Dali-dali kaming umalis ni Erik ng condo unit niya at dumiretso papunta sa basement parking para sumakay sa Honda Civic niya. Naalala ko lang bigla ang naudlot na namang pagluluto niya ng Ratatouille. Palagi na lang kasi kapag nagluluto siya ng Ratatouille, may biglang mangyayari. Napansin ko lang. Nang makarating kami sa basement parking, nakita ko ang isang Chevrolet Camaro sa tabi ng Honda Civic ni Erik.
"Wow!" bulalas ko kay Erik. "Ang yaman naman ng may-ari nito."
"That's mine too, Gorgie," sagot ni Erik. "Now, get in the car."
"Okay, boss," nakangiting sagot ko. Talagang nagmamadali kami sa lagay na iyan.
Sa kanya rin pala itong Chevrolet Camaro pero hindi ko nakita si Erik na gamitin iyon ni minsan. More than a month na kaming nagkakasama pero itong Honda Civic lang ang ginagamit niya. Anyway, okay naman ako sa Honda Civic na ito. Pinaandar na agad ni Erik ang makina at dumiretso kami papunta sa bahay nina RX. Nagulat na lang ako na ang bahay pala nina RX ay nasa Ayala Alabang.
"Dito nakatira sina RX?" Tanong ko kay Erik.
"Yes," sagot naman niya sa akin habang busy sa pagmamaneho. "RX's father is Senator Delos Santos."
At iyon pa ang isa kong ikinagulat. Anak ng Senador si RX! Hindi na ako nakapagsalita ulit pagkatapos sabihin iyon ni Erik. Bigtime talaga itong mga taong nakikilala ko lately. Kung hindi celebrity, mga pulitiko ang pinagmulan.
Nakarating kami sa bahay nina RX. American-style ang bahay nila mula sa labas. May garahe, porch and all. Akala mo nasa ibang bansa ka tuloy. Pagkahinto ng makina, lumabas kaming dalawa ni Erik at dumiretso sa front door ng bahay nina RX. Nag-doorbell si Erik at pinapasok naman kami kaagad ng katulong.
"Manang," sabi ni Erik. "Nasaan si RX?"
"Naroon po sa taas, sir," sagot ni Manang.
Hinila ako ni Erik at tinungo namin ang kuwarto ni RX na nasa second floor. Pagkalapag namin sa second floor, nakita namin ang isang lalaki at isang babae sa harap ng isang pinto. Kumakatok-katok sila at nakikiusap na papasukin sila.
"Tita, tito," unang sambit sa kanila ni Erik.
"Erik, good thing you are here already," sabi ng babae sa kanya pagkalingon nito. Lumingon din ang lalaki na nakilala kong si Senator Roberto Delos Satnos. Kilala ko siya dahil sikat siya ngayon bilang susunod na president ng Pilipinas.
"Please, talk to our son," sabi naman ni Senator Delos Santos.
"I will tita," pangiting sagot ni Erik. "By the way. Tito Roberto, Tita Claire, this is Rose. My girlfriend."
"Hello po, Senator and madam," sabi ko sa kanila sabay nakipagkamayan ako sa kanila.
Magkahalong kaba, ligaya at confusion ang naramdaman ko ng panahong iyon. Siyempre, senador at ang kanyang asawa lang naman ang kausap ko ngayon. Anyway, masyado akong euphoric na nawala sa isip ko ang ipinunta naming talaga ditto ni Erik. Bumalik ang aming atensyon sa pinto na sa tingin ko ay para sa kuwarto ni Erik. Lumapit sa pinto si Erik at kumatok.
"Bro? Si Erik ito. Will you let me in?"
Walang sumagot.
"Bro?"
Wala pa ring sumagot.
"RX, please let me in."
Ilang segundo ang lumipas, sinubukang buksan ni Erik ang pinto. Hindi pala naka-lock ang pinto. Binuksan ni Erik ang pinto at sumabay ako sa kanya sa pagpasok. Kalat ng mga papel ang tumambad sa amin. Puro mga gusot at punit na papel.
"RX?" Paghahanap ni Erik.
Napansin kong pumasok na rin ng kuwarto sina Senator Roberto at Madam Claire. Pinulot ko ang isang pilas ng papel na una kong nakita. Kahit na punit ito, malinaw ang nakasulat:

BINABASA MO ANG
Scripted Relationship
RandomGusto ni Rosalinda Mercedes Mendoza a.k.a. Rose na maging isang scriptwriter para sa pelikula. Kaya nagpasya siyang magsulat ng isang romantic love story as a start. Ngunit, may isa siyang problema: Never pa siyang nagkaroon ng boyfriend! Paano siya...
Chapter 20
Magsimula sa umpisa