抖阴社区

                                    

Pero, nadismaya ako nang makita ko kung sino ang tumatawag. Akala ko si Erik. Si Alex pala.

"Alex," I coldly answered after accepting the call.

"O. Parang pang-All Saints' Day ata ang mood mo," sabi ni Alex sa akin na medyo nanloloko pa. "What happened?"

"Nothing, Alex," I replied for the sake of replying. "Bakit ka napatawag?"

"Kukumustahin lang sana kita. Eh, mukhang hindi ka naman masaya na tumawag ako," sabi ni Erik sa akin na parang bata. Napangiti na lang tuloy ako nang marinig ko iyon.

"Magtigil ka nga, Mr. Gregorio," sagot ko sa kanya. "Hindi naman sa ganun. Naiinis lang kasi ako kay Erik."

"Wow! That's news," sabi ni Erik saka siya napatawa sa kabilang linya. "Ano naman ang kinainisan mo?"

Kinuwento ko kay Alex ang mga nangyari ngayong araw. Sinabi ko sa kanya na hindi man lang nagsabi sa akin si Erik na nakauwi na pala siya. Pati yung mga effort ko to contact him, kinuwento ko. Thankful lang talaga ako kasi tumawag siya at nailabas ko ang lahat ng inis.

"Tapos ka na? That's it?" Tanong niya sa akin nang tinapos ko na ang kuwento ko.

"Yes," sagot ko.

Mga ilang segundong nanahimik si Alex. Nag-iisip siguro ito saka ito nagtanong ulit: "Hindi mo alam kung nasaan siya?"

"Yes."

"Wala ba kayong pinuntahan dati?"

"Marami. Alangan namang puntahan ko lahat yun."

"Yeah, it makes sense. Pero sa mga pinuntahan niyo, alin din yung pinaka-importante sa inyong dalawa."

Nag-isip ako at nagtaka sa line of questioning ni Alex.

"Sandali, bakit mo naman tinatanong?" Tanong ko kay Alex with one eyebrows raised.

"Hypothesis ko lang ito ha," disclaimer ni Alex saka siya nagpatuloy. "Kaya siguro hindi ka sinabihan ni Erik dahil may kailangan siyang isipin, pagtuunan ng pansin o kaya gawin nang sa sarili lang muna niya. Maybe, after meeting her lola here in the US, he needed a place where he can contemplate on things. To think on things out."

"Think about what, Alex? Our relationship?"

"Kayo kaagad? Hindi pwedeng career niya?" Pabirong tanong sa akin ni Alex. Napa-pout tuloy ako sa kanya. "You're so cute when you do that," dagdag niya.

"Anyway, what do you think Erik needs to contemplate?" I asked him.

"I don't know. But one thing is for sure. Yung lugar na pinuntahan niya, mahalaga sa kanya. Ito yung palagi niyang binabalikan o pinupuntahan whenever he needs time for himself. 抖阴社区r siya, di ba? 抖阴社区rs need at least one 'special' place where they can reflect. For sure, ginamit niya rin ang lugar na iyon sa mga nasulat niyang literary works."

Napatigil ako bigla at napaisip. Inisip ko kung saan ang lugar na ito na puwede niyang puntahan based sa mga sinabi ni Alex. Ano na nga ba nasulat ni Erik? DING! Isa lang naman ang ginawa niya kaya: Accidentally In Love.

"Alex, tawag ka na lang ulit mamaya ha. May papanoorin lang, okay? Sige, thanks! Bye!" Hindi ko na inintindi yung mga sinasabi ni Alex kasi mabilis akong pumunta sa aking koleksyon ng mga DVDs. Hinanap ko ang kopya ko ng Accidentally In Love.

"Nasaan na ba iyon?" Bulong ko sa sarili ko.

Ayun! Nakalagay pala sa pinaka-ibaba. Kinuha ko ito at pinasok ko kaagad ang DVD sa drive ng laptop ko. Pakiramdam ko ngayon, parang detective story lang. Yung tipong hahanap ka ng mga clues to solve a mystery. Ngayon, makikita ko ang clues to find Mr. Dela Rosa sa movie na sinulat niya mismo.

I watched the movie again. As usual, itong John Lloyd-Bea movie na ito ang isa kung hindi ang pinakamagandang romantic movie na napanood ko. Kakaiba kasi ang kuwento nito, parang One More Chance. Pero there's no time for these critical comments. Kailangan kong tingnan maigi kung ano ang lugar na hinihanap ko mula sa kuwento.

Nang matapos ko ang pelikula, nakalista ako ng mga tatlong lugar na mahalaga sa movie: Manila, Pampanga (may isang scene kasi sa movie na pumunta sila sa Parol Festival ni John Lloyd at Bea), at Pangasinan. Sa Pangasinan, parang limang beses na ginamit sa movie. Actually, kahit yung ending, doon naganap. Nag-isip ako nang nag-isip.

DING! Bakit hindi ko na-realize ito? Bakit ngayon lang? Sure na sure akong doon siya pupunta kung ang pag-uusap naming ni Alex ang pagbabasehan. Ano ba ang pinaka-important lugar sa Accidentally In Love? Kung saan nagtapat ang character ni John Lloyd ng tunay nitong nararamdaman sa character ni Bea? Ano ba ang imprtansya ng lugar na ito sa buhay namin ni Erik? Saan pa ba nagtapat si Erik na mahal niya ako?

PANGASINAN! For sure, ito ang pinaka-importanteng lugar para kay Erik.

Scripted RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon