Mad-nae
"Oh ano na?" Jin asked us sassily. Napatingin lang kaming lahat sa direksyon nito. At ang Seokjin niyo, nakapameywang pa. Shala talaga nitong isang 'to.
"Anong ano na? Baka pwede mo kong tanungin kung pwedeng tayo na?" Namjoon asked him while wiggling his eyebrows playfully. Sinamaan lang siya nito ng tingin.
Napabuntong hininga muna si Jin saka nagsalita. "Alam mo, kaka-cellphone mo yan! Kung anu-ano na yang nasasagap mo na fake news sa social media. Umayos ka nga!" Seokjin scolded him. Binigyan lamang ni Namjoon si Jin ng peace sign, to which Seokjin looked at him. He looks so damn done with his attitude.
"Kim Namjoon, pwede bang magseryoso ka naman? Tangina, nakakainis ka na eh!" Ayan na nga bang sinasabi ko eh. Wag ginagalit si Silver Mad-nae.
Kung si Jungkook ay isang Golden Maknae, si Jin naman ay isang Silver Mad-nae. Ayos!
"Seryoso naman ako pagdating sayo ah! Ikaw nga 'tong pakipot eh!" Pahabol pa ni Namjoon. Aba aba, kakatapos lang ng Valentines eh, bumabanat nanaman itong isang 'to.
"Ampota! Wala ka na bang ibang gawin bukod sa pang-aasar sa akin?" Seokjin asked him. As he was about to say something, I cut them both off. Mamaya kasi baka kung saan na humantong 'tong conversation nila eh.
"Oops, tama na yan. Mamaya, baka kayo pa ang magkatuluyan instead na magkajowa pa kayo ng babae." I told them. Napalingon naman sina Namjoon sa gawi ko. Jusko, wala pa sa kalahati ng taon, nag-aaway nanaman silang dalawa."Yuck, I better not!" Saad ni Jin, with his usual disgusted look. Habang si Namjoon naman ay kasalukuyang nakatingin lang ng direcho at parang wala siyang masabi. Paano ba naman kasi, ang aura ni Jin, lakas maka-big boss ang atake.
Maya-maya pa, biglang sumabat si Jimin. "Anong nangyayari? Tapos na ba ang teleserye niyo diyan?"
Sinamaan ko ng tingin si Jimin. Akala siguro nito naglalaro eh."Wag ka na kasing sumabat Jimin hyung. Pagtuunan mo na lang ng pansin yang height mo kung paano ka tatangkad." Pang-aasar sa kanya ni Jungkook.
Ito talagang bibig nitong Golden Maknae na ito eh, di naman sasakyan yang bibig niya pero wala siyang preno sa pang-aasar eh.
"Jeon Jungkook." Jimin warned him. Mukhang pati ata tong dalawang 'to magiging si Tom and Jerry dahil lang sa pang-aasar."Tama na kasi, Jungkook. Kitang di na nga natutuwa si Chim eh." Saway naman ni Taehyung sa kanya.
Umalma naman si Jungkook sa kanya. "Taehyung hyung naman! Kitang nilalambing ko lang naman si Jimin hyung eh."Sumimangot naman ako. "Paglalambing ba talaga yun, Jungkook? Eh parang form of bullying na yang ginagawa mo eh."
Napatuop naman si Jungkook sa sinabi ko. Wala naman pala 'to eh.Yoongi just clapped at my bold move. Nakakahawa naman pala ang pagiging savage niya. Pati ako nahawaan.
"Uy, oo nga pala!" Sigaw ni Hoseok sa amin. Anong meron nanaman sa kanya? Bakit parang akala mo nasa bundok tralala kung makasigaw naman 'tong lalakeng 'to.
"Bakit?" Pagtataka namin sa kanya.Huminga muna ng malalim si Hoseok bago siya nagpatuloy na magsalita.
"BIRTHDAY NA NI SEXBOMB YOONGI HYUNG BUKAS! GET! GET! GET GET AWWWW! RAWR! ESTE MEOW PALA!" Anunsyo ni Hoseok na ikinatawa naming lahat dahil sa sinabi nito.
"HAHAHAHA! AMPOTA! KELAN PA NAGING PARTE NG SEXBOMB GIRLS SI YOONGI?" Hiyaw ni Jin. Napatawa naman kami dahil sa sinabi nito.

YOU ARE READING
Broken Strings | REVAMPED
RomanceShannen Larisse Umali Dela Paz' life is far from perfect. She might have a good set of academic grades, perfect marks but still, her own family didn't even get to support her dream to become a successful musician dahil lang sa kanyang desisyon - ang...