And he drove us away from the car service center. Mukhang magiging masaya at makabuluhan ang araw na ito.
----- O -----
ROSE
"Nuvali?" Nagtaka akong tanong sa kanya. "Anong meron dito?"
"You haven't been here?" Tanong sa akin ni Erik.
"Hindi pa." Nakikita lang namin ito nina Rachel at Lenny kapag pumupunta kami ng Tagaytay. Pero hindi namin pinuntahan ito kahit isang beses man lang. "Sabi kasi ni Rachel, wala naman makikita ditto kung 'di damo."
Tumingin sa akin si Erik. Napangiti sa akin si Erik habang pinatay niya ang makina ng kanyang kotse pagkatapos niyang iparada ang kotse.
"You're missing a lot, then." Sabi niya bago siya lumabas ng kotse. Missing a lot? Napaisip tuloy ako bigla.
Bababa na sana ako ng kotse nang binuksan ni Erik ang aking pinto. Napatingin ako sa kanya. Nakangiti siya na inalay ang kaliwang kamay niya. Hinawakan ko naman ito at maingat akong bumaba sa kotse. Grabe! Prinsesa lang ang peg!
Naglakad kami papunta sa isang boardwalk. Kaunti lang ang mga tao. May isang matanda na nakaupo sa wooden bench. May mag-ama na naglalaro ng bike sa kabilang dako. Mayroon din isang babaeng na nakikipag-usap sa kanyang anak na babae.
Napansin ko na may inabot ang babae sa kanyang anak na mukhang mga pellet. Pagkatapos, naglakad ang bata sa may gilid ng boardwalk at tinapon ang mga pellet sa lawa. Napapalakpak pa ang ina sa ginawa ng kanyang anak. Tiningnan ko ang lawa. Doon ko nakita ang dagsa-dagsang koi na nagkumpol sa lugar kung saan tinapon ng bata ang mga pellet. Fish food pala ang mga iyon. Nakakatuwang tingnan ang mga koi na nag-uunahan makakuha ng pagkain na tinapon ng bata.
"Rose!" Sigaw sa akin ni Erik. Lumingon ako at nakita kong may dala-dala siyang isang maliit na supot. "Tara! Let's feed kois!"
Hinila niya ako sa gilid ng boardwalk. Binuksan niya ang supot na kanyang hawak at kumuha ng ilang butil na fish food.
"Here. Get some and feed the poor kois." Napatawa ako sa sinabi niya.
"Sabay tayo." Alok ko sa kanya.
"Sige. Ready?"
"Ready!"
"One..."
"Two..."
"Three!" Sabay naming sigaw saka tinapon ang hawak na mga butil sa lawa.
Naghabulan at nagkumpulan ang mga koi sa lugar kung saan namin tinapon ang mga butil. Tuwang-tuwa kami ni Erik sa kumpulan ng mga koi. Kumuha pa ako ulit sa supot at tinapon naman kabilang bahagi kung saan nagpuntahan din ang mga koi. Si Erik naman, tinapon malapit sa isang nakalitaw na dome-shaped island. Pati doon, nagkumpulan pa rin ang mga koi. Nagtatalon pa para makuha ng mga koi ang butil na nasa ibabaw ng dome.
"Ang kulit nila!" Patawang sabi sa akin ni Erik.
Inubos namin ang mga fish food na hawak ni Erik. In all fairness, napaka-fulfilling magpakain ng mga koi. Tinignan ko si Erik. Abot-tenga ang kanyang ngiti sa sobrang tuwa. Nakakatuwa siyang titigan.
Nang maubos na ang fish food, sinabi sa akin ni Erik. "You want a boat ride?"
"Ano?" Nagbingi-bingihan ako.
"Boat ride," ulit ni Erik. "There's boat riding here as well. Let's?"
"Let's!"
Pumunta kami sa dulo ng boardwalk at naroon ang isang booth para sa boat-riding. Binayaran ni Erik ang bayad sa boat ride at in-assist kami ng isang staff papunta sa aming bangka. Dahan-dahan akong sumakay. Umupo kami ni Erik sa magkabilang dulo ng maliit na bangka ngunit magkaharap kaming dalawa. Si Erik ang nagsagwan sa aming bangka kasi mas magaling daw siya roon.

BINABASA MO ANG
Scripted Relationship
RandomGusto ni Rosalinda Mercedes Mendoza a.k.a. Rose na maging isang scriptwriter para sa pelikula. Kaya nagpasya siyang magsulat ng isang romantic love story as a start. Ngunit, may isa siyang problema: Never pa siyang nagkaroon ng boyfriend! Paano siya...
Chapter 9
Magsimula sa umpisa