抖阴社区

CHAPTER 39

10 0 0
                                    


Asshole

TREVOR'S POV


Ano bang nagawa ko sa past life ko't ganito ang nangyayari sa akin? Bakit di ko magawang ipagtanggol si Shannen? Bakit puro sakit na lang yung natatanggap ko?

Am I really an asshole to begin with? Do I fucking deserve all this shit? Tangina, baka naman mamaya marealize ko na talagang di kami nakatadhana ni Shannen para sa isa't isa at baka mag move on na siya ng kusa.


"Trev!" Seth called me. I was in the middle of my own pool of thoughts when he snapped back to reality to face him. Agad akong napatayo sa aking hinihigaan at tinungo ang pintuan. Kasama niya si Landon na tamang kain lang ng potato chips. Ang takaw sa pagkain pero di naman tumataba. Tangina, sana all na lang sa metabolism niya. Di kasi ako makarelate eh. Joke lang.


"Oh, bat ang aga niyo namang mangapitbahay? Asan sina Vladimir?"
I asked him. Agad namang natapos ang kanyang paglamon sa kanyang pagkain na parang walang nangyari.

"Si Vlad? Ayun, nagyayayang uminom kasama ang bangtan."
Tamad na sagot ni Landon na siyang ikinakislap ng aking mga mata. At sino naman kaya sa pitong yun ang nag-initiate na mag-inuman? Kaka-tagay lang namin nung nakaraan tapos tatagay nanaman?

"Sino nanaman ang nagpasimuno ng inuman?"
I asked them.

"Si Hoseok."
Sagot naman ni... Yoongi? Teka, bakit siya nandito? Akala ko ba kasama niya ang bangtan?

"Yoongi? Anong ginagawa mo dito? Asan sina Jungkook?" I asked him. Huminga muna saglit si Yoongi saka ito nagsalita.

"Andun, overstayed na sa bahay ni Shannen." Tipid na sagot ni Yoongi. For sure, may nalaman nanaman ito kaya lumalapit sa akin.

"Yoongi.. About nga pala kay Shan–" He cut me off. Looks like he knew what i was about to say.

"Alam ko. Di naman ako pinanganak kahapon eh. Saka, Trevor sana naman inintindi mo muna yung side ni Shannen bago ka kumuda. Yan ang hirap sayo eh. Pinapaintindi naman ni Shannen sayo ang lahat pero ikaw mismo na boyfriend niya, sarado ang utak." True to his words, pero totoo naman talaga kasi.

Napakairesponsable kong boyfriend. Ni hindi ko man lang nasuyo ng maayos si Shannen.

"May point nga naman kasi si kuys Yoongi. Kaya kung ako sayo, hangga't hindi pa kayo kasal, ayusin niyo na yung gusot. Kasi ang totoo niyan, nakakaawa si Shannen nung gabing iniwan mo siya eh. And alam mo ba kung sino ang naging takbuhan niya? Sina Namjoon at Hoseok." Dagdag naman ni Landon. Wait.. paano niya nalaman yun?

"Wait.. sino source mo?" I asked him. Napasinghap ito saka muling nagsalita.

"Sino source ko? Easy. si Jin."
Tipid na sagot ni Landon. Ah, kaya pala. May secret din pala silang hindi ko alam.

Kaya pala nung minsang nagluto sila sa bahay, alam nila ang totoong nangyayari between kina Shannen at Namjoon that time? Tangina, lugi ako dun ah!

Just as I was about to say something, ay sakto namang lumabas ang iba pang miyembro. Mukhang may alam din ang mga ito, di lang nila kayang sabihin sa akin.

"Oh, Trev andito ka na pala!" Bati ni Jungkook sa akin saka nakipagbro fist sa akin. At si Namjoon? Ayun, di niya ako pinansin. So, may feeling ako na siya ang palihim na umaahas sa girlfriend ko habang kami pa. Matalino sa lahat ng bagay, pero bobo bilang isang cheater. Kailangan pa talaga yung halatang halata pa talaga.

"Bakit ang init ng dugo mo kay Namjoon?"
Pagtataka ni Seth. Napalingon ako sa kanya ng wala sa oras. Don't tell me..

"And why are you tolerating his actions, Seth?" I asked him back. Napanganga siya matapos kong sabihin sa kanya ang ganung bagay.

"Wait, why are you questioning my actions, Trevor?" He interrogated me. I was about to explain my side when he immediately dodged it.

"Seth, Let me exp–" He cut me off. He's probably pissed at my choice of words.

"Alam mo, di ka lang matalino pagdating sa mga ganitong bagay eh. Pero yung naging mabuti na nga ako sayo lahat lahat, tapos ako pa yung kakalabanin mo? Yung totoo, Trev? Kinain mo rin ba yung sinabi mo dati na hindi ka magiging katulad ni Aziel? Well guess what, you're slowly becoming like him. I never thought na yung pagiging concerned citizen ko, mamasamain mo pa. Wow, salamat!" Sarkastikong saad ni Seth saka umalis sa harapan ko.


I was about to say something when Taehyung beats me to it.

"Trev, Seth has a point though. Wag mo kasing lalagyan ng malisya ang lahat ng mga nakikita mo. Kaya pati si Seth nagagalit sayo. Alam mo ba kung bakit? Kung makasuspetsa ka kasi eh, daig mo pa yung pulis kung mag inspect ng mga bagay bagay kahit hindi naman dapat."
Mahabang paliwanag niya. So, Taehyung knows it too?

"So.. kung tama nga ang hinala ko—" Jin cut me off. Mukhang kahit siya ay kampi sa idea nina Namjoon at Seth. So, was it me denying and acting like nothing happened to me all along?

"Please, Trevor. Make up your mind. Kahit kailan, never naging masama si Namjoon sa point of view naming lahat. Ikaw lang talaga 'tong seloso at wagas kung makaangkin kay Shannen. Truth be told pre, he has pure intentions to her when you on the other hand didn't do anything like that. So, you can't blame his actions for that. Sincere lang talaga si Namjoon nung mga panahong inaaway-away mo si Shannen."
He explained.


Sumabat naman si Yoongi. "Oo nga. Saka, Namjoon knows his place as a man. Bagay na noon mo dapat ginawa. Pero anong ginawa mo? Pinaiyak mo. Tinarantado mo. Sinaktan mo. 'Tol! Mahal na mahal ka nung tao, pero ikaw mismo sa sarili mo, di mo man lang maappreciate yung ginawa niya sayo. Magpakalalake naman. Di yung magpapalaki ka ng bayag ng dahil lang sa walang kwentang dahilan."

Medyo nasaktan ako sa sinabi ni Jin at Yoongi sa akin. Pero at the same time, naiintindihan ko naman kung bakit ang laki ng kasalanan ko kay Shannen.

For sure, di niya ako basta bastang mapapatawad ng ganun ganun na lang. Sorry. If I didn't act like a man to you. Pero, sana naman hayaan mo naman akong makabawi sayo, kahit na hindi man ako ang makakatuluyan mo. I hope, I can make things right before our story ends. Kahit dun lang, love. Please, wait for me. Babawi ako. 

Broken Strings | REVAMPEDWhere stories live. Discover now