抖阴社区

Kabanata 16

116 10 0
                                    

Nagising si Jinnian kaya nagulat si Kajika at kaagad na napaatras sa kanyang kinatatayuan. Pero hindi niya alam na may naka - angat na ugat sa likuran niya.. kaya nang siya ay umatras  ay natalisod siya nito at napa - upo sa lupa.











"Aray!"  













Nabigla si Jinnian sa nangyare kay KaJika pero hindi pa rin siya umalis sa kanyang pwesto. Sa halip, naiinis siyang tumingin sa kanya.












Nang tumayo si Jinnian, lumapit siya kay Kajika na nakaupo pa rin sa lupa. Nakadama ng kaba si Kajika nang lumapit ito at tumingala siya para tingnan ang reaksyon sa mukha ni Jinnian.










Malamig ang mga mata ni Jinnian na nakatingin sa kanya at ilang sandali lang ay umalis na rin ito na hindi man lang siya tinulungan para makatayo.







_____

Masayang nagkukwentuhan ang karamihan sa loob ng mansion nang pumasok si Kajika. Pero napatigil siya sandali bago umakyat ng hagdan at pumunta sa kanyang kwarto.










"Anong nangyare? Bakit madumi ang likod ng palda niya?"    Tanong ni Axhel-G nang mapansin na marumi ang likod ni Kajika.










"Baka mahilig siyang maglaro ng marumi."    Sabi ni Zap na bahagyang natatawa.











Pababa na ng hagdan si CB pero napakinggan niya ang pag - uusap ng ilang kasamahan sa ibaba.











"Haay..! Tumigil nga kayo dyan! Alam ko kung sino ang pinag - uusapan niyo."










Pagkatapos silang sawayin, dumiretso si CB sa kusina para kumuha ng malamig na maiinom sa ref.











"CB.."











Mahinahon at medyo mahinang boses ang narinig ni CB sa kanyang likuran. Nagulat siya nang marinig ito kaya naibuga niya ang tubig na nasa kanyang bibig.











"Jamu? Ginulat mo naman ako!"     Sabi niya matapos punasan ang kanyang namumulang labi.











Nakatingin lang sa kanya si Jamu na walang anumang reaksyon sa kanyang mukha.











"Um.. ano bang kailangan mo?"    Tanong ni CB.











"May kilala ka bang.. 'Darius Kim'?" 










Saglit na napa - isip si CB. Bumalik lang tingin nito kay Jamu nang may maalala siya.












"Hindi ba.. siya 'yung anak ni Mr. Han? Ang alam ko, 'Louis Han' ang tunay niyang pangalan.. at dati siyang sikat na singer."










Nagtataka si CB sa kanya kung bakit nagtanong ito tungkol sa lalakeng iyon.. kaya tinanong niya si Jamu kung bakit.










"Ah.. wala.. natanong ko lang."    Sagot sa kanya ni Jamu sabay alis.


_____

Halos isang buwan na si Kajika sa mansion pero parang iba pa rin ang turing sa kanya ng mga lalakeng kasama niya doon. Kaya naging pressure ito sa kanya habang naroon siya sa mansion. Sinubukan niyang sabihin kay Mr. Han na kung maaari ay ilipat siya nito nang lugar, pero hindi ito pumayag. Nasa pangangalaga na siya ni Mr. Han at alam nitong hindi kabisado ni Kajika ang mga lugar sa Japan.






____


Pinatawag ni Mr. Han si JKris. At matapos silang makapag - usap, lumabas siya ng opisina na may hawak na mga sobre.












Alas - singko ng umaga nagising si Kajika sa kanyang pagkakatulog hindi dahil sa kanyang alarm, kundi dahil sa malakas na katok sa kanyang pinto. Matagal pa siyang nakabangon at humihikab pa habang naglalakad para buksan ang pinto.











"Good morning. Anong kailangan---"











Nakapikit pa ang kanyang mga mata nang bumati siya. Pero nang imulat na niya ito at makita kung sino ang taong kumatok, napatigil siya at bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata.











"J-Jinnian?"



The Song 抖阴社区r (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon