抖阴社区

                                    

"So-so-sorry... E-RIK!!" Napasigaw ako paglingon ko sa kanya.

"Will you stop screaming? You're screaming as if there's no tomorrow. What's the problem?"

"BAKIT KA NAKAHUBAD?!"

Hindi naman TOTALLY nakahubad si Erik pero naka-tuwalya lang siya. Kitang-kita ko tuloy ang six-pack abs at well-toned chest niya. Grabe! Tiningnan ko pa siya mula ulo hanggang paa at pabalik. Hindi ko ipagkakait sa kanya na tunay siyang 'hottie'. WAIT LANG! ANO BA ITONG NAIISIP KO? Tinakpan ko aking mga mata.

"Pft! Will you cut your craziness? I'm just HALF-naked. It's obvious that you like what you're seeing." Napangisi siya pagkatapos niyang sabihin iyon.

Inalis ko ang pagkakatakip sa mga mata ko. Nakatayo pa rin siya sa harapan ko habang suot ang nakakalokong ngiti niya.

"Anong obvious ka diyan?" Tanong ko sa kanya habang nakasimangot. "Ang feelingero mo ha! Hindi kita pinagnanasahan ha."

"Oh really? Then, why did you look at me from head down and back?" Tanong niya sa akin.

Napansin pa niya iyon? Grabe! Aaminin ko na ang yummy ng pandesal niya! Pang-almusal! Ito ba ang dahilan kaya ayaw niya akong mag-breakfast? Dahil may pa-almusal na siya dito?

"Puwede bang... magsuot... magsuot ka na lang ng... something?! Please?!" Pautal kong sabi sa kanya sabay takbo papunta sa kusina. Tumama pa ang paa ko sa side table kasi nakatakip pa rin ang aking mga mata.

"Alright, miss," sabi niya sa akin. Narinig ko siyang tumawa.

Nang makarating ako sa kusina, dumiretso ako sa isang pintuan sa tabi ng refrigerator. Binuksan ko iyon. CR! Pumasok ako sa loob at naupo sa inidoro. Ano ba iyon?! Nakakita ako ng mga pandesal sa umaga! Sandali, naaasar ba ako o natutuwa? Napapangiti kasi ako kapag ipinipikit ko ang aking mga mata, nai-imagine ko ang topless na si Erik. Naku! Mukhang nasa isip ko na ito habang buhay.

Biglang may kumatok sa pinto.

"Hey! You can come out now. Nakadamit na ako. Unless you're doing something strange there because you saw me topless." Napatawang sabi ni Erik.

Bastos itong lalaking ito! Mabilis kong tinulak ang pintuan para lumabas. Sa sobrang lakas ng pagkakabukas ko ng pinto, natalisod ako. Saktong sinalo ako ni Erik kaya naiwasan kong bumagsak sa sahig.

"What's happening to you, Rose? Can't you be more careful?" Iritableng taong sa akin ni Erik habang ako ay nasa bisig niya. Nakabihis na siya ng white t-shirt at shorts.

Sa moment na iyon, napahawak ako sa dibdib ni Erik. Naramdaman kong matigas iyon. Napangiti ako nang bahagya. Ang bilis! Nakahawak kaagad ako sa dibdib niya. Ninamnam ko iyon sandali nang biglang nagsalita si Erik.

"You can stand up properly after you've finish caressing my chest."

Mabilis kong inalis ang aking sarili mula sa kanya at tumayo nang maigi. Nahiya ako bigla sa sarili ko. Lumabas ang sobrang pagka-babae ko dahil sa nakita kong pandesal este abs este dibdib este—Nevermind! Hinampas ko siya sa braso.

"What the? Nakakailang tsansing ka na ha," sabi sa akin ni Erik.

"Magtigil ka nga!" Sigaw ko sa kanya. "Ang feeling mo! Sa susunod kasi, huwag kang lumabas nang nakahubad. Nakalimutan mo yatang babae ako," sabi ko sa kanya sabay simangot. Tinitigilan ko na ang maging malanding babae sa harap niya.

Napangiti sa akin si Erik bago dumiretso sa may tapat ng isang cabinet sa kusina.

"You changed the song. So, I thought it was not you. No one's coming here other than you."

Scripted RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon