抖阴社区

Kabanata 100

23 9 1
                                    



"Salamat sa pagkain.."     sabay-sabay na sabi ng ilan sa grupo kay Kajika at Mira bago nag-alisan papunta sa kanya-kanyang kwarto. Matapos naman kumain ang dalawang babae, umakyat na rin sila sa taas.











Pinili ni Mira na matulog na lang sa kwarto ni Kajika. At habang naglalakad, isa-isang sinabi ni Kajika kay Mira ang bawat may-ari ng kwartong nadadaanan nila.       "Saan 'yung kay Jinnian?"











"Ah, sa pinakadulo 'yung sa kanya.."     maikling sagot ni Kajika. Bago matulog ay nagkwentuhan muna silang dalawa. Bukambibig lagi ni Mira si Jinnian at kung anu-ano ang mga tinatanong niya kay Kajika. Sa mga tanong ni Mira, kaunting sagot lang ang binibigay niya.











"Bagong member na nila 'yung Saito? Mukhang artista ang mukha niya at halos kasing gwapo siya ng ilang member, pero syempre para sa'ken pinakagwapo pa rin si Jinnian."       sabi ni Mira habang nilalagyan siya ni Kajika ng facial mask sa mukha.











"Hindi, hindi siya kasama sa mga 'yun. Pamangkin siya ni Mr. Han at saka business man 'yun, nagbabakasyon lang siya dito."   paliwanag niya.











"Grabe ka girl, paano mo nakakayanang tumira dito kasama ng mga gwapong lalake. Haay... kung ako ikaw, baka himatayin ako lagi sa kagwapuhan nila at baka kung ano na rin ang nagawa ko sa mga 'yun."      biro niya.











"Haaay..  sira ka talaga."


__






"Inilagay ko na sa card mo 'yung perang ibibigay ko sa'yo. Alam mo, nakausap ko kahapon si Mr. Kang.. ikinuwento ko sa kanya na ikaw ang gumawa sa ilang mga kanta ng G-PX at parang gusto ka daw niyang agawin sa'ken.."      natatawa pa nitong sabi.       "Sa tingin ko, pwede na kitang bigyan ng mabibigat na assignment."











Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Kajika na parang hindi narinig ang sinabi.    "Mabigat na.. assignment?"











"Saka ko na ipapaliwanag iyon sa'yo. Sa ngayon, pahinga muna ang G-PX at ibang mga trabaho 'yung gagawin nila kaya malaya kang gawin ngayon kung anong gusto mo. Kung gusto mong umuwi sa inyo, pwede rin pero hindi ka pwedeng magtagal."










Dahil nasa mansion si Mira, nagdesisyon siyang mag-stay na lamang sa mansion. Samantala, nagising na si Mira at bago lumabas ng kwarto ay nag-ayos muna ng sarili.











Sumilip siya sa magkabila bago lumabas ng kwarto.   "Wow, ang ganda at ang laki talaga ng mansion na 'to. Tapos mala-prinsipe ang mga tumitira dito, haay.. grabe talaga."      bulong niya habang naglalakad papunta sa dulo at pinagmamasdan ang mga muwebles at paintings sa wall.











Bumukas ang pinto ng kwarto ni Roy Xin at kaagad siyang napasandal sa pader. Lumabas si Roy Xin na kagigising din lang at hindi siya nito napansin kaya nagulat ito ng bumati siya. Napangiti si Mira nang makita ang nagulat na ekspresyon ni Roy Xin.    "Ano bang ginagawa mo at nakasandal ka diyan? Grabe, ginulat mo ako."     sabi nito.











"P-Pasensya na po. Akala ko kasi kita mo ako eh."       natatawa niyang sabi.    "Ang gwapo talaga nila kahit bagong gising."    sabi niya pagkaalis ni Roy Xin. Hahakbang na sana si Mira nang makita si CB na lumabas ng kwarto nito. Naglalagay pa ito ng earphone sa tenga bago isinara ang pinto.











Naroon pa rin siya sa kanyang kintatayuan nang makita siya ni CB.      "Kagigising mo lang ba?"











"Oo kagigising ko lang. May.. pupuntahan po ba kayo?"      nakangiti niyang tanong.










"Oo ako lang. Sige, alis muna ako."      mabilis nitong sabi sabay alis.    "Haay, hindi talaga ako makapaniwalang kasama ko sila. Tuwing umaga lagi ko na silang makikita ngayon.. Dream come true talaga!"     Pero natigilan siya nang makita ang isang babaeng dumadating. Ngumiti lang ito sa kanya at nanlaki ang mga mata niya nang makitang dumiretso ito sa kwarto ni Jinnian.    "Sino naman kaya ang babaeng 'yun?"     naiinis niyang sabi.



The Song 抖阴社区r (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon