抖阴社区

CHAPTER 11

11 0 0
                                    


Cheap Talks


Ano nanaman ang nasa isip ng mga magulang ko't tinatawagan ako? Alam na nga nilang uuwi naman ako dun sa bahay. Bakit need pa nila akong tawagan?

Ano ako? Bata?

"Mom, please. Uuwi naman ako. Mukha ba akong naggala?" I asked her. This is the part I hate when it comes to my family. Akala nila siguro galaero ako.

"Anak, we're just concerned. Baka kasi kung saan saan ka pa naggala eh." Mom retorted. Aish, do I really looked like a kid? Buwisit.

"Mom, please. Nagddrive ako pauwi. Can we just talk later once I get home from here? Nasa kalye pa ako." I answered. I hate being caged like this. It feels like hindi ko nagagawa ang lahat ng gusto ko sa buhay.

Yung tipong pati freedom ko, pinagkakait pa. Damn it.

"To where? Sa house natin? Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag namin sayo?" Sunod-sunod na tanong sa akin ni Mom. Gosh, how to control myself? Di ko kasi macontrol ang sarili ko pag galit eh.

"Yes mom. Sa house. Now please if you excuse me." I say as I hung up, now even sparing my mom a chance to talk.

Call me arrogant or stupid but I hate it. Lalong lalo na kung saan ako pupunta.

Napabuntong hininga na lang ako at napasigaw out of my frustration.


"PUTANGINA! Bakit naman kasi ganito? Nakakainis!"
Bulyaw ko sa sarili ko sabay sabunot sa buhok ko. Hell. Bakit naman kasi ganito ang nangyayari saken?

Di ba nila kayang mabuhay nang wala ako sa tabi nila? For Pete's sake!

Agad namang napatingin ang mga tao sa paligid ko. If looks could actually kill, they would've been slashing and tormenting me to death any time.

"Hijo, bakit ka ba sumisigaw? May problema ba?"
Tanong ng isang matandang babae. Napabuntong hininga ako bago magsalita. Mahirap na't baka mapagbuntungan ko pa ang aleng ito ng wala sa oras kahit wala naman siyang kasalanan.

"N-naku po Lola, pasensya na po." Sabi ko habang nakayuko. Nakakahiya na tuloy makipag-eyeball, este makipag eye-to-eye contact sa kanya, Mamaya baka kung ano pa ang gawin niya saken. Mahirap na.


"May masakit ba sayo hijo? Naggabihan ka na ba?" Tanong muli sa akin ng matandang babae. Napailing na lang ako't sinundan ko na lang ang matandang babae patungo sa kanyang inuupahang bahay. Maliit lang ito ngunit malinis naman ito kahit paano.

Bahagya akong naawa sa kalagayan ng matanda. Bilin sa akin ni mommy na maging masunurin ako't igalang ang mga nakakaganda—este ang mga nakakatanda pala.

"Dito po pala kayo nakatira, Lola? Okay lang po ba kayo dito?" Magalang kong tanong. Napatango naman ito sa akin.

"Oo hijo. Dalaga palang ako ay dito na ako nakatira." Tugon naman nito sa akin. Napaawang na lamang ako sa aking nakita. Gawa pala ang kanyang bahay sa mga pinagtagpi-tagping yero at bakal. Any moment, baka masira pa ang tinutuluyan ni Lola. Kawawa naman.

"Matanong ko lang hijo, taga-saan ka ba?" Tanong ni Lola.

"Sa Manila po. Pero dito po ako ipinanganak sa Cavite." Mahinahon kong tugon. Ang dami ko ring natutunan kay Lola sa kanyang kabataan nang mapansin kong lumuluha na pala ito sa kalagitnaan ng kanyang pagkukuwento.

"Pasensya ka na hijo't ikaw rin ay naiyak na." Sambit ni Lola. Napangiti naman ako't kahit paano ay biglang gumaan ang aking pakiramdam nang ako'y yakapin nito ng mahigpit.

What if, siya yung totoong lola ko? Ang saya ko siguro kung ganun.

Sige po Lola, mauuna na po ako. Hinahanap na po kasi ako ng mga magulang ko. Salamat po sa pagpapatuloy." Sabi ko. Agad pinunasan ni Lola ang aking luha at sakto namang nagvibrate ang aking cellphone. Panira naman ng moment 'to.

"Trevor Floyd? Where the hell are you?"  Bungad sa akin ni Dad pagkasagot ko.

"Well, hello to you too, Dad!" Sagot ko sa kanya pabalik. Here we go again with his shits. Kakatawag lang sa akin ni Mommy eh. What does this brute need?

"Anong oras na? Bakit nasa lansangan ka pa?! Alam mo bang nag-aalala kami ng Mommy mo dito? Tapos ikaw naggagagala ka pa at this damn hour?! What a useless prick!" Galit na usal sa akin ni Dad.

"Ito na nga Dad, uuwi na!" I say as I hung up. Bastos na kung bastos pero I hate how my own father treats me.

...at the Belleza's residence

"I'm home." I say. Agad naman akong sinalubong ni Rina, ang aming househelper dito sa bahay.
"Sir Trevor, nakarating na pala kayo, saan po kayo galing?" Pagtatanong naman ni Rina. Kung makatanong naman ang isang 'to, kala mo naman close kami.

Agad ko itong hinarap. "That's none of your damn business, Rina. Nakaayos na ba ang bed ko?"

Napatango naman ito. "Opo sir, kayo na lang po ang hinihintay. Ipagtitimpla ko po kayo ng kape." Sabi naman ni Rina saka tumango na lang sa sinabi nito. Buti naman at may silbi rin itong chaka naming househelper sa bahay, hindi puro hilata at cellphone ang inaatupag. Hindi naman kasama sa pagpapasweldo yun eh.

Maya-maya pa ay bigla akong sinalubong ni Mom. "Trevor, bakit ngayon ka lang dumating? Alam mo bang nahighblood ang Dad mo sayo?"

Tamad ko siyang nilingon. Why do they have to bring this shit talks everytime?

"Mom, please. Not today. Pagod na pagod na ako." I say. Napabuntong hininga naman si Mom saka tumabi sa akin.

"Siya nga pala, nakita ko si Rina na nakayuko. What did you do to her?" She asked me. That girl, umiinit ang dugo ko sa pesteng yaya na yun. Feeling close sa akin, di ko naman siya type. Mas gusto ko pa si Luna na maging kasambahay kesa sa Rina na yun.

"I just don't like her vibe ma. She seems off to me." Sambit ko.

Napatikhim si Dad. "At ano naman ang nagustuhan mo kay Luna? Eh mas tamad yun kumilos. Saka, teka nga bakit ngayon ka lang?" He instantly scanned me from head to toe na akala mo kung sino akong magnanakaw.

"That's none of your fucking business, Dad." I growled lightly. Agad akong tinulak ni Dad saka ako kinwelyuhan.

"Flynn! Stop hurting our son! Ano bang nangyayari sayo?" Mom asked him.

"Yang anak mo ang problema Tiana! Masyadong suwail at tarantado. Napakawalang hiya!" Saad naman ni Dad. Wow, parang siya hindi ganun kay Lolo before ha.

"But at least, he's not gambling money. He's not smoking nor drinking alcohol to lessen the pain!" Sumbat naman sa kanya ni Mom.

"And what's the connection of that Tiana? Tell me!" Dad fought back. I hate this household, especially when this old hag came into our lives. How can I even call him as a father though?

"Connection? Simple, you're his father. By blood, by heart by–" Dad stopped her.

"Wala akong anak na tarantado't suwail. Never akong naging ganyan noon." He said, Mom gasped at his choice of words.

"Are you for real, Flynn? As far as I know, you were gambling and hanging out with the ladies at the club back then, didn't you?" Mom asked him. Hindi nakapagsalita pang muli si Dad. Halatang guilty eh, mas malala pa pala ang ginawa niya noon kesa saken.

"'Mom," I called her. Mom faced me while tears streaming down her face.

"It's okay Trevor anak. It's okay. Sadyang hindi ka lang maintindihan ng Daddy mo kaya nagkakaganyan." She said. I only gave my mom a hug to ease the pain that she's been feeling for so long.

I now realized that arguing with my own father is equivalent to a line from a song called Fall For You and I quote "Talk is cheap."

And my dad is the living proof of that phrase. As shitty as it sounds but, I hate him with all my heart. 

Broken Strings | REVAMPEDWhere stories live. Discover now