抖阴社区

Kabanata 37

62 13 1
                                    

Hindi akalain ni Jinnian na matapos ang apat na taon ay nakalaya na si Darius. Nakaramdam siya ng galit nang maalala niya ang sinabi nito sa kanya bago ito nakulong. At alam niya na ngayong nakalaya na ito, pwedeng manganib ang buhay niya pati na ang buhay ng mga taong nasa paligid niya.










Hindi na naituloy ang pangako ni Mr. Han tungkol sa lugar na pupuntahan nila kaya nag-flight na sila pabalik sa Japan. Dahil si Jinnian lang ang mahusay gumawa ng kanta sa kanilang lahat, may bagong assignment ulit na binigay si Mr. Han kay Kajika. Para ito sa darating na okasyon - ang wedding anniversary ni Mr. Han.










"Para po sa'ken, mas maganda ang combination ng boses nila Tobi at Jamu. Bagay na bagay po 'yung ginawa kong kanta ngayon sa kanila."        si Kajika na kausap si Mr. Han sa opisina nito.










"Okay, sige.. pero gusto kong kumanta rin si Jinnian sa anniversary ko at gusto ko rin na may kasama siya. And i think, si Roy.. ano sa tingin mo?"     










"Ah.. opo.. maganda nga pong pagsamahin ang boses nila."      maikling sagot niya habang nakangiti.










"Pero hindi ko pa ito nasasabi kay Jinnian. Kailangan ko muna kasi na puntahan si Mr. Sun para pag-usapan ang tungkol sa preparation sa venue. Kung pwede, ikaw na ang magsabi kay Jinnian at Roy.. at si Jinnian na ang bahala sa kanta nila.. ..Pero 'yung solo ni CB kasama na 'yung kay Tobi at Jamu, ikaw ang gagawa ng kakantahin nila. Maliwanag ba?"      










"Yes, Mr. Han.."

______


Hapon na ng umalis si Mr. Han. Nasa kwarto lang si Kajika habang inaayos ang kanyang mga gamit nang maalala niya ang sinabi ni Mr. Han tungkol sa assignment niya.









Una niyang pinuntahan ang kwarto ni Roy Xin pero dalawang katok na niya sa pinto ay hindi pa rin ito lumalabas. Pupunta na sana siya sa room ni Jinnian nang bigla itong bumukas.










"Bakit? ..anong kailangan mo?"     mataray na tanong ni Roy Xin.










"Ah.. may ipinasasabi kasi sa'ken si Mr. Han tungkol doon sa wedding anniversary nila na.. kayo daw dalawa ni Jinnian ang magkasamang kakanta doon.."      










"'Yun lang?"    










"Oo.. pero pwede bang ikaw na lang din ang magsabi kay Jinnian? ..siya 'yung gagawa ng kakantahin ninyong dalawa. meron lang kasi akong kailangang tapusin, eh."      nahihiya niyang sabi.










"Inuutusan mo ba ako?"      sabay taas ng kilay ni Roy Xin.      "..ayoko nga! Ikaw ang magsabi sa kanya."        saka isinara ang pinto.










Napabuntong-hininga na lamang siya bago pumunta sa kwarto ni Jinnian. Kumatok siya sa pinto habang tinatawag ang pangalan nito. Pumasok siya nang marinig ang boses ni Jinnian sa loob. Nakita niya ito na nakahiga sa kama habang hawak ang phone.










Sandaling tumingin si Jinnian sa kanya pagkatapos ay tinuloy na ulit ang kanyang ginagawa sa phone.










"Ano 'yun?"    sabi nito matapos makita si Kajika.










"Um.. pinasasabi lang naman ni Mr. Han na kayong dalawa ni Roy Xin ang magkasamang kakanta sa anniversary nila. At.. gusto ni Mr. Han na bagong kanta ninyo ang maririnig niya."      










Walang reaksyon si Jinnian na para bang wala itong naririnig.










"Yun lang naman.."     sabay talikod ni Kajika.












Nakakapit na siya sa doorknob nang marinig niya itong magsalita.












"Ayoko.. hindi ako kakanta sa anniversary niya."       sabi ni Jinnian sa malamig na boses.





The Song 抖阴社区r (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon