抖阴社区

                                    

"ERIK!" Napalingon ako sa sigaw. Sigaw iyon ng isang babaeng nasa mid-50s ang itsura. Dali-dali siyang pumunta kay Erik at niyakap siya. "Mabuti na lang ang nakarating ka nang maayos. Tinatawagan ka namin, hindi mo naman sinasagot ang tawag."

"Empty batt ang mobile ko, Tita Nang," sagot ni Erik. Siya pala si Tita Nang. Hinila ako kaagad ni Erik papalapit sa kanya. "By the way, Tita Nang. She is Rosalinda."

Bahagya kong siniko si Erik. Bakit naman Rosalinda? Dahil ba nasa probinsya kami kaya iyon ang pangalang ipinakilala niya sa akin? Tumingin lang sa akin si Erik nang nakangiti. Pinagtri-tripan ako niya ako panigurado. Tumingin naman sa akin si Tita Nang. Actually, tinitigan ako ng maigi mula ulo hanggang paa. Ganito ba talaga kapag may bagong dating na hindi kilala?

"Siya ang..." Naghintay ng sagot si Tita Nang.

"A-ang magiging girlfriend ko," sagot ni Erik nang nakangiti. Mabilis na nawala ang pagtatakang mukha ni Tita Nang at lumapit sa akin para makipag-beso.

"Mabuti naman at nakasama ka dito, Rosalinda," masayang pagbati sa akin ni Tita Nang. "Ako si Tita Nang ni Erik. Pero hindi talaga niya ako tita. Nakasanayang tawag na niya sa akin iyon. Maikli para sa 'Tita Manang'."

"Siya ang yaya ko noong bata pa ako," paliwanag ni Erik sa akin.

"Nice to meet you po," sabi ko kay Tita Nang.

"Magalang na bata," nakangiting sagot ni Tita Nang. "Hindi katulad no'ng isa. Halina na kayong dalawa. Napagod kayo marahil sa biyahe. Alam mo na ang kuwarto mo, Erik. Rosalinda, sasamahan ka naman ni Gardo papunta sa guest room. Magkahiwalay kayong dalawa siyempre."

"Opo naman po," sabay naming sagot ni Erik.

Napangiti lang sa amin si Tita Nang saka tumawag ng ibang kasambahay para tulungan kami papunta sa kuwarto. Napaisip lang ako bigla. Sabi ni Tita Nang, hindi daw ako katulad no'ng isa. Tinutukoy ba ni Tita Nang si Andrea? O baka ibang babae ni Erik? Mamaya ko na lang itatanong kay Erik.

"I'll just go to my room. I'll show you something after dinner. You'll going to love it." Sabi sa akin ni Erik bago siya umakyat ng hagdan papunta sa kanyang kuwarto. Hindi na ako nakasagot sa kanya dahil hindi na niya hinintay pa ang sagot ko.

Sinamahan ako ni Gardo patuungo sa guest room. Pagpasok ko, nagulat ako sa sobrang luwag ng kuwarto. Mas maluwang pa kaysa sa kuwarto kong parang four-by-three ang liit. May apat na poste pa rin ang kama na may kurtina pa. Nostalgic ang feeling na pakiramdam mo talaga nasa panahon ako ng mga Kastila. May mga muebles at paintings din dito na nakasabit. May lumang telepono na de-ikot pa ang pantawag. Nakakamangha lang talaga ang guest room na ito kung guest room man na maituturing. Sinabihan ako ni Gardo na nailagay na nila sa cabinet ang mga gamit ko. Pinayuhan niya rin ako sa oras ng hapunan mamaya. Nagpasalamat ako sa kanyang tulong at payo bago siya lumabas ng guest room. Nahiga muna ako sa kama. Ang lambot!

Sa gitna na aking pagsubsob sa malambot na kama, sumagi sa isip ko ang sinabi sa akin ni Erik kanina lamang. Ano kaya ang ipapakita sa akin ni Erik? Sa gawi namin ngayon, ang hilig nang magpakitang-gilas nitong si Erik. Napaisip tuloy kung lahat ng lalaki ay tulad niyang mahilig gumawa ng mga surprises. Ngunit sa pag-iisip ko, hindi ko na namalayang napaidlip ako.

----- O -----

ERIK

Tita Nang made her special Pesang Bangus, Pakbet, Kaleskes, Pigar-Pigar and some native desserts of Pangasinan. After we blessed the food, Rose immediately dived on her food. It looked like her nap awhile ago made her hungry. I saw a grin in Tita Nang's face. It always gratifies her seeing people love her food. After eating her desserts, Rose asked me: "Ano ang ipapakita mo sa akin?"

Scripted RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon