Chances
Nakapalumbaba ako habang nakatulala sa tapat ng aming bahay. Sinayang ko pa talaga yung panahon na para sa aming dalawa. Tadhana nga ba talaga ang makakapagsabi sa akin kung magiging kami pa ba o hindi na?
Just as I was about to get up and close our gate ay nakita ko si Trevor na tila may hinihintay na bisita o kakilala sa kalsada.Sino kaya yung hinihintay niya? Nakatambay lang siya dun sa isang lumang bahay. Akmang pupuntahan ko na sana siya nang may makita akong isang babae – marahil siguro nakamove on na ito't nakahanap na siya ng iba habang ako'y patuloy pang umaasa.
Hindi na ikaw yung babaeng hinihintay niya, Shannen.
So that means... pinagpalit niya na ako't tinapos na talaga niya ang aming relasyon. Siguro nga, may mga bagay talaga na hindi na pwedeng ipilit kahit ilang taon pa ang nasayang.Agad tumulo ang mga luha sa aking mga mata at dali dali akong umuwi pabalik sa bahay.
"TANGINA MO TALAGA TREVOR FLOYD LOPEZ BELLEZA! SABI MO, AKO LANG! BAKIT MO AKO INIWAN?" Sigaw ko sa kawalan. Marahas kong pinunasan ang aking mga luha saka pumasok sa bahay at dumiretso sa kwarto at nagkulong.
Agad kong binuksan ang aking cellphone at tumungo sa Facebook account saka hinanap ang kanyang pangalan para iblock. Just as I was about to press the block button, he instantly called.
"Shannen, let me explain." Hinihingal na sabi nito. Nanatili lang akong walang imik at patuloy na umaagos ang aking mga luha nang muli siyang magsalita.
"Kung ano man yung nakita mo kanina sa tapat ng tindahan, please maniwala ka sana sa sasabihin ko. Yung babaeng nakita mo kanina ay si Hope." He explained clearly. Nanatili akong walang imik at tila hindi pinapakinggan ang kanyang mga sinasabi."We're over. Goodbye." I said as I pressed the end button, indicating that my life will start anew without him by his side.
Kaya ko nga nung wala pa siya sa buhay ko noon eh. Ngayon pa kaya na talagang wala na kami as couple?AFTER 7 YEARS
"Ano na plano natin?" Carmille asked us. Abala kaming lahat sa pag aarrange ng mga piyesa para sa mga kantang ipapasa para sa final demo nito. Nakapalumbaba lang ako sa gilid when Dahlia snapped her fingers back at me.
"Girl! Earth to Shannen Larisse! Hello? Bakit tulala ka nanaman?" She asked me. Kasalukuyan kasi kaming nag-aarrange at nagsusulat ng mga compositions para sa upcoming girl group na ilalaunch by April this year. Siguro nga, nakalimot na ako agad sa mga nangyari, but that doesn't mean that it could affect me. Come on, I've already moved on. Sana sila rin.
"Awh, ako ba? Shit, sorry. May naalala lang." I say. But she wasn't convinced with my choice of words."May inaalala ba talaga o may something lang talaga sa inyo ni T–" I cut her off. As much as possible, gusto ko na siyang kalimutan sa isip ko.
"Come on, may gagawin pa tayo sa studio. Ayoko na siyang isipin." I say, exasperatedly.
"Okay, fine! If you say so!" Carmille sighed as she took my free hand to go outside. Just as we were about to go outside ay saktong dumating si Dahlia kasama ang kanyang anak na si Sophie.
"Tita Shannen!" Sophie beamed happily. Ang cute cute talaga nitong pamangkin ko. Kahit di ko siya kadugo, para ko na rin siyang anak – to which Dahlia didn't mind.Agad kong niyakap si Sophie saka hinalikan ang kanyang noo, to which she giggled.
"Hello baby girl!!! Ang laki laki mo na!!! How are you?" I asked her. Agad niyang pinakita ang mga pinamili nila ng mommy niya. Jusko, sobrang spoiled sa parents eh."Ito po, consistent first honors pa rin po." Magalang na sagot ni Sophie sa akin saka ipinakita sa amin ang kanyang grades via screenshot.
"Naks! Ang swerte mo talaga Lia! Sana all talaga sayo beh! May chocolates ka saken." Pagyayabang naman ni Yiara. Agad naman siyang pinalisikan sa mata ni Elysse. Hay nako talaga itong mga girlies na ito oo. Magtatapos na ang kwento ko lahat lahat, mag aaway pa rin sila? Goodness gracious!
"Mga ateng, wag na mag warla at sayang ang inyong mga beauty!" Rinig naming sabi ni... Jimin? Omg! So kanina pa sila nakamasid dito? Mga dakilang chismoso nga naman oo.
"Jimin? Sino kasama mo?" I asked him. Agad namang ngumuso ang loko at tinuro ang anim na kanina pa nilalamutak ang mga street foods. Ang tatakaw talaga kumain ng mga ito.
"Ang takaw talaga kumain oh!" Parinig ni Carmille na ikinatawa namin. Nag peace sign naman si Taehyung saka binigyan ng sari-saring street foods sa isang plastic cup."Girls! Tara kain tayo ng street foods! Libre na namin!" Sigaw naman ni Hoseok na as usual, todo lamon sa mga street foods na makikita nito sabay tusok sa kanyang hawak na barbecue stick.
Kahit kelan talaga itong lalakeng 'to, ang takaw takaw pagdating sa pagkain. Pero di naman tumataba.Paano yun, lods? Pwede ba akong makahingi ng tutorial?
"Uy! Libre ba? Naks! Kaya gusto kita lods eh!" Sigaw ni Yiara sa kanya. Ngumiti lang si Hoseok bilang tugon. Kung wala lang talagang boyfriend 'tong si Yiara, baka naging sila na.
"Oo naman. Basta ba lambingin mo ko bilang kapalit." Sabi ni Hoseok na ikinasamid ko. Mabuti na lamang at andyan si Yoongi para alalayan ako.
"Magdahan-dahan ka naman sa sinasabi mo Jung Hoseok! Kitang nasamid tuloy si Shannen sa sinabi mo eh." Sabi naman ni Jin sa kanya. At si Hoseok? Ayun, namula sa sobrang hiya.
"Ayos lang, Jin. Sanay na ako sa ugali niyan. Sana kayo rin." Sabi ko sabay high-five sa akin ni Yoongi.
"Oo nga. Di pa kayo nagsasawa sa ugali niyan?" Sabat naman ni Yoongi. Itong lalakeng 'to talaga. Matatapos na nga lang ang kwento ko lahat-lahat, ang cold parin niya. Not to mention, di pa rin nawawala ang pagiging swaegito niya.
Sana all.
"Ikaw talaga kahit kailan ang savage mo sumagot." Sabi naman ni Namjoon sa kanya.
"Bakit Namjoon, aangal ka?" Tanong ni Yoongi. Napatikom na lang ang bibig ni Namjoon ng wala sa oras.As I was about to say something ay may natanggap akong package, kalakip ang isang sulat mula sa isang taong di ko naman inaasahan na babalik.
Agad kong binasa ang nakasulat.
I know that you won't probably happy for this, but Trevor and I are going to get married. Toodles!"
Sino kaya 'tong taong 'to? Nakakatangina lang talaga. Humanda sa akin yung taong yun.
And ano kamo? Ikakasal na si Trevor?

YOU ARE READING
Broken Strings | REVAMPED
RomanceShannen Larisse Umali Dela Paz' life is far from perfect. She might have a good set of academic grades, perfect marks but still, her own family didn't even get to support her dream to become a successful musician dahil lang sa kanyang desisyon - ang...