抖阴社区

                                    

"For the sake of writing a story lang nga."

"Hay naku. Kahit ano pa ang dahilan mo, katangahan ang tawag dun. Buti nga hindi considered na desparada moves 'yon." Napatawa siya after niyang sabihin iyon. Ako naman, naka-pout na lang.

"Anyway, kumusta naman kayo ng 'boyfriend' mo?" Tanong sa akin ni Rachel. May emphasis sa salitang 'boyfriend'.

"Four days na siyang walang communication sa akin," sagot ko sa kanya.

"Bakit?"

"Hindi ko alam," sagot ko kay Rachel. "Pero may ikukuwento ako sa 'yo."

Kinuwento ko sa kanya ang mga nangyari four days ago. Mula sa almusal na naka-topless si Erik, sa bookstore at ang pinaka-ikinagulat ni Rachel na halikan namin ni Erik. Buti na lang marunong makinig si Rachel at hindi nagba-butt in habang ikinuwento ko.

"Tingin ko... Nadala lang si Erik ng emotions niya." Kilatis ni Rachel sa mga nangyari pagkatapos kong ikuwento. "Sobrang emotional siguro ang breakup nila ng ex-girlfriend niya kaya ganun na lang siya mag-breakdown. Minsan, nakakagawa ng mga bagay ang mga taong depressed or hopless nang hindi pinag-iisipan. Extreme emotions kasi ang naramdaman niya ng mga panahon na 'yon. Kaya siguro hinalikan ka niya nang 'di niya sinasadya."

Tahimik akong nakinig kay Rachel. Sa totoo lang, nagtaka ako noon dahil hindi nagulat si Rachel sa nangyari sa amin ni Erik.

"Basta ang mahalaga, Rose," pagtuloy ni Rachel. "Huwag mong bigyan ng kahulugan ang halik na 'yon."

"Hindi ko naman inisipan ng kung ano. Pero natuwa ako sa pakiramdam. First kiss ko kasi 'yon." Pangiti kong sagot sa kanya.

"Sapat na sabihing nabibigyan mo ng kahulugan ang halik na 'yon, the mere fact na natutuwa ka sa nangyari. Ni hindi ka kaya kumibo man lang noong hinalikan ka niya. Dapat nga, sinampal mo pa siya dahil invasion of private space na ang ginawa niya."

"Wow! So ibig sabihin, dapat sinampal ko siya sa ginawa niya?" Ganoon kasi madalas ang ginagawa ng isang babae kapag biglang hinahalikan ng isang lalaki, especially kapag ayaw nila sa lalaking iyon.

"Hindi naman sa gano'n. Di mo lang sinunod ang Third Law of Motion ni Isaac Newton."

"Ang alin?" Nagtaka ako. Isaac Newton?

"Third Law of Motion: To every action, there is an equal and opposite reaction. Nagkaroon ka lang ng matagal na equal reaction nang halikan ka ni Erik dahil nga nagustuhan mo. Kaya, wala kang opposite reaction."

Napaisip ako sa sinabi ni Rachel. Mukha nga na nagustuhan ko ang paghalik sa akin ni Erik dahil sa equal reaction na walang opposite reaction. Pero ano ba dapat ang ginawa ko noong hinalikan niya ako? Sinampal ko ba dapat siya? Hindi naman ako nakaramdam ng kahit anong invasion na sinasabi ni Rachel. Napailing na lang ako at napangiti sa kanya.

"Alam mo, besty? Masyado ka lang concerned sa akin," pabirong sagot ko sa kanya. "Maraming salamat sa iyong concern, besty."

"Hoy! Hindi lang ako concerned. Concerned na concerned. Iyang setup nyo kasi, prone sa First Law of Motion."

Inikot ko ang aking mga mata pagkarinig ko ng First Law of Motion. "Ano ba 'to, besty? Physics 101?"

"Makinig ka, Rosalinda. Sa First Law of Motion, tuloy-tuloy lang iyang setup until such time na may isang puwersa na pipigil sa inyo para ipagpatuloy pa ang kung anong meron kayo ngayon. Dalawa ang puwedeng mangyari: either you fall for him and he falls for you..."

Naubo siya bigla kaya uminom muna siya ng tubig.

"Or?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko na mahintay ang susunod niyang sasabihin.

"He will hurt you and you will hurt him... Badly."

Natahimik ako sa paliwanag na iyon ni Rachel. Kung ganoon man ang mangyayari sa amin ni Erik, may chance bang magkamabutihan kami ni Erik o mauuwi lang sa sakitan ang lahat? Dahil lang sa nagustuhan ko ang aking unang halik? Pero hindi kami puwedeng pumasok sa isang 'tunay' na relasyon kasi wala kaming balak na pumunta roon. Bumaling bigla sa isip ko sa kasalungat niyon. May posibilidad pa rin naman na mahulog ang loob ko kay Erik. Bakit hindi? Sa tamang panahon at pagkakataon marahil. Lalaki naman siya. Guwapo at maganda ang katawan niya. Pati na rin ang magandang pagkahulmang abs niya. At pakiramdam ko nga na talagang may hinahanap siya na tinatawag na pagmamahal. Maaring ako na ang makapagbigay niyon sa kanya. Sandali! Iniisip ko ba talaga ang posibilidad na maging kami?

"Bakit ganyan ang itsura ng mukha mo? Parang naguluhan ka yata bigla." Tanong sa akin bigla ni Rachel.

"Ah-eh, wa-wala. Wala." Pautal kong sagot sa kanya.

"Stuttering, dear?" Ngumiti siya akin nang sarcastic.

"Wala nga."

"Ang defensive mo."

"Hindi ako defensive." Humigop ako sa aking frappucino.

"Pero kung tutuusin, besty," pagpatuloy ni Rachel. "Bakit hindi na lang maging kayo ni Erik? 'Yong totohanan. Magpaligaw ka. Puwede kayong magpa-develop muna sa isa't isa in the process kung gusto mong makasiguro. Sa edad mo ngayon, it's about time na magkaroon ka na ng boyfriend. 'Yong totoong boyfriend. Hindi tulad no'ng dati mo."

"Ano naman ang scientific significance ng proposition mo iyan?" Sarcastic kong tanong sa kanya.

"Second Law of Motion: Nasimulan niyo na... I-accelrate niyo na sa katotohanan... Para walang pusong maiiwan... Mula ngayon hanggang sa kailanman." Sinabi niya iyon na parang tumutulang makata sa isang enteblado. Medyo O.A. ang pagkakagawa niya no'n pero nahuli niya ang aking nagi-imagine na utak.

"Alam mo? Magandang line 'yan na pwede kong gamitin para sa script ko."

"Go mo lang, besty." Napangiti si Rachel sa akin.

"Pero hindi rin kita maintindihan." Sunod ko kaagad na sinabi sa kanya.

"Ano ang hindi mo maintindihan?" Kumunot ang noo ni Rachel sa pagtataka.

"Kanina parang ayaw mong maging kami ni Erik. Ngayon, parang binebenta mo ako sa kanya. Ano ba talaga, besty?"

"Hindi ko sinabing ayaw ko si Erik para sa'yo. Ang sinasabi ko lang, ayaw ko na may masaktan sa huli dahil sa deal niyo. Dahil for sure, sa ganyang set-up niyo, may masasaktan diyan sa deal n'yong 'yan."

Hindi ko na naintindihan ang mga sinabi ni Rachel. Ano bang meron kasi sa deal namin ni Erik? Napabuntong-hininga na lamang ako kay Rachel.

"Basta. Malinaw sa akin ang lahat." Sabi ko kay Rachel sabay higop ng frappe.

"Kay Erik? Malinaw ba?"

Sasagot na sana ako nang bigla akong putulin ni Rachel.

"Huwag kang sasagot. Hindi ikaw si Erik."

Tama siya. Hindi ako puwedeng sumagot para kay Erik. Napaisip ulit ako. Natanong ko tuloy sa isip ko: Malinaw kaya itong deal kay Erik? Mukhang kailangan kong makipagkita kay Erik para siguraduhin na malinaw ang lahat sa aming dalawa.

Scripted RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon