抖阴社区

Kabanata 26

89 8 2
                                    


Nanlaki ang mga mata ni Kajika nang makita na hindi pala nalunok ni Jinnian ang gamot na binigay niya. Kaya kinuha niya ang gamot sa bibig nito gamit mismo ang kamay niya.











Nag-isip siya ng paraan kung paano maiinom ni Jinnian ang gamot. At dahil tabletas ang gamot na ipinapainom niya, naisip niyang durugin at tunawin muna ito sa konting tubig para madaling mainom ni Jinnian.












Nasamid si Jinnian kaya pinunasan niya ang lumabas na tubig sa bibig nito at pagkatapos ay ipinainom niya ang natira pang gamot sa baso.




______



Umupo si Kajika sa sofa at nang makaramdam ng antok, humiga siya dito para tumulog sandali. Magse-set sana siya ng alarm pero naisip niya na baka magising si Jinnian sa tunog nito. Isa pa, baka mapasarap ang tulog niya at makalimutang painumin si Jinnian ng gamot.











Kaya para manatiling gising, nagbasa siya ng mga aklat na naroon sa kwarto ni Jinnian habang umiinom ng kape. Binuklat pa niya ang ilang aklat doon nang mapansin niya ang nakasingit na picture ni Jinnian kasama ang isang magandang babae at sa picture na ito una niyang nakitang nakangiti si Jinnian.











Tumingin siya kay Jinnian habang iniisip kung ano ang koneksyon nito at ng babaeng kasama niya sa larawan. Nang gumalaw si Jinnian, agad niyang ibinalik ang picture sa aklat.











Pagkatapos maglaro sa cellphone, nanood naman siya ng tv pero sa mahinang sound lang. Maya-maya pa ay isang oras na lang ang kanyang hinihintay para mapainom na niya si Jinnian ng gamot kaya nilinis niya muna ang mga kalat na nagawa niya sa pagpapakain dito.




_____



Nang oras na para painumin niya si Jinnian, naglagay na siya sa baso ng konting tubig. Pagkatapos ay nagdurog siya ng isang tabletas at unti-unti itong tinunaw doon. Pagkahalo niya, dahan-dahan niyang itinaas muli ang ulo ni Jinnian para maayos nitong mainom ang kanyang gamot.











Pagkahipo niya ulit sa noo ni Jinnian nakahinga na siya ng maluwag nang malaman niyang bumaba na ang lagnat nito.


_____





Mataas na ang sikat ng araw nang magising si Kajika. Pagkamulat ng kanyang mga mata, napansin niya ang blanket na naka-cover sa kanya pero nakita niya na wala na si Jinnian sa kama nito. Pinuntahan niya ang CR pero wala siya doon kaya lumabas na siya ng kwarto at hinanap niya kung nasaan ito. Naisip niya na marahil umayos na ang pakiramdam ni Jinnian kaya may lakas na itong lumabas ng mansion.











Laging nakakarinig si Kajika ng ingay sa bawat pinto ng kwarto - may nagpapatugtog ng malakas, may tawanan, usapan at ano pa mang ingay na magsasabing may tao sa loob. Pero ngayon, habang naglalakad siya papunta sa kanyang kwarto, wala siyang ibang naririnig kundi ang paghinga at paglakad niya.











"Baka naman umalis na sila para magpractice.." ang naisip niya.











Sinubukan niyang kumatok sa kwarto ni Dafro, pero walang sumagot. Alam niyang hindi ito kasama sa mga nagpapractice kaya nagtataka siya kung bakit walang tao sa loob. Sunod niyang pinuntahan ang kay Vid, kay Zap, Freud at Axhel-G pero pare-parehong walang tao.











Inakala niya na baka nanaginip lang siya kaya sinampal niya ng malakas ang mukha niya.











"Aray!"











Dahil dito, huminga siya ng malalim at pagkatapos ay pumasok na siya sa kanyang room, umupo sa kama at naghintay.


The Song 抖阴社区r (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon