Nakita ni CB si Jinnian sa loob ng CR na nagsusuka at nabigla siya nang makita ang mukha nito.
"Whoa! ..a-anong nangyare sa'yo? Bakit may pasa ka sa mata mo?"
"Ano?" si Jinnian na may malamig na boses.
"Hindi ako nagbibiro.. kahit tingnan mo pa sa salamin." seryosong sabi niya.
Hindi agad naniwala sa kanya si Jinnian dahil pagkagising lang naman nito ay agad na pumunta sa CR para sumuka. Pero nanlaki ang mata nito nang makita niyang meron siyang pasa sa isang mata.
"Saan ka ba nagpunta kahapon, huh? Ano bang oras ka umuwi?" Pero hindi pinansin ni Jinnian ang mga tanong niya.
Kumirot nang bahagya ang pasa niya nang subukan niyang hipuin ito. Naiinis siyang tingnan ang sarili sa salamin dahil sa pasa na natamo niya sa hindi niya malaman na dahilan.
"Nakipag-away ka ba?" tanong pa ni CB.
"Wala akong maalala.." maikli niyang sagot pagkalabas sa CR.
"So, wala ka man lang naalala kahit bago ka nalasing?"
Nakakunot ang noo ni Jinnian habang iniisip ang mga nangyare kahapon na kasama si Allen. Pagkatapos ay sinabi niya kay CB ang ilang detalye lamang sa kung anong nangyare sa kanya kahapon.
Pero nagtataka siya kung bakit ba nagkaroon siya ng pasa sa mata.
"Sa susunod kasi huwag ka ng sumama sa lalakeng iyon. Alam mo naman ang ugali niya, 'di ba? ..kahit nga 'yang pasa mo sa mata hindi mo maalala." naiinis na sabi sa kanya ni CB.
________
"Napansin niyo ba si Jinnian n umuwi kagabi?" tanong ni Tobi sa mga kasamang kumakain sa may kusina. Umiling na lang ang iba dahil pare-parehong walang alam kung dumating si Jinnian o hindi.
"Oh, hayan naman pala si---. Teka, anong nangyare diyan? ..bakit may pasa si Jinnian?" Sabi ni Shin-B matapos niyang makita ang pasa sa mata ni Jinnian.
"Hindi niya daw maalala.." maikling sagot ni CB.
Nanlaki ang mga mata ni Kajika nang makita niyang nag-iwan ng pasa sa mukha ni Jinnian ang suntok niya. Nagmadali siyang kumain saka umalis para bumalik sa kanyang kwarto.
"Ms. Kajika.. bakit parang nagmamadali ka? May pupuntahan ka ba?" tanong ni CB sa kanya. Nang mapatingin din sa kanya si Jinnian, bumaba ang kanyang pilik-mata at hindi magawang makatingin dito.
"Ah.. ano kasi, may nililigpit pa ako sa kwarto ko.. kailangan ko lang tapusin kaagad." pagdadahilan niya sabay alis.
______
"Ms. Kajika.. heto na ang damit na gagamitin mo sa party ni Mr. Han.."
Ilang araw ay bumalik muli ang designer sa mansion para dalhin kay Kajika ang dress na susuotin nito sa anniversary ni Mr. Han. Ipinasukat niya ito kay Kajika at saktong-sakto lang ang ginawa niya dito.
"Ang ganda!!!" Namangha si Kajika matapos niyang makita ang sarili sa malaking salamin habang suot ang damit.
"Oh, 'di ba? Sexy na sexy ka sa dress na 'yan kahit pinahirapan mo ako." pabirong sabi ni Wendy. "..basta huwag mo lang aakitin ang G-PX, kundi lagot ka saken."
Napangiti na lang si Kajika sa sinabi ni Wendy at pagkatapos ay naalala niya ang gabing hinalikan siya ni Jinnian dahil sa kalasingan nito.
"Hindi mo maalala?" sabi niya sa mahinang boses pero narinig ni Wendy na may binubulong siya.
"May sinasabi ka ba?"
"Ah.. ang sabi ko po, maganda talaga itong dress na ginawa nyo.."

BINABASA MO ANG
The Song 抖阴社区r (On Going)
Teen Fiction(TEEN FICTION) Meet Kajika Hao, old-school.. chocoholic.. shy-typed.. but pretty.. thoughtful.. kind-hearted. Ngayong napili siya para sumulat ng mga kanta, ano ang pwedeng mangyari kung fifteen popular handsome young men (G-PX Graded-Popularity and...