抖阴社区

                                    

I won't go home with—

Binaligtad ko ang papel. Isang picture pala iyon. Kalahating mukha ng isang babae na sa tingin ko ay si Irene, ang ex-girlfriend na ngayon ni RX.

"Pare naman. What are you even thinking?" Boses ni Erik na nanggagaling sa CR. Bahagya akong natako dahil doon. Tumingin ako kay Senator Roberto at Madam Claire na bakas sa kanilang mukha ang pag-aalala.

"Please leave me alone for a while," pasigaw na sagot ni RX kay Erik.

Lumabas si Erik mula sa CR na basang-basa ang pantalon.

"He's okay po," sabi ni Erik kay Tito Roberto at Tita Claire. Napabuntong-hininga ang mag-asawa sa sinabi ni Erik. "I will let you know later po if he is good to talk with."

Sumang-ayon na lamang si Senator Roberto habang napahawak sa dibdib niya si Madam Claire bago sila lumabas ng kuwarto. Mukhang S.O.P. na iyon, napansin ko.

"Anong nangyari?" Tanong ko kay Erik.

"He's drowning himself," sagot niya sa akin. "That's why I'm wet. I won't let his parents know that because I know they'd overreact. Besides, he's drowning himself through shower."

Akala ko naman nilublob ni RX ang sarili niya sa tubig. Iyon pala, nilulunod lang sa pamamagitan ng shower. May malulunod ba doon? Lumalabas ang sarkastiko kong pag-iisip.

"Gorgie, kindly help me clean up his bed so we can lay him on it," sabi sa akin ni Erik. "I'll take care of him."

"Agreed," sagot ko sa kanya.

Sinimulan kong linisin ang makalat na kama ni RX. Inalis ko ang mga papel na mga pictures pala nila ni Irene. Marahil pinunit niya ang mga ito dala na rin ng lungkot at galit dahil sa paghihiwalay nila. Bumalik naman sa C.R. si Erik at naririnig kong kinakausap niya si RX. May times na nagmamakaawa pa siya para maging maayos si RX. Si RX naman, tumatanggi at humahagulgol.

Makalipas ang ilang minuto ng pangungumbninse at matapos kong malinis ang kama, tinulungan ni Erik si RX na makalakad papunta sa kama nito. Tinulungan ko na rin siyang buhatin ang kabilang braso ni RX. Nagmukhang nanghihina si RX. Mamula-mula ang kanyang mga mata.

"Next time, bro," pagsasalita ni Erik. "Don't drown yourself with shower. It won't kill you."

"I'm not going to kill myself because of Irene," sagot sa kanya ni RX. "Ang sakit lang kasi, pre. Alam ko namang kasalanan ko. Pero bakit ganito kasakit?"

"Ano ba ang nangyari?" Biglang tanong ko kay RX. Napatingin sa akin ng pasimangot si Erik. Binigyan ko rin siya ng tingin. Anong sinabi ko?

"Irene thought I have another girl," sagot bigla ni RX. "Akala niya, tinu-two time ko siya."

"Why would she think that, bro?" Tanong ni Erik.

"She learned about the girl I met in Rue Bourbon last month. Remember, nagkita tayo after you were suspensed? Someone took a picture of me kissing that whore of a girl. That someone turned out to be her high school friend."

"Kasalanan mo naman pala," sagot ko sa kanya with some sarcasm. Tumingin ulit sa akin si Erik nang pasimangot. Binigyan ko ulit siya ng titig. Ano naman?

"Kasalanan ko bang marupok ako?" Tanong sa akin ni RX.

"Hindi dahilan ang pagiging marupok mo, RX. Dahil sa huli, ginusto mo pa rin ang ginawa mo." Sinabi ko sa kanya ng may paggulong ng mata at sarkastikong tono ng boses.

"Rose," babala ni Erik. Binigyan pa ako ng tingin. Ano ba kasi? Tinatamaan ka ba? Isip-isip ko. Hinila ako saglit ni Erik papalayo kay RX na umiiyak na this time.

Scripted RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon