抖阴社区

Kabanata 60

40 7 1
                                    


"Haay! Sa wakas natapos ko din!"       masayang sabi ni Kajika.











Dahil bahagyang nakabukas ang pinto, nang dumaan si Jinnian ay nakita siya nitong hawak ang sweater na kakatapos lang niyang gawin para kay CB. Pagkatapos ay lumakad na rin si Jinnian papunta sa kanyang room at lumingon lang siya sandali nang mapansin niya si Roy Xin na pumasok sa kwarto ni Kajika.











"Chocolady! Mag-ayos ka.. may pupuntahan tayo."         mataray na sabi ni Roy Xin na nakataas pa ang isang kilay.











"Saan naman tayo pupunta? ..baka may ipapadala ka na naman sa akin na hindi mo kailangan, tapos sobrang bigat pa."       naiinis niyang sabi habang tinitiklop ang sweater.











"Aba.. nagrereklamo ka na ngayon?"    at lumapit pa siya ng konti kay Kajika.        "..dapat nga matuwa ka pa dahil last day mo na ngayon.. sige na, mag-ready ka na agad dahil marami tayong pupuntahan."       sabay talikod niya.











Inirapan na lang niya si Roy Xin bago ito lumabas ng kwarto saka siya nag-intindi ng sarili.



__



"T-Teka, bakit magkasama kayong dalawa? Saan kayo pupunta, huh?"


"Oo nga.. bakit kayo lang? Hindi nyo kami isinama.."


"Siguro magdi-date kayo, no?"











Tatlo sa grupo ang humarap kay Roy Xin at Kajika pagkababa nila sa hagdan. Napansin kasi ng mga ito na magkasama na naman ang dalawa at iniisip na tama ang mga hinala nila.











"Oo.. may date nga kami kaya hindi ko na sinabi sa inyo dahil hindi kayo pwedeng sumama."        mayabang na sabi ni Roy Xin samantalang panay naman ang pag-iling ni Kajika sa tatlo.       "..so, may ipabibili ba kayo sa amin?"











"Okay, kung wala eh bahala kayo.."      sabi ni Roy Xin sa tatlo dahil nakatingin lang ang mga ito sa kanila at walang binanggit na kung ano.



__



Nag-face mask, sunglass, at cap si Roy Xin habang naka-hood para hindi siya makilala nang mga tao saka sila pumunta ni Kajika sa mall para mamili ng mga damit at ng kung anu-ano kahit hindi naman niya ito masyadong kailangan.











"Sobrang dami na ng binili mo.. hindi ko na kayang bitbitin."       pagrereklamo na ni Kajika sa siyam na malalaking paper bag na dala niya at may laman na kung anu-ano. Pero hindi siya pinansin ni Roy Xin na patuloy lang sa paglakad.











Sa sobrang dami nilang pinuntahan, sa pagod ay nakatulog si Kajika sa loob ng sasakyan habang pabalik na sa mansion. Hindi niya sinasadyang napasandal sa balikat ni Roy Xin at dahil doon ay naiinis na tumingin si Roy Xin sa kanya. Pero nang pagmasdan niya si Kajika, hinayaan na lang niya itong matulog habang nakasandal ang ulo nito sa balikat niya.











Gabi na nang makarating sila sa mansion. Pagkapasok sa loob, napansin nilang nasa  dining area ang lahat kaya lumapit sila para alamin kung bakit. Nakita nilang lahat ay kumakain nang dalang pasalubong ni CB. At nang magkita silang dalawa ni Kajika, agad siyang niyakap nito.











"Na-miss kita."       ang nasabi ni CB habang yakap si Kajika. Masaya si Kajika na makita siya habang ang ilan ay natulala nang makita ang ginawa ni CB na pagyakap sa kanya. Napataas naman ang isang kilay ni Jinnian nang mapatingin sa dalawa.











Paborito ng lahat ang pasalubong na pagkain ni CB mula pa sa Korea. Pagkatapos lutuin ang ilan sa mga ito ay binigyan din niya si Kajika at Roy Xin.











Habang masayang nagkakakwentuhan ang ilan, naisip ni Kajika na pumunta sandali sa kwarto niya para kuhanin ang sweater na ginawa niya para kay CB. Pagkapasok sa kwarto, agad niyang binuksan ang kanyang closet pero kukuhanin pa lang niya ang sweater, biglang namatay ang mga ilaw.











Agad niyang binuksan ang flashlight ng kanyang phone saka kinakabahang lumabas ng kanyang kwarto.











Mga ilang minutong patay ang ilaw at maya-maya pa ay bumukas na rin ito.











"Oh, nasaan na si Jinnian? Katabi ko lang 'yun kanina dito ah.."         nagtatakang tanong ni Axhel-G sa mga kasamahan.




The Song 抖阴社区r (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon