抖阴社区

                                    

Finally, dumating na ako sa tapat ng rest house nina Erik. Bumaba ako ng kotse at lumapit sa akin si Gardo mula sa garden.

“Sino po sila?” Tanong ni Gardo habang papalakad sa akin.

“Ako ito, Gardo. Si Rose.” Pangiting sagot sa kanya.

“Ay Miss Rose! Ikaw pala iyan. Halika po sa loob.” Alok sa akin ni Gardo. Tapos, pumasok siya sa loob at sumigaw: “Manang, nandito si Miss Rose!”

Lumakad na rin ako papasok ng rest house. Pagkarating ko sa receiving area ng rest house, lumabas mula sa kusina si Tita Nang.

“Rosalinda!” Bungad sa akin ni Tita Nang. Lumakad siya sa akin at niyakap ako.

“Magandang hapon po, Tita Nang,” pagbati ko sa kanya.

“Anong nagdala sa iyo dito?” Tanong niya sa akin.

“Si Erik po,” pangiting sagot ko sa kanya. “Hindi po niya alam na nandito ako. Nandiyan po ba siya?”

Biglang nawala ang ngiti ni Tita Nang at napalitan ito nang pag-aalala. Sa isip ko, anong meron?

“Naroon siya sa hardin. Sa puno.”

Ngumiti ako kay Tita Nang. “Sige po, puntahan ko na lang po siya.”

Palakad na ako papuntang hardin nang bigla akong hawakan ni Tita Nang sa kamay. May pag-aalala talaga ang nasa mukha niya. Tipong sinasabi sa akin na mag-ingat ka. Unti-unti niyang binatawan ang kamay ko at sinabi sa akin:

“Maintindihan mo sana siya.”

HUH? Saan galing yon? Maintindihan ko sana siya? Nagtaka ako sa sinabi ni Tita Nang. Tatanungin ko sana kung bakit niya nasabi iyon pero umalis na siya at bumalik sa kusina. Anong ibig kayang sabihin ni Tita Nang?

Lumakad na ako patungo sa garden kung nasaan ang puno ng Lola at Lolo ni Erik. Hindi ko na ipinagtaka pa ang nag-iisang taong na roon. Nakaupo sa harap ng puno na may katabing isang case ng San Mig Light ang aking boyfriend, ang aking mahal, si Sammy. Si Erik. Nakatingala lang sa puno habang umiinom ng isang boteng beer. Ano naman ang nangyari sa iyo, Erik? Bakit ka na naman umiinom?

Lumapit ako sa likuran niya. Hindi man lang niya napansin ang pagkarating ko. Instead of sitting beside him, umupo ako sa likuran niya.

“Hindi ka man lang nagpasabi na gusto mo ulit makita ang puno ng lola at lolo mo,” sabi ko kay Erik. Napansin kong napatigil siya sa pag-inom ng beer.

Lumingon siya sa akin. Namumula ang kanyang mga mata. Hindi naman ganoon ka-wasted pero halatang-halata ang pamumula ng mga mata niya. Naawa ako sa itsura niya kaya lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kanyang pisngi.

“Bakit ganyan ang itsura mo?” Tanong ko sa kanya. “Anong nangyari?”

Ngumiti lang sa akin si Erik sabay inom ng beer na hawak niya. Inubos na niya para maitabi sa case.

“Nothing,” sagot ni Erik. Nakangiti pa rin. “Nothing at all.”

“Pinag-aalala mo ako, Erik. Hindi ko na tatanungin sa iyo kung bakit hindi mo man lang ako kinausap for two weeks or kung bakit di mo ako sinabihan na nakauwi ka na. Pero sabihin mo sa akin, bakit ka nagkakaganito?”

Niyakap ko siya nang mahigpit. Ang lahat ng inis ko, ang lahat ng galit ko sa hindi niya pagkausap sa akin, nawala dahil napagtanto ko nang mga sandaling iyon na may dinaramdam na anamn ang aking Sammy. Napapikit ako ng mata habang yakap siya. Napansin ko lang na hindi naman niya ako niyakap pabalik.

Bumitaw ako sa pagkakayakap at tumingin ulit sa kanya. Nakangiti lang siya ulit. Naka-drugs ka ba, Erik? Isip-isip ko. Napangiti na lang ako sa kanya.

Scripted RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon