Princess
TREVOR'S POV
Agad kong binuhat na parang bagong kasal si Shannen matapos kong marinig ang kanyang paghihikbi at daing nito dahil malapit na siyang manganak.
"Ah! Di ko na talaga kaya! Gusto ko nang lumabas 'tong baby ko sa tiyan ko!" Sumbong niya sa akin. I only sighed and kissed her forehead as I muttered some motivational words for her not to stress out too much.
"Baby, konting tiis na lang. Malapit na nating makasama ang baby natin." Pag-aalo ko naman sa kanya bilang suporta. Kaagad ko namang binuksan ang aking cellphone, tanda na may nagtext sa akin.From: Seth Carson Kim
Message: Bro, on the way na kami nina Landon diyan. Daan lang kami sa Jollibee saglit. May ipapaorder ka ba?This is what I love about this guy. Sobrang considerate niya sa kahit anong bagay. Laking pasasalamat ko at willing naman silang tumulong sa panahon ng kagipitan. Yung tipong gustong-gusto ko nang bumitaw ngunit di ko ginawa dahil may asawa't anak akong naghihintay para sa akin.
Just as I was about to reply his message ay saktong dumating ang doctor na mag-aassist para kay Shannen.
"Sir, I need your company. Kindly hold your wife's hand for support."
Baby, konting tiis na lang, makakasama na natin yung princess natin."Push!"
"AAAA!"After long hours of waiting, I heard a loud cry coming from our child. And yes, Shannen and I welcomed our baby girl. Loud cheers and yells naman ang natanggap namin mula sa hospital staffs.
"CONGRATULATIONS MR. AND MRS. BELLEZA! Ang cute cute po ng baby niyo." Saad naman ng mga ito. Agad ko silang nginitian at panay ang pakikipagkamay ko sa mga ito bilang pasasalamat.
Nakita ko ang pagod at hirap mula sa asawa ko. Agad ko namang binanggit ang kanyang pangalan na naka-italicizedTinsley Lilith Dela Paz Belleza
Ang arte ko rin magpangalan eh. Kala mo naman kung sino na. Matapos kong i-fill up ang buong information ay agad sumalubong sa akin ang mga kaibigan ko pati na ang mga asawa't girlfriends nito.
"Angas naman ng name ng baby niyo! Halatang warrior princess ang datingan ah!" Bungad ni Kaisen sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya bilang tugon sa kanyang mga daing.
"Wow! Di ako informed na pagandahan pala ito ng pangalan! Baby! Wag tayong papatalo!" Rinig kong sabi ni Vladimir kay Elysse na ikinatawa lamang nito.
Pati ba naman girlfriend niya, idadamay sa mga kalokohan niya.Siraulo.
"Grabe naman yung mga pangalan ng mga anak natin, unang tingin palang halatang angst na ang galawan." Hirit naman ni Landon. Siraulo din itong isang ito. Napatawa na lang ako sa sinabi nito.
"Siraulo! Anong angst ka diyan? Kakacellphone mo yan!" Asik ko sa kanya. Napatawa na lang ang buong squad dahil na rin sa sinabi nito.
Maya-maya pa ay dumating na rin si Seth kasama si Dahlia."Hala! Ang cute ng baby nila!" Comment naman ni Dahlia na ikinatuwa naman ni Seth. Agad niyang niyakap ang kanyang asawa saka hinalikan sa ulo.
"Pre naman! Respeto naman sa mga di pamilyado oh!" Sambit naman ni Kaisen na ikinatawa naman namin.
Tumawa naman si Seth dito. "Eh kung yayain mo na rin kaya si Yiara para pakasalan ka na? Bitter ka lang eh."Napasimangot naman si Kaisen sa sinabi nito. Bitter ka naman pala lods eh! Bat di mo naman sinabi na bitter ka pala?
"Wag muna. Ayokong i-pressure si Yiara sa mga ganyan. I want her to pursue her dreams first." Sabi ni Kaisen sa amin.
Kung sabagay, bakit naman namin ipipilit yung mga bagay na hindi pa pwede? That's up to them anyway at wala na kaming say sa kung anong desisyon ang meron sila.
Maya-maya pa ay agad inilagay sa incubator ang prinsesa namin. Namangha ako sa facial features nito dahil ang ganda ganda niya talaga. Halatang marami siyang papaiyakin na lalake in the near future pag nagkataon!"Ang ganda naman ng anak niyo pre! Pwedeng pa-arbor?" Asar naman sa akin ni Vladimir na ikinatawa namin. Kahit kailan talaga itong lalakeng ito, puro na lang kalokohan ang nasa isip.
"Gago! Anong arbor ka diyan? Di naman damit anak niya para arborin mo, siraulo!" Asik sa kanya ni Seth. Muling napuno ng tawanan ang hospital. Sa sobrang kaingayan nila, baka sipain kami palabas.
"Seth, may balak pa ba kayong mag-plus one ulit sa family?" Landon asked him. Teka, nawiwili atang sundan nito yung babies nila ni Carmille ah. Ano? Walang kapaguran?
"Depende kay Lia. It's up to her. I don't have a say on that since that's her choice to begin with. Di ko naman katawan yun para diktahan siya sa gusto niya." Sagot naman ni Seth. Ang green flag talaga ng isang ito. Kaya naman mas naging magaan ang tingin ko dito. Sobrang positive sa life.
I love it when men consider women's choices and feelings. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit ko siya nagustuhan bilang tropa ko.
"Seth's right Landon. Hayaan mo na sila if yun na yung desisyon nila. Saka di naman lahat pare-pareho ng opinyon about diyan. May mga iba na kuntento na sa isang anak lang, madalas nga wala pa eh." Dagdag naman ni Blake. This is what I love about my friends, sobrang matured nilang mag-isip tungkol sa mga ganitong usapan. Di halata sa mga ichura nila na minsan na rin silang naging barumbado sa lagay na yan ha. Infairness."Anyways! Welcome to parenthood bro!" Anunsyo naman nila sa akin na malugod kong tinanggap. Ilang taon ko na rin itong pinangarap para sa amin ni Shannen. I never thought that my dreams like these would exist in reality.
I love my friends. Kahit mga gago sila minsan, they will be always a part of my family and so is my wife's friends.
"Congratulations po Tito Trev!" Pagbati naman sa akin ni Sophie at Larisse. Ang cucute talaga ng dalawang ito. Sophie's facial features are more into her dad's Korean roots while Larisse's facial features are more into American ones."Hep hep hep! Wag kang kumuha ng idea sa mga anak namin ha! Give your child her own identity." Sirit naman ni Landon. Ang defensive nitong lalakeng ito. Porket kamukha niya lang si Jin eh.
"Oo na! Di na!" Laban ko. And speaking of which, dumating nga si Jin kasama ang anim.
"Uy!!! Add to cart na agad si inaanak!" Hirit naman ni Jimin. Parang ulupong itong isang ito eh. Anong add to cart? Wag mong gawing business ang anak ko, Cherifer!
"Anong add to cart ka diyan Jimin? Problemahin mo muna yung height mo kung kailan madadagdagan yan ng ilang centimeter!" Pambabasag trip naman ni Hoseok.
Agad umalma si Jimin.
"Anak ng–" Agad akong lumingon sa kanyang gawi saka pinanlisikan ito ng mata. Kitang may mga bata dito eh.
"Anak ng ano, Jimin?" Namjoon interfered. Jimin just shut himself up saka nag-peace sign. Ayan, takot rin palang mapagalitan eh.
"Tama na yan guys! Buti pa kumain na tayo at wag paghintayin ang grasya." Yoongi says saka kumuha ng fries at burger.Oo nga naman kasi, wag paghintayin ang grasya. Muli akong napasulyap sa gawi ni Shannen na mahimbing paring natutulog. Nakakawa naman. Wala pa siyang kain buhat ng manganak siya. Grabe rin pala ang pinagdaanan niya. Hindi biro manganak ng ganun ganun lang after nine months. I feel bad and sorry for her at the same time kasi halos siya ang nagdala, nagbuntis at nanganak.
While me? I only helped her in our love making – not to mention our fuckings included*Kaya naiintindihan ko na kung bakit nagkakaroon sila ng postpartum depression after ang mga babae after they give birth. Nakakapagod nga naman kasi yun.
Kaya di ko rin masisisi ang iba sa social media na ang mga ambag lang mga lalake ay ang aming sperm - which is totoo naman kasi.
Muli kong sinulyapan ang asawa ko. Sobrang pagod ito at halos himatayin na siya pagkatapos manganak. Now I understand when my Mom once told me na kalahati ng kanilang paa ay nasa hukay na. And I'm very thankful for that useful information.
As for me? I'm going to spoil our princess with so much love. I may not be the perfect Dad that I hoped to be, but i'll try my best to be a good father and husband for the both of them until my very last breath.

YOU ARE READING
Broken Strings | REVAMPED
RomanceShannen Larisse Umali Dela Paz' life is far from perfect. She might have a good set of academic grades, perfect marks but still, her own family didn't even get to support her dream to become a successful musician dahil lang sa kanyang desisyon - ang...