"No, he's not," sagot ni Tita Evangeline. Tingnan mo ito! Nasaan ka, Erik Dela Rosa?! "He wanted to have one more week vacation. He got tired there, I guess, and wanted to adjust with the present climate of Manila."
"Sinabi po ba niya kung saan siya pupunta sakali?"
There was a sense of concern in her eyes.
"He won't tell," sagot niya. "I respect that because I just wanted him to have it his way."
Wala na akong masabi. Basta, ang naiisip ko lang kasi ngayon, hindi nagsabi sa akin si Erik. Hindi man lang nagawang pagsabihan na uuwi na siya.
"Sige po, Tita," sabi ko. "I'll go ahead na po. Thank you for the information."
"Mag-ingat ka, iha. Huwag kang mag-alala. Magkikita kayo ni Erik within the week."
Ngumiti na lang ako kay Tita Evangeline saka ako lumakad papunta ng elevator. Ang dami kong naaisip at that moment. ANONG KLASENG BOYFRIEND NAMAN ITONG SI ERIK? Hindi nagpapasabi, wala man lang pasabi. Anong gusto niyang mangyari? Maghintay lang nang maghintay sa kanya? Hindi naman kaya magmukha akong tanga na naghihintay sa kanya? Kahit isang text lang o kaya isang postal mail man lang. Mahirap bang sabihin na 'nakauwi na ako, Gorgie'?
Pagkalabas ko ng elevator, sinubukan kong tawagan ang number ni Erik. Nagri-ring ito. Ring lang nang ring. Ring pa more! Hanggang sa may sumagot:
The number you dialed is either unattended or out of coverage area. Please try your call later.
Dial ulit ako. SAGUTIN MO! Alam kong natatanggap mo ito.
The number you dialed is either unattended or out of coverage-
Nakailang beses din akong tumawag sa kanya pero hindi niya ito sinasagot. Sinubukan kong maging sweet muna sa kanya sa text. Baka sakali sa paraang ito, sumagot siya.
Sammy! Ikaw talaga. Hindi mo man lang sinabi na nakauwi ka na. Where are you? I want to see you. Lots love! Xoxo
Nag-send ang message pero thirty minutes na, wala pa rin reply. So, I made a text again.
Sammy, where are you? J
Fifteen minutes passed, no reply.
Sammy? K
Ten minutes passed, no reply.
Erik? (Wala nang emoji)
Five minutes-
Lintik naman itong si Erik! Kahit sa text, hindi sumasagot. Nakakasar!
Hanggang nakauwi ako sa bahay, nakasimangot ako. Nag-kiss lang muna ako kay Mommy at Daddy bago ako dumiretso sa kuwarto. Hindi ko na lang muna sinagot ang tanong nila kung kumusta na daw si Erik. Ano naman kasi isasagot ko kung ayaw din niyang sagutin ang mga tawag at text ko?
Kinuha ko kaagad ang iPad ko. Tiningnan ko ang Facebook profile niya, walang new updates. Sa Twitter, wala rin. Sa Instagram, yung picture pa niya na nasa Empire State Building pa siya ang huling upload. Sa Viber, Skype, WhatsApp at Facebook Messenger, wala kung hindi 'Seen'. PURO WALA! Ibabato ko na sana ang iPad ko sa pagkainis nang maalala kong iPad pala iyon.
I leaned myself sa bed. Binuksan ko ang laptop ko para ilabas na lamang sa pagsusulat ng story ko ang inis ko ngayong araw. Bahala na muna si Erik. Kung may malasakit siya sa pag-aalala ko, dapat maisip niya man lang na tawagan ako.
Sa gitna ng aking kainisan, biglang nag-ring ang cellphone ko. Hindi ako magkanda-ugaga at dali-dali kong kinuha ito mula sa study table ko. Muntik pa ngang sumubsob ang mukha ko sa sahig. AT LAST, ERIK DELA ROSA MADE CONTACT NA!

BINABASA MO ANG
Scripted Relationship
RandomGusto ni Rosalinda Mercedes Mendoza a.k.a. Rose na maging isang scriptwriter para sa pelikula. Kaya nagpasya siyang magsulat ng isang romantic love story as a start. Ngunit, may isa siyang problema: Never pa siyang nagkaroon ng boyfriend! Paano siya...
Chapter 35
Magsimula sa umpisa