抖阴社区

Kabanata 94

28 11 0
                                    






Lumipas ang ilang Linggo, napansin ni Kajika na hindi talaga nagustuhan ni Mr. Han ang ginawa niya. May ilang pagbabago sa tono at liriko ang nakita nito kaya't hindi na nito sinabi sa mga lalake ang tungkol doon. Dahil dito ay pumunta si Kajika, isang araw, sa opisina nang pagkakataong naroon si Mr. Han.










Humingi ulit siya ng pasensya at alam naman ni Mr. Han na may makatuwiran siyang dahilan kung bakit naging ganoon ang resulta. Pagkatapos ay napag-usapan nila ang tungkol sa nangyare kay Jinnian at maya-maya pa ay pumasok si CB. May ibinigay itong mga papeles kay Mr. Han at paalis na siya bago niya napansin si Kajika.










Bumati siya at napag-usapan nilang tatlo ang tungkol sa pagkanta ni Kajika kaya't nagparinig sa kanya si Mr. Han kung gusto niyang maging isang kilalang singer at handa itong tulungan siya. Sa una ay hindi siya sang-ayon. Pero sa ikatlong pagkakataong tanungin siya, sinabi na niyang,        "pag-iisipan ko po."



***



"Gawin mo na, sobrang dali na nga lang ng iniuutos sa'yo eh."         si Roy Xin kasama sina Freud, Grey at Shin-B sa loob ng room ni Jinnian sa hospital. Dahil natalo sa nilalaro si Grey, inutusan nila ito. Samantala, kahit nakapikit si Jinnian, gising siya at bagaman naririnig niya ang mga kulitan ng tatlo, iba ang tumatakbo sa isip niya.











Nagtataka siya kung paano nalaman ni Darius ang tungkol sa movie na gaganapan niya sana samantalang lahat sa mga kasamahan niya ay hindi pa niya ito sinasabi. Siya, si Mr. Han at ang mga cast ng pelikulang iyon lang ang nakakaalam ng tungkol doon.










Sumagi sa isip niya na marahil iyon ang dahilan kung kaya nagsagawa si Darius ng plano para ipabugbog siya, para hindi niya magawang ganapin ang tungkol sa movie na iyon.     "Haay, hindi ko alam ang pattern niya.."     sabi ni Roy Xin nang may text na dumating sa phone ni Jinnian. Sinubukan pa ito ni Shin-B pero hindi niya rin ito  mahulaan.










"Ibigay nyo sa'ken.."      sabi ni Jinnian habang nakapikit pa rin ang mga mata. Nang tingnan niya, iyon ulit ang number ng lalake na laging nagtetext sa kanya.










'Nine'










Napakunot siya sa hindi niya maunawaang mensahe nito sa kanya. Naalala niya na nang magtext ito ng 'Ten' , nasa hospital din siya dahil sa aksidenteng nangyari sa kanila ni CB at si Darius lang ang alam niyang gumawa ng bagay na iyon.      'Pinaglalaruan niya ba ako?'        sa isip niya na may galit na ekpresyon.










Umalis si Roy Xin at Grey pero maya-maya pa ay dumating si Jana sa hospital para kumustahin si Jinnian. Ilang oras itong nagbantay sa kanya pero para bang may iba pa siyang hinahanap.



***



Kinausap ni Mira si Kajika sa telepono para kumustahin siya at ang kalagayan ni Jinnian ngayon.        "Nasa hospital pa rin siya, hindi pa maayos ang lagay niya. Marami siyang naging pasa sa katawan at sabi ng doctor baka mga isang buwan din bago siya tuluyang gumaling."










Maya-maya pa ay nagpaalam na siya kay Mira nang pumasok si Jamu sa loob ng kwarto niya. Sinabi nito na sabay na silang pumunta sa hospital para dalawin si Jinnian. At nang nasa daan na sila, naisip ni Kajika na dalhan ng mga prutas si Jinnian kaya sandali silang huminto para bumili.










Pagakabukas sa room ni Jinnian, natigilan si Kajika nang hindi niya inaasahang makita si Jana na naroon at nagpapakain kay Jinnian.










Nang batiin sila ni Jana, tumingin si Jinnian sa kanya. At nang mapansin iyon ni Jamu, hinawakan niya agad ang kamay ni Kajika.




The Song 抖阴社区r (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon