抖阴社区

Kabanata 4

141 13 0
                                    

Matapos ang concert, sumakay na ang magkaibigan sa loob ng kotse. Pero napansin ni Kajika ang pagtahamik ni Mira habang nagmamaneho.











"Kung sino man ang lalakeng iyon na crush mo, bakit parang hindi ka masaya na nakita mo na ulit siya kanina?"  











Saglit na napatingin sa kanya si Mira at nagpokus na muli sa daan.










"Masaya ako.. huwag kang mag-alala. Sumakit lang kasi ang lalamunan ko sa kasisigaw sa kanila."    Maikli niyang sagot.










"Kung gusto mo, sa'yo na lang itong damit na hinagis ng lalake kanina."









"Hindi. Ikaw ang nakasalo ng damit na iyan kaya sa'yo iyan. Isipin mo na lang na parang souvenir iyan sa pagpunta mo sa concert nila."








Itinaas ni Kajika ang damit at hanggang ngayon ay naaamoy pa rin niya ang mabangong amoy nito na marahil nagmula sa pabango na gamit ng may-ari ng damit na iyon.










Nang italikod niya ang damit, nakita niya ang pangalang nakasulat doon.









"Jinnian"










Binasa lang niya ang pangalan sa may kahinaang boses kaya halos hindi narinig iyon ni Mira. Pagkabasa sa pangalan ay inilagay na niya ang damit sa loob ng kanyang bag.



____


Alas - otso na ng umaga nagising si Kajika. Nang tingnan niya ang kanyang cellphone, nakita niya ang maraming text mula sa isang assistant ng isang sikat na singer. Kaya matapos makapag-ayos ng sarili, saka lang niya ito tinawagan.









"Okay na. Natapos ko na ang apat pero 'yung dalawa hindi pa. I - submit ko na lang iyon diyan sa opisina nyo kapag nakagawa na ulit ako..."





"...okay, sige. Gagawin ko ang makakaya ko. Tawagan mo na lang din ako kapag may libre siyang oras para mapag-usapan namin ang tungkol doon sa kanta."






"..okay, okay."







At ibinaba niya ang cellphone sa kanyang study table. Sa tabi, napansin niya ang bag na ginamit niya noong pumunta siya sa concert at inilabas ang damit para pagmasdan ulit ito. Pagkatapos, inilagay na niya ito sa loob ng kanyang malaking cabinet, sa isang side na doon ay ito lamang ang nakalagay.


____


Nang sumunod na araw ay pumunta siya kay Mr. Fan, isang sikat na singer para ipakita dito ang mga lirikong ginawa niya. Hindi pa nagtatagal ang kanilang usapan, isang tawag ang dumating kay Mr. Fan.











At habang nakikipag-usap sa telepono, ilang beses siyang napatingin kay Kajika na noo'y tahimik lang na nakaupo sa komportableng sofa.









"Ms. Kajika, salamat sa papunta mo pero sa sunod na lang ulit tayo mag-usap .. mayroon lang akong importanteng bisita na dumating.. At tungkol nga pala sa kontrata, um.. tatawagan na lang kita kapag may libre akong oras para pag-usapan ang tungkol doon."










Matapos makasakay ng elevator, nakita niya sa labas ang isang grupo ng mga gwardiya at isang medyo maedad ng lalake na kausap ang isang director ng mga sikat na pelikula. Pero hindi na niya iyon gaanong pinansin kaya dumiretso lang siya sa paglakad palabas ng building.









Mga ilang hakbang na lang papunta sa may exit nang biglang may nangibabaw na boses ang narinig niya at tinatawag nito ang kanyang pangalan.










"Ms. Kajika?"










Nang lumingon siya para alamin kung sino ang tumawag sa kanya, nakita niya ang lalake na marahil ang boss ng mga gwardiyang naroon, ay papalapit na sa kanya.









Inalis nito ang suot na sumbrero at bumati ng 'magandang araw'.








"Mr. Han?!"







Sabi niya na parang nabigla sa taong nakita.


The Song 抖阴社区r (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon