Nang kumulo na ang tubig sa takure, nilagay ko ang mainit na tubig sa maliit na timba. Dinala ko iyon kaagad sa kuwarto ni Erik. Kumatok ako bago pumasok. Pagpasok ko, nakita kong nakahiga na sa kama si Erik habang nakapalipot ng kumot, mukhang lamig na lamig. Nilapag ko ang maliit na timba sa side table at binuksan ang closet ni Erik para kumuha ng bimpo.
"Erik, halika dito. Kailangan kitang pahiran ng mainit na tubig." Sabi ko kay Erik. Ngunit, bumulong siya ng pagtanggi.
"Huwag nang matigas ang ulo. Hindi mawawala ang sakit mo kung ganyan ka."
Tiningnan niya muna ako nang nakasimangot bago lumapit sa akin. Pinahiran ko siya sa noo at sa mukha. Pinahiran ko rin siya sa dibdib at likod niya. Grabe! Ayaw kong tingnan ang mga iyon pero nakikita ko pa rin dahil kailangan ko pahiran ng mainit na tubig ang katawan niya. Tumigil ka, Rose! Tulungan mo muna si Erik.
Pagkatapos ko siyang pahiran ng mainit na tubig at lagyan ng towel sa kanyang noo, tinulungan ko siyang makasandal sa headrest ng kanyang kama para makakain ng noodles. Bumalik ako ng kusina para naman kunin ang niluto kong noodles para kainin niya. Nang susubuan ko na siya, iniwas niya ang kanyang bibig.
"Alam mo." Binigyan ko siya ng matulis na tingin. "Ikamamatay mo ang pagtanggi sa pagkain."
Tiningnan muli ako nang masama ni Erik bago niya nilapit ang bibig niya para kumain.
"Ano ba kasing ginawa mo kagabi?" Tanong ko sa kanya. Hindi siya umimik.
Nang maubos niya ang noodles, binigay ko sa kanya ang Biogesic at isang basong tubig. Mabilis niyang ininom iyon. Pagkatapos, dahan-dahan niyang hiniga ang kanyang sarili sa kama at tumalikod mula sa akin.
Mukhang nakatulog si Erik kaya lumabas na muna ako ng kuwarto, dala ang mga pinaggamitan ko. Dahil napansin ko ang gulo ng buong condo unit ni Erik, hindi na ako nag-atubiling maglinis. Ang hindi ko nga lang maayos ay ang basag na LED TV. Ano naman kasi ang pumasok sa isip nitong si Erik at binasag niya iyon?
Matapos kong maglinis, pumasok ulit ako sa loob ng kuwarto ni Erik at tumabi sa kanya na mahimbing na natutulog. Minasdan ko siya. Sumagi sa aking isip ang pag-breakdown niya sa akin noong isang araw. Dahil pa rin kaya sa past niya kaya siya naglasing ng ganito? Mukhang kasalanan ko pa yata kasi ako ang nagtanong sa kanya tungkol sa kanila ni Andrea.
"Andrea. A-a-andrea." Bulong ni Erik sa kanyang pagkakatulog.
"Hanggang sa panaginip, hinahanap mo siya," bulong ko sa kanya. Dahan-dahan kong hinaplos ang kanyang buhok. Doon ko napansin na may luhang dumaloy mula sa kanyang mata.
Paano kaya ito, Erik? Isip ko. Hindi naman totoo ang relasyon natin. Para lang naman sa script ko kaya ka pumayag na maging boyfriend ko. Malinaw sana sa'yo iyon dahil ayaw kong pagdating sa huli, ako pa ang makasakit sa'yo.
"Andrea." Biglang kinuha ni Erik ang kamay ko. Ang higpit ng paghawak ni Erik sa kamay ko.
"Nandito lang ako, Erik," bulong ko sa kanya nang ilapit ko ang aking sarili sa tabi niya. "Nandito lang ako."
Mabuti na lang at dala ko ang aking iPod. Sinuksok ko ang earphones sa aking mga tenga at nagsimulang makinig ng mga kanta. Hindi ko namalayan na napapikit ako at nakatulog sa tabi ni Erik.
--- O ---
ERIK
I did not bother getting up immediately when I opened my eyes from a seemingly long sleep. I smiled and stared at the girl beside me who was fast asleep. I looked at her closed eyes and observed her angelic face. Yes, she looked like a sleeping angel. All she needed are wings, I thought.

BINABASA MO ANG
Scripted Relationship
RandomGusto ni Rosalinda Mercedes Mendoza a.k.a. Rose na maging isang scriptwriter para sa pelikula. Kaya nagpasya siyang magsulat ng isang romantic love story as a start. Ngunit, may isa siyang problema: Never pa siyang nagkaroon ng boyfriend! Paano siya...
Chapter 8
Magsimula sa umpisa