Untold Truth
SHARLENE'S POV (continuation)
Sari-saring boses ang umaalingaw-ngaw sa aking likuran. Mga boses na tila gusto akong pahiyan at pabagsakin. Minsan napapatanong pa ako sa Poong Maykapal kung deserve ko pa bang mabuhay? Na tama pala ang sinasabi ni Mom sa akin na isa akong hamak na walang kwenta.
"Istupida ka talaga! Wala ka paring pinagbago!" Iyan ang isa sa mga linyahan ni Mommy sa tuwing siya ay mananakit. Tama nga ang sinabi ni Tablo sa Stop the rain. I was indeed a pain's poster child. Isa akong rebelde – hindi ng mga sundalo na kumakalaban, kundi isang pasaway na bata na laging sumusuway sa utos ng aking mga magulang.
"Hoy! Pakiligpit nga itong kalat dito sa sala!" Utos ng nakababata kong kapatid na si Shanaiah. Nanatili lamang akong walang imik at hindi gumagalaw kaya naman, agad niyang pinagbabasag ang mga kubyertos saka isisisi sa akin ang kanyang mga kamalian na siya naman ang gumawa.
"Mom! Nabasag ni Ate Sharlene yung mga imported na baso galing sa Italy!" Sigaw ni Shanaiah saka ngumisi sa akin na para bang anumang oras ay kakampihan siya nito ni Mommy at ako yung tatanggap at aako ng mga kasalanan na hindi ko naman ginawa.
Agad nandilim ang paningin ni Mommy saka ako hinaklit pataas at sinabunutan ang aking buhok.
"Kingina mo talagang bata ka! Nakikitira ka na nga lang dito, may gana ka pang manira ng mga gamit dito! Alam mo, sana di ko na lang sinabi kay Sylvester na patuluyin ka eh. Pero dahil naawa ang daddy mo, kahit labag sa loob ko, pinatuloy pa rin kita! Manang mana ka sa mommy mo! Napakaistupida niyong pareho!" Aware ako dun Mom. Aware ako.Maya-maya pa ay biglang dumating si Dad para aluhin ako.
"Sasha, what's going on here? Bakit mo sinasaktan si Sharlene?" Nagtatakang tanong nito."STEPDAUGHTER KO LANG SI SHARLENE! WALA AKONG ANAK NA TATANGA-TANGA!" Pagsisiwalat ni Mommy. So all this time, ako pa yung pinapamukha niyang anak sa labas?
"Ano pong sinabi nyo?" Nagtataka kong tanong ko. Pagak siyang napatawa sa sinabi ko.
"Ah, so di ka aware na stepdaughter lang kita. Well, let me tell you the story behind it. Second and last wife na ako ng daddy mo. Kaya wala ka nang magagawa pa sa mga gagawin dito dahil ako ang mismong batas!" Mommy yelled. Aware naman na ako dun Mom. No need to tell me more than twice. Once is enough.
"Aware naman po ako Mom–" Mom interrupted me.
"Uulitin ko, wala akong anak na tatanga-tanga. Di ko nga alam kung bakit ka inayawan ni Stella eh. Kung ako lang din ang nasa posisyon ni Stella, malamang sa malamang baka nasa kangkungan ka na pupulutin. Saka isa pa, matuto ka nang maglinis ng mga kalat dito sa bahay and I'm expecting you to do all the chores bago kita pakainin. Naiintindihan mo ba yun Sharlene?" Tagos sa pusong sambit ni Mommy. Palihim akong umiiyak habang sinasabi ni Mommy ang lahat ng iyon. If my real mom was still alive, she wouldn't hurt me like this. Ibang-iba ang pagkakakilala ko kay Mommy Sasha over my own Mommy Stella.Just as I was about to answer ay saktong nagsalita si Daddy.
"Sasha, tama na! Wag mo nang saktan ulit ang anak ko. Wala naman siyang ginagawang masama sayo!" Galit na utas ni Dad. Andito nanaman tayo sa acting portion niya. Magpapaawa effect para lang kampihan siya ni Dad. Well, ano pa bang magagawa ko? Anak lang naman ako.
"Sylvester, Pinagsasabihan ko lang naman yung anak natin. Pero di naman niya ako sinusunod." Sa loob-loob ko, parang gusto ko nang masuka sa mga tactics ni Mom.
"Pinagsasabihan? Really? I've heard everything. Wala kang karapatan na sumbatan at saktan ang anak ko. Isa pa, wag na wag mong babanggitin ang pangalan ng asawa ko. Asawa lang kita sa papel, Sasha. Pero di naman talaga kita minahal!" Galit na utas ni Daddy.Mommy Sasha was stunned at Dad's words.
"So? Ano na lang kami ni Shanaiah sayo? Basura? Tapos ano? Kakampihan mo nanaman ang batang yan?! Eh, sakit nga sa ulo yan. Ni hindi nga nakakakuha ng perfect scores eh. Tapos ano pala 'tong nalalaman ko sa school niya na nakikipagbasag ulo yan?" Panununya ni Mom na ikinagulat ni Dad."Sharlene, totoo ba itong narinig ko sa Mommy mo?" Dad asked me. Much to my dismay, I slowly nodded to Mom's claims na nakipagbasag ulo ako dahil natanggal ako sa honor roll na siyang pinapangarap ni Dad.
Agad napasapo ng ulo si Dad.
"Sharlene, I am expecting you to be an aspired honor student just like Shanaiah. I thought I'd be so convinced na gagalingan mo sa pag-aaral. Ano 'tong nalalaman ko na nakipagbasag ulo ka?" This time, dad's veins popped erratically. Kulang na lang para na niya akong lalapain ng buhay.
"I'm so damn disappointed at you! Akala ko gagalingan mo sa studies mo? Ano 'to? Nagsasayang kami ng pera para lang sa wala! Jusko naman Sharlene Rose. Paano na lang pala kung malaman 'to ng mommy mo?!" Galit na utas sa akin ni Dad. At kagaya ng inaasahan ko, my gadgets were confiscated the day after. Now, how can I survive without using them? Di na nga ako pinakain, pati ba naman pagcecellphone ko, ipagkakait pa sa akin?
Ganito na ba ako kasamang tao? Deserve ko bang maparusahan all along? Di naman ako mapakali nito. Ano na lang gagawin ko? Tumunganga? Titiisin ang gutom?
THE NEXT MORNINGMasayang nagkukwentuhan sina Mommy at Daddy kasama ang kapatid ko. Pakiramdam ko, they're speaking in low volumes para lang ipamukha sa akin na wala akong karapatan na mag-eavesdrop sa mga sinasabi nila. At kung meron man silang sasabihin sa akin, malamang sa malamang, ang pangungutya sa akin ni Shanaiah at pandidiring remarks sa akin ni Mommy na may kasamang pamamahiya.
Ganun naman lagi ang setup dito sa bahay. Magkukunwaring close kami sa harap ng mga bisita then afterwards, she's back to her usual routine – papahiyain ako, sasaktan, di papakainin. At kung papakainin naman ako, yung mga tira-tira na lang kaya kahit labag man sa loob kong kainin ang mga iyon ay ipinagkakasya ko na lang hanggang lunch ko. For sure, konti lang ulit ang makikita kong mga pagkain pagsapit ng hapunan. Madalas pa nga, wala na silang tinitirang ulam. Kaya ang ginagawa ko, meron akong nakatagong snack bars para lang maibisan ang aking gutom wag lang ako malipasan."Hoy babae! Kumain ka na dito!" Tawag sa akin ni Mommy. Okay na sana eh. May pangalan naman ako, pero bakit naman ganun? Parang diring-diri pa siya na tawagin ako sa pangalan ko.
Napabuntong hininga na lang ako saka lumabas ng kwarto. Agad sumalubong sa akin ang halimuyak ng mga pagkain. Ngunit bago pa man ako makaupo at makisalo sa kanila ay agad akong pinigilan ni Shanaiah.
"Is that your designated seat, Ate? Di ba dun ka sa pinakadulo?" Tanong niya na may kasamang panununya. Sa mga oras na ito, hindi ko na alam kung saan ako lulugar. Parang nawalan ako ng tsansang makapagsalita. Masyadong favorite ni Mommy at Daddy si Shanaiah kaya kahit anong pakiusap ko sa kanila ay magbibingi-bingian lang si Daddy, samantalang si Mommy naman ay imbis na kampihan ako ay lalait-laitin pa ako dahil sa mga sumbong ko.
"Walang makikinig sa kahit anong sumbong mo Sharlene. Kasi sino ka ba para paniwalaan dito? Kahit siguro lola mo na nanay ng mommy mo, baka di ka na kilalanin bilang apo niya. Malas mo lang kasi kahit anong sumbong mo sa kanya, sasabihin lang nun sayo: Hayaan mo na apo, baka pagod lang siguro mommy mo, lambingin mo. Ganun naman palagi di ba? Kaya, masanay ka na." Pang-aasar pa sa akin ni Mommy. From the corner of my eyes, nakita ko si Shanaiah na palihim akong tinatawanan sa mga sinasabi ko.
She and her mom love to mock me. Kaya ganun na lang ang nangyari sa akin. Ang dating mapagtimpi at pasensyosa ay napapalitan ng pagiging maldita't suplada ko. Well, you can't blame me for being like this. Dahil sa kanilang dalawa, nakakasakit ako ng damdamin ng iba. Immune na ako sa mga sinasabi nila and my selfish attitude for certain, have gradually adapted within me.And I so desperately wanted to scream in front of their smug faces so fucking bad.

YOU ARE READING
Broken Strings | REVAMPED
RomanceShannen Larisse Umali Dela Paz' life is far from perfect. She might have a good set of academic grades, perfect marks but still, her own family didn't even get to support her dream to become a successful musician dahil lang sa kanyang desisyon - ang...