抖阴社区

                                    

"Ito naman," sabi ni Lenny na sinasara na ang bag niya. "As if naman ang kitid ng tatakbuhan natin dito."

Pagkasara ni Lenny ng compartment niya, nilagay ko na ang earphones ko sa aking magkabilang tenga. Sinuksok ko ang dulo sa aking iPod Touch at siyempre, naghanap na ako ng kanta na pang-workout.

Nang mag-play na ang kantang "Titanium" ni David Guetta, nagsimula na akong maglakad para magsimula. Unti-unti, binilisan ko ang aking pacing hanggang sa nakuha ang momentum para makapag-jog. Saktong sumunod ang kantang "Eye of the Tiger", pang-jogging spree talaga.

Pagkatapos ng aking unang ikot sa High Street, nakaramdam ako ng pananakit ng paa. Since, hindi ako puwedeng huminto, naglakad muna ako ulit. Tiningnan ko ang aking paa habang naglalakad. Napansin kong masakita na kaagad ang aking paa kahit na nakakaisang ikot pa lang ako. Pinakiramdaman ko ang suot kong rubber shoes. Maayos naman iyon. Pero bakit ang sakit?

Nang napansin kong napapatagal na ang aking paglalakad, nag-jogging ulit ako. Sa kalagitnaan ng aking pangtatlong ikot, nagulat ako nang biglang tumugtog ang kaisa-isang kantang gustong-gusto ko, ngunit ayaw na ayaw ko nang mapakinggan ngayon dahil kay Erik: "Power of Two".

Gusto ko sanang tumigil sa pagtakbo nang mapakinggan ko ang unang stanza ng kanta. Pero pinipigilan ako ng aking katawan. Magulat ka lang sa pinapakinggan mo pero huwag kang hihinto, sabi sa ng isip ko. Ililipat ko na sana sa susunod na kanta pero pinipigilan ng aking kanang kamay ang aking kaliwang kamay. Huwag mong ilipat ng kanta, dapat kayanin mo, sabi ng kanang kamay ko sa kaliwa kong kamay.

Sa 'di malamang dahilan, bumalik sa isip ko ang araw na dinala ako ni Erik sa Nuvali at Tagaytay habang patuloy na tumugtog ang kanta.

"Well, napapasaya mo ako ngayon, Mr. Dela Rosa." Sabi ko sa kanya.

"Talaga?" Tanong niya sa akin. Halos magkalapit na ang mga mukha namin.

"Talaga!" Sabay pisil ko sa matangos niyang ilong.

Napatawa siya sa ginawa ko. "I'm not a ten-year old!"

"Ang cute mo kasi!" Bulalas ko sa kanya. Nakaakbay pa rin siya sa akin.

Sumunod na nagpakita sa aking isip ko ay noong nasa hospital kami ni Erik matapos maaksidente si Alex.

"Alam mo? Halata ka na." Sabi ko kay Erik habang nakapikit ang mga mata ko. "Kanina ko lang napagtanto na nagseselos ka."

"What? I am not jealous," defensive na sagot ni Erik.

"Talaga?"

"Yes!"

Ngumisi ako. "Pwede bang umamin ka na lang, Erik? Ikaw rin ang mahihirapan."

Matagal na hindi sumagot si Erik. Mukhang nag-isip.

"Sige," sagot ni Erik sa akin. "I am jealous. There, I said it."

Hindi ako sumagot ngunit napangiti ako. Dali kong inalis ang ngiti ko baka mahalata niyang gising pa ako.

Sunod na naalala ko iyong sinayaw niya ako sa kasal ni Ate Coreen.

Binitawan niya ang aking kamay. Hinawakan ang gold padlock gamit ang dalawa niyang kamay at pinakita niya iyon sa akin. May nakaukit doon na pulang kalahating puso.

"You see this? This is just a padlock," sabi sa akin ni Erik. "You'll find there everything I said to you tonight."

Kinuha niya ang kanang kamay ko at ipinatong doon ang gold padlock na may kalahating puso na nakaukit. Hinawakan ko ito at binaligtad. Naroon nga ang mga salitang sinabi sa akin ni Erik ngayong gabi. Pero may nakasulat din doon na mga salitang hindi niya sinabi: You are the other half of my heart.

Scripted RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon