“Sige, hindi kita pipilitin na sabihin sa akin kung anong gumugulo sa isip mo. Papasayahin muna kita. Iyon naman ang mahalaga, di ba?”
Tumango si Erik habang nakangiti pa rin. Napangiti ako sa kanya. Para kasi siyang bata kahit nakainom. Kinuha ko ang supot ng wasabi mula sa paper bag.
“Alam mo ba ito, Sammy?” Tanong ko sa kanya habang pinakita ko ang supot ng wasabi. Tumango lang ulit si Erik. Hindi sumagot.
“Let’s play ‘I Have Never’!” Sigaw ko sabay tawa. “Nga lang, medyo iibahin natin ang game. Instead na ‘I Have Never’, gagawin nating ‘I Will Never’. Ang pinag-kaiba lang, ang bagay na sasabihin natin ay ang bagay na hindi natin gagawin. Kapag ang bagay na iyon ay nagawa na natin, kakain tayo ng wasabi. Gets?”
Again, tumango ulit si Sammy ko. Okay? I understand naman. Nandito ako to cheer him up.
“Ready ka na ba?” Tanong ko kay Erik habang hinanda ko na ang supot ng wasabi. Tumango lang ulit si Erik. “ Sige, mauna na ako. ‘I will never eat sundot-kulangot’.”
Lumapit si Erik para kumuha ng wasabi mula sa supot at kinain niya. Dahan-dahn niyang nginuya ito saka uminom ng bagong bukas na beer. Walang tubig nga pala! Ngayon ko lang naalala. Anyway, nilabas ni Erik ang dila niya para patunayang naubos na niya ang wasabi. Napatawa ako. Para siya talagang bata.
“Ewan ko, pero hindi ako kakain nun. Pangit ng pangalan eh.” Napatawa ako bigla. Si Erik, ngiti lang. “Ikaw naman, Sammy.”
Napayuko muna sandali si Erik bago siya nagsalita for the first time simula nang magkita kami ulit.
“I will never smoke.”
Niyakap ko siya ulit. Natuwa ako dahil narinig ko ulit ang boses niya. “I miss your voice. Sobra.”
Walang imik si Erik. Hindi din niya ako niyakap pabalik pero okay lang. Mahalagang na-express ko sa kanya ang nararamdaman ko.
“At dahil naninigarilyo ako, I shall eat.” Sabi ko sa kanya na parang isang royalty. Sa sobrang anghang, kinuha ko ang hawak na beer ni Erik at uminom din nito. Uhm. Hindi ko ma-determine yung lasa. Haha! “Ako naman ulit.”
Nag-isip muna ako para sa susunod kong tanong. And then, it came to me.
“I will never be going to New York.” May nakakalokong-smile pa pagkasabi ko.
As expected, kumain si Erik ng wasabi. Natural! Kakagaling lang niya doon. Paglunok niya nang wasabi, mabilis na sinabi ni Erik na nawala na ang ngiti at napalitan ng isang malungkot na itsura.
“I will never be a good boyfriend,” sabi niya.
Nagtaka ako ng bahagya pero nag-isip ako ng positive. Ang goal ko ay mapasaya si Erik kaya there’s no room for any negative vibes. Ngumiti ako sa harapan niya. Napatingin lang siya sa akin, maybe expecting me to eat wasabi. Malungkot pa rin ang itsura ng mukha niya.
“Hindi ako magiging ‘good’ lang,” sabi ko sa kanya saka ko hinawakan ang mga pisngi niya. “I am and will always be your one and the ‘best’ girlfriend.”
Idinikit ko ang aking noo sa kanyang noo at napapikit. Naalala ko noong una kong ginawa ito sa kanya. Halos ganito rin ang itsura, malungkot. Pagkadilat ko ng aking mga mata, nakita kong may tumulong luha sa kaliwang mata niya.
“O, bakit ka umiiyak?” Tanong ko sa kanya habang pinunasan ko ang luhang tumulo.
“Let’s just continue. Your turn.” Malamig na sagot niya sa akin pero ngumiti siya ng bahagya.
“Okay. Ito na ang akin,” sabi ko. Alam ko na ang isusunod sa sinabi ni Erik. “I will never replace you for all of my life.” Nakangiti ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Scripted Relationship
RandomGusto ni Rosalinda Mercedes Mendoza a.k.a. Rose na maging isang scriptwriter para sa pelikula. Kaya nagpasya siyang magsulat ng isang romantic love story as a start. Ngunit, may isa siyang problema: Never pa siyang nagkaroon ng boyfriend! Paano siya...
Chapter 36
Magsimula sa umpisa
