"Sorry kung ginalaw ko ang player mo. Ang pangit kasi ng kanta. Pampa-bad vibes." Sabi ko sa kanya habang umupo ako sa isang mataas na stool sa kitchen table.
"That's my favorite morning song. It lightens me up every morning."
"Ang weird. Bakit mo naman 'yon ang gusto mo?"
"Long story."
"Makikinig ako."
Napatigil siya sa mga kinukuha niya sa cabinet at lumingon sa akin.
"Maybe next time." Sagot niya sa akin habang binaba niya sa mesa ang mga ilang gamit sa pagluluto. Pabitin pa ang peg niya.
"Sige, next time. I'll respect your privacy for now. Besides, kanya-kanyang trip lang 'yan."
"Right you are there, miss. Walang basagan ng trip." He smiled at me habang inaayos ang mga gamit sa pagluluto. In all fairness, his smile was indeed eye-catching.
"What do you want for breakfast?" Tanong niya sa akin.
"Ano?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"I said, what do you want for breakfast? Don't make me repeat it again. I know you're not deaf." He looked at me seriously.
"Bakit mo naman tinatanong?"
"I told you not to take breakfast yesterday, right." Sabi niya sa akin.
Hindi ako sumagot. Bumubulong lang ako ng mga salitang ni ako ay hindi maintindihan.
"Did you eat already?" Bigla siyang naging concerned. Parang gulat pa nga. Parang batang hinihiling na sana hindi niya marinig ang ayaw niyang marinig na sagot.
"Hi-hindi. Hindi pa."
Nakahinga siya nang maluwag at napangiti. "Very good! What do you want to eat?"
"Ah-eh. Hotdog, egg, fried rice?" Hindi pa ako sure sa mga sinagot ko.
"Okay. I'll cook our breakfast." Nakangiting sabi sa akin ni Erik.
Pumunta siya sa kabilang cabinet ng kusina at kinuha ang isang apron. Namangha ako dahil Spongebob Squarepants pa ang design ng apron niya. Ang cute!
Tahimik kong pinanood magluto si Erik. Magaling siya magluto. Kahit simple lang ang lulutuin niya, may mga tantsa pa siyang ginagawa. Kahit nga paglagay ng cooking oil at mga preservatives, parang binibilang niya. Unti-unting umaamoy sa buong kusina ang niluluto niya. Ang bango!
Pagkatapos niyang magluto, hinanda niya ang mga plato at kubyertos na gagamitin namin. Tutulungan ko sana siya pero inagaw niya sa akin ang mga kutsara at tinidor. Tiningnan ko siya ng masama pero hindi naman niya ako tiningnan. Seryoso ang itsura niya habang inaayos ang mga gamit sa pagkain kaya hinayaan ko na lang siya.
Nang maayos na ang mga plato at kubyertos, nilagay na niya sa mesa ang isang plato na may lamang anim na pirasong hotdog, isang plato na may lamang tatlong itlog na sunny side up, at isang bowl ng fried rice. Lahat iyon ay may design na halamang hugis puso. Naks! May pagka-creative din itong si Erik.
Tinanggal niya ang kanyang apron at naupo sa harap ko. Nakatingin lang ako sa mga pagkain. Nilabas ni Erik ang mga tasa mula sa isa pang cabinet at hinanda ang isang thermos na may lamang mainit na tubig sa tabi namin. Huli niyang hinanda ang isang hilera ng lalagyan ng kape, Milo at asukal.
"Breakfast is served," nakangiting sabi sa akin ni Erik. "Let's eat?"
"Let's!"
Ngumiti ako sa kanya. Ito pala ang plano niya kaya ayaw niya akong mag-almusal. Sabay kaming mag-aalmusal. Isang salita lang ang naisip ko sa ginawa niya: Sweet. Kumain kaming dalawa ni Erik. Wala munang imikan lalo na ako dahil kanina pa ko gutom na gutom.
Nang matapos akong kumain at uminom ng tinimpla niyang Milo para sa akin, tinanong ko si Erik.
"Anong plano natin ngayon araw?"
Hindi pa tapos kumain si Erik. Ang bagal niya talagang kumain. Uminom muna siya ng maligamgam na tubig bago ako sinagot.
"We will be going to a special place."
"Saan?" Tanong ko sa kanya.
"A place for Step Two in writing a screenplay." Sinubo niya ang isang kutsarang fried rice pagkatapos niyang kumagat ng isang pirasong hotdog.
"Which is?" Sunod kong tanong sa kanya.
"Don't be an eager beaver." Sabi niya bago uminom siya ng mainit na kape. "We will get there, okay?"
"Okay."
"Besides, I'll have to clean this up after we eat. It would be rude to have you clean the table. You're my visitor."
"Pero hindi mo lang ako bisita," Sabi ko sa kanya na pagka-cute. "Girlfriend mo ako, 'di ba?"
"Whatever! We need to know each other first."
"Alam kong nakatira ka sa isang penthouse unit. Magaling kang magluto ng masarap na pagkain. Maganda ang table setting mo. At higit sa lahat, you have a nice set of abs," sagot ko sa kanya.
"Now, you're patronizing me." Napangisi siya pagkatapos niyon. "Did you like your breakfast?"
"Yes. Salamat. Akala ko kasi gugutumin mo ako kaya ayaw mo akong mag-almusal."
"I won't do that to my girlfriend. I always prepare breakfast for my girlfriend whenever we see each other in the morning or when we were together the whole night. A woman feels happy and important when their man prepares breakfast for them. It shows that a man can do a woman's job too. The caring job."
Uminit ang pakiramdam ko sa pisngi matapos kong marinig ang kanyang sinabi. Unti-unti, lumabas ang ngiti sa aking mukha. Hinahandaan niya ng breakfast ang kanyang girlfriend. Ayaw niyang nagugutom ang girlfriend niya. Ang swerte ko naman pala sa kanya, kung sakali. Now, that's an idea for my story.
Pagkatapos naming kumain, nilinis ni Erik ang aming pinagkainan. Dumiretso siya agad sa kanyang kuwarto para magpalit ng damit. Pumunta naman ako sa living room niya at nanood ng mga trailer sa YouTube gamit ang Samsung Smart LED ni Erik. Pampalipas-oras habang hinihintay ko siya.
Ilang sandali ang lumipas, lumabas ng kuwarto si Erik. Nakita kong inaayos niya ang sleeves ng kanyang polo. Mala-John Lloyd Cruz ang itsura niya. Mas guwapo pala siya kapag casual lang siya.
"Let's go." Alok niya sa akin nang naka-ngiti.
"Let's!"
Sabay kaming lumabas ng unit niya at dumiretso sa elevator. Saan kaya kami pupunta ni Erik para sa Step Two?
——- X ——-
Hi, guys! Don't forget to VOTE and SHARE this Chapter! Thanks! ;) - geniecharlie

BINABASA MO ANG
Scripted Relationship
RandomGusto ni Rosalinda Mercedes Mendoza a.k.a. Rose na maging isang scriptwriter para sa pelikula. Kaya nagpasya siyang magsulat ng isang romantic love story as a start. Ngunit, may isa siyang problema: Never pa siyang nagkaroon ng boyfriend! Paano siya...
Chapter 5
Magsimula sa umpisa