抖阴社区

                                    

"Ah, miss," tawag ko kay Ms. Receptionist. "Anong floor ang unit ni Mr. Erik Dela Rosa?"

"It's in the 45th Floor, ma'am." Saka humikab si Ms. Receptionist.

"Okay. Thank you, miss." Ngiti kong sagot sa kanya saka ako pumunta sa elevator lobby.

Pumasok ako sa elevator pagkabukas nito. Nanlaki ang mata ko kasi number 45 ang nasa pinaka-top floor ng condominum. Ibig sabihin, penthouse ang unit ni Erik Dela Rosa. Pinindot ko ang number 45 saka nagsara ang pintuan ng elevator.

Habang nasa loob ako ng elevator, naisip kong maswerte talaga itong si Erik. The only son ng mga Dela Rosa who is one of the prominent families in the Philippines. A manager at a young age, suspended nga lang;  the most handsome single man in the Philippines according to Mega Magazine; most sought-after male figure in the country based sa latest survey ng Cosmopolitan Magazine; featured as the most eligible bachelor in the Philippines by Metro Magazine; owner of the most eye-catching smile in the Philippines according to Candy Magazine. Lahat nang iyan, sinabi sa akin ni Lenny pagkatapos naming bumili ng running shoes ko based sa research niya kay Google. In my opinion, Mr. Erik Dela Rosa is the luckiest person in this country. Nasa kanya na ang lahat.

Lumabas ako pagkabukas ng elevator sa 45th Floor. Iisang pintuan lang ang naroon. Panigurado, iyon ang condo unt ni Erik. Lumakad ako papunta sa pintuan. Habang papalapit ako, may narinig akong kumakanta sa kabila ng pintuan. Pinindot ko ang doorbell.

Nagbukas mag-isa ang pinto. Dahan-dahan kong tinulak ang pinto para makapasok. Napagtanto ko na boses pala ni Adam Levine ng Maroon 5 ang kumakanta na galing sa isang music player. "Wake Up Call" ang kinakanta nito. Na-weirduhan ako kung bakit iyon ang tugtog ni Erik. Lunes na Lunes, tungkol sa pangangaliwa ang pinapatugtog niya.

Lumakad ako sa pasilyo pagkasara ko ng pinto. Puro puti lang ang kulay ng mga gamit. Mula sa sahig hanggang sa mga furnitures at fixtures. May kaunting shades of black and gray pero mostly puti.

Unang lugar na tumambad sa akin ang kusina. Stainless ang mga gamit. Walang bahid ng dumi at bakas na ginagamit ang mga kubyertos at mga plato. Maliban na lang sa isang basong tubig na malapit sa lababo.

Lumakad pa ako at nakarting ako sa living room. Nanggagaling ang boses ni Adam Levine mula sa home theatre system ni Erik: 45-inch Samsung Smart LED, VCD player, DVD player, Blu-ray player, at 7.1 Surround speaker. Namangha ako sa ganda ng home theatre system. Ito kasi ang gusto ko sana sa sarili kong kuwarto. Dahan-dahan akong lumakad paatras nang bigla akong mahulog sa isang lazy boy na upuan. Wow! Hanep itong si Erik. A true bachelor indeed.

Nakita kong naka-repeat play ang kantang "Wake Up Call" kaya pala umulit ang kanta. Nairita ako bigla. Hindi naman sa ayaw ko kay Adam (crush ko nga siya pati na ang abs niya) pero nakakairita naman kung unlimited repeat ang kanta. Hinanap ko ang remote pero hindi ko makita. Pumunta ako sa harap ng Blu-ray player at hinanap kung saan yung "Next" button. Nang mahanap ko, tumigil sa pagkanta ni Adam Levine at napalitan ng boses ni Adele. "Chasing Pavements" naman ang kanta. What?! Nakikinig nito si Erik? Nagtaka ako bigla. Madalang lang sa mga lalaki ang nakikinig sa mga kanta ni Adele unless avid fan ni Adele ang nanay o girlfriend nila o broken-hearted sila kaya kanlungan nila ang mga kanta ni Adele.

Biglang nawala ang boses ni Adele. Nagtaka ako kaya tiningnan ko ang Blu-Ray Player. Natakot ako kasi baka nasira ko iyon. Grabe! Hindi ko kayang bayaran iyon kung sakali. Pero wala naman akong ibang ginawa maliban sa palitan ang kanta. Tiningnan ko ang LED. Doon ko nakita na may "Pause" sign sa upper-right corner nito.

"Didn't your parents teach you not to touch other people's stuffs without their permission?"

Kilala ko ang boses na 'yon. Dahan-dahan akong tumalikod. Kinakabahan.

Scripted RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon