抖阴社区

                                    

Pero nagbago ang lahat nang nagsulputan ang mga bagong gadgets noong 90s at 2000s. Hindi na nakasunod si Daddy sa bilis ng mga pagbabago sa industry. Kaya nalugi ang negosyo at kinailangan itong ibenta para makabayad sa pang-araw-araw namin. Sinubukan nila ni Mommy na maghanap ng trabaho pero nasapawan sila ng mga fresh graduates. Sumabay pa sa problema noon ang biglang pagkasakit ni Racky dahil sa abdominal disorder.

Kaya nagpasya sina Daddy at Mommy na mangibang bansa para mabayaran ang mga utang sa pagbayad ng hospital bills ni Racky at matustusan lahat ang aming pangangailangan. Iniwan nila muna kami kay Tita Gina, kapatid ni Mommy. Laking pasalamat namin dahil hindi mahigpit si Tita Gina. Tinuring niya kaming mga anak kahit na may anak siya na lalaki na may sarili nang pamilya.

Nagbihis na agad ako pagkatapos maligo. Pupunta ako sa isang scriptwriting workshop ni Mr. Ricky Lee sa UP. Matagal ko ring hinintay ang araw na ito. Inipon ko pa ang pambayad ko ng registration fee. Worth it ito dahil marami akong matutunan sa kanya, especially gusto ko na maging isang magaling na scriptwriter.

Pagbaba ko sa dining room, kinausap ako ni Tita Gina.

"Anak, dumating na ang bill ng Meralco," panimula ni Tita Gina. Mukhang seryoso na naman ito. "Notice of Disconnection ang laman. Nabayaran mo ba 'yon noong isang buwan?"

Patay! Nakalimutan ko yatang bayaran kahapon dahil sa banggaan incident with antipatikong Erik. Napa-facepalm tuloy ako.

"Nakalimutan ko po," sagot ko kay Tita Gina. Binuksan ko ang bag ko at kinuha ang envelope na may lamang pera. "Ito po, tita. Pakibayad na lang po sa SM mamaya. May pupuntahan po kasi ako ngayon. Baka makalimutan ko pa ulit."

"Sige, ako na ang bahala. Saan ang punta mo?"

"Sa UP po," sagot ko. Nagtataka ang itsura ng mukha ni Tita Gina.

"Di ba may klase ka ngayon? Di ka papasok?"

"Hindi ngayon. Mas importante kasi ang pupuntahan ko sa UP."

"Sige, sige. Basta mag-text ka kung gagabihin ka para alam ko kung magluluto pa ako mamaya," sabi sa akin ni Tita Gina habang inaayos ang mga pinagkainan nina Romeo at Racky.

"Sure po." Ngumiti ako sa kanya. "Sige, Tita. Una na po ako."

"Mag-ingat ka."

Paglabas ko ng bahay, tumigil ako sandali at tumingin sa paligid. This is it, Rose, isip ko. Sisimulan ko na ang dapat ay nasimulan ko na noon pa man. Magiging scriptwriter ako at walang makakapagpigil sa akin!


——- O ——-


ERIK

Argh! My head felt like it was being pounded by two bulldozers. The hangover must have got into me after last night's drinking session. I can't recall how the heck I was able to bring myself in my condo. I thought maybe my feet knew how to get me home when I'm drunk. It was already 11:45 in the morning.

I went to the refrigerator to get a pitcher of water. I got a glass and poured water in it. Instead of drinking it, I splashed the cold water into my face. Ah! That felt better. I went back to my room to get a towel and wiped the water on my face. I was removing my clothes when some thoughts hit me.

Raymond, RX, Johnny, that asshole Gary and I were talking about that girl I met in the parking lot. That girl who bumped my car, and that girl who almost made me punch Gary in the face. Good thing, my friends knew how to stop me from becoming violent.

And then, the words of Gary echoed repeatedly in my head. Alam mo ba pakiramdam ng isang babae na ipahiya siya sa sarili niya? Everything went back to me: the parking lot scene, the words that may have hurt Rose in the process. I may have hurt a girl because of my stupid mouth.

Scripted RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon