"Hoy!" Rose said to me. "Namumula ka."
I touched my face and it felt hot indeed. I felt mysteriously shy because she obviously saw me blushed so I teased her by tickling her to hide my shyness. She tried to avoid them but I so good at aiming her funny bone. We were like funny-looking kids.
When she pleaded me to stop, we walked from the candle-lighting area and proceeded to the front of the church through the aisle. In the middle of our walk, I pulled the right hand of Rose and held it properly on my arms. If it's due to an unknown force or simply love doing its way, it was really a good feeling to hold the hand of the person that gives meaning to my life. Rose looked at me again smiling. I smiled back at her as we walked out of the church. I had a feeling that we were like a just-married couple then.
----- O -----
ROSE
Pagkatapos naming kumain sa Chowking, umalis na kami ng Manaoag at tumungo na papunta sa rest house nina Erik. Nakarating kami sa isang off-road na may hilera ng mga puno sa magkabila. Nagtaka ako kung bakit walang kalsada matinong kaya tinanong ko ito kay Erik. Saka ko nalaman na nais ng pamilya ni Erik na ayaw ipabago ang kahit na anong ayos ng rest house nila kahit ang kalsada papunta doon. May ilang repairs naman daw na iginawa pero para ma-maintain ang stability. Naisip ko tuloy, ganoon na lang pala ang pagme-maintain nila ng mga lumang bagay kaya pati daan ay hindi na nila ginalaw. Mukha tuloy kaming nagtre-trekking. Paano ba naman ito? Naaawa na ako para sa kotse ni Erik. Camaro pa man din. Ngunit, hindi makita sa mukha ni Erik ang hindi magandang nagagawa ng off-road na iyon sa Camaro niya. Parang sanay na sanay nga siya.
Nakarating kami sa isang wooden gate. Binuksan ito ng isang guard na sumaludo pa nang magpakita sa kanya si Erik. Sumaludo rin naman si Erik at nagpasalamat. Ako ang nakahinga ng maigi dahil mabuti na lang na sementado ang daan mula sa gate.
"Welcome to Hacienda Dela Rosa," bati sa akin ni Erik. "The Estate of Inspiration."
Mali pala ang aking akala. Hindi lang pala basta-basta rest house ang mayroon sina Erik. Isang hacienda. Tumingin ako sa aking kanan at nakita ko ang isang rancho kung saan may mga kabayong itinatakbo ng mga katiwala nina Erik. Tumingin naman ako sa kabila at doon ko nakita ang iba't ibang houses na sa tingin ko ay mga babuyan, bakahan at manukan. May nakita rin akong hektaryang taniman ng gulay. Pinaliwanag sa akin ni Erik na dito nila inaangkat ang mga karne, baboy, manok at gulay na ginagamit sa mga Inspire Restaurants dahil mas mura daw ang ganito. Maliban lang daw sa isda kung saan nakikipag-unahan sila sa pier ng Maynila. Napagtanto ko tuloy na isang Farmville ang hacienda nina Erik.
Ilang sandal ang nakalipas, nakarating kami sa harap ng bahay ng Hacienda Dela Rosa. Simple lang bahay nila Erik mula sa labas nito. Hindi iyon katulad nang napapanood ko sa mga teleserye na mansyon ang laki. May dalawang palapag lang ang bahay nila na kasing haba lang ng tatlong townhouse. Wala ngang fountain sa tapat ng front door nila. Bahay lang talaga na may mga bintana. At ang kulay: dirty white.
"Let's go, Gorgie," alok sa akin ni Erik pagkalabas ko ng kotse. "I'll introduce you Tita Nang."
Nagtaka ako. Sino si Tita Nang? Malamang tita niya. Kaya nga tita. Ano ba naman, Rose? Tinamaan ka na naman ng katoyoan. Anyway, hindi na ako nag-atubili pa at pumunta na ako sa compartment ng kotse ni Erik. Kukuhanin ko na sana ang gamit ko nang pinigilan ako ni Erik at sinabing may kukuha na ng gamit ko at magdadala sa kuwarto ko. Kaya pumasok na kami sa loob bahay. Unang bumungad sa amin ang isang receiving area na may dalawang hagdan sa magkabila. May isang chandelier sa itaas at may mga paintaings ng mga taong hindi ko kilala sa pader. Marahil iyon ang mga ninuno ni Erik. May isang grandfather clock din sa may gilid ng hagdan na nagsasaing 6:00 PM na. Ang over-all description ko sa bahay nila: ancestral. Katulad siya ng bahay noong panahon ng Amerikano.

BINABASA MO ANG
Scripted Relationship
RandomGusto ni Rosalinda Mercedes Mendoza a.k.a. Rose na maging isang scriptwriter para sa pelikula. Kaya nagpasya siyang magsulat ng isang romantic love story as a start. Ngunit, may isa siyang problema: Never pa siyang nagkaroon ng boyfriend! Paano siya...
Chapter 22
Magsimula sa umpisa