimin, may silbi rin ang tae nating mga tao. Alam mo bang ginagawa yang pataba?" Mayabang na sagot ni Taehyung na ikinalaki ng tuwa ni Jin at Namjoon.

"Naks! Halatang may natutunan sa Science ah!" Kantyaw ng mga nakatatandang Kim sa kanya. Ngumiti lang ito sa kanila.

"Aba! Syempre naman mga hyung! Alam niyo bang perfect ang score ko sa Science?" Pagmamayabang pa nito.

Agad napatawa si Jungkook sa sinabi nito. Halatang bully 'tong golden maknae na ito.

"Pft. HAHAHAHAHAHAHA! Ikaw? Perfect sa Science? Imposible!" Kantyaw pa ni Jungkook sa kanya. Agad nangamatis sa inis si Taehyung nang marinig niya ang boses nito.

"Oo! Bakit aangal ka ba?" Laban naman ni Taehyung.

Pinasadahan naman ng isang nakakasindak na tingin ni Jungkook. Nag runway model pa ang loko at mukhang ginagaya pa talaga ang mga sikat na model sa paraan ng kanyang pagpose.

"Okay na sana eh! Eh kaso, nakakapagtaka lang na model ka ng isang brand ng brief. Ano nga ulit yun? Calvin Keith?" Muntangang saad ni Yoongi. Agad namang tumawa ng pagkalakas lakas si Hoseok. Pati kami nahawa na sa tawa niya.

"Hyung! Anong Calvin Keith? Baka Calvin Klein! Jusko, pati ba naman yung brand na pinagmomodelan ko, minamali mo pa!" Atungal ni Jungkook.

"HAHAHAHAHAHAHA! CALVIN KEITH! Pwede nang maging pangalan yun ah! Calvin Keith Alferez!" Asar ni Hoseok. Nandilim naman ang paningin ni Yoongi matapos niyang marinig yun.

"Calvin Keith Alferez ampota! Tangina, ginawa mo naman akong campus bully! Hoy! Alexis Vera Wang Montero! Wala akong ginagawa sayo!" Pucha! Hahahahaha! Vera Wang daw oh! Payag ka nun Hoseok?

"Anong Alexis Vera Wang? Di ko naman kamag-anak si Jackson sa GOT7 eh! Ikaw nga, kapatid mo si Woozi eh!" Asar naman ni Hoseok sa kanya. Napanganga naman si Yoongi sa sinabi nito.

Broken Strings | REVAMPEDWhere stories live. Discover now