Kanya-kanyang pasyalan, ang iba naman ay naliligo sa pool, naglalaro sa gaming room at ang mga babae ay kumakain sa restaurant doon. Marami ng nagawa ang iba samantalang naiwan sa malaking bahay si Jinnian at CB na kagigising lang.
Pagkatapos mag-shower, tiningnan niya ang oras sa kanyang phone saka tinawag si Jinnian. "Pagkatapos mo diyan, kumain muna tayo. Gutom na ako.." sabi ni CB habang kumukuha ng damit sa closet.
Napansin niyang tahimik lang si Jinnian na pinagmamasdan ang phone nito. "Bakit.. may problema? Nagtext ba sa'yo si Mr. Han?"
Nagtataka si Jinnian kung bakit may missed call siya mula sa number ni Darius Kim. Bagaman pakinig niya si CB, hindi siya sumagot. Tumayo lang siya at isinuot ang kanyang black tee. "Bilisan mo, hihintayin kita sa labas."
***
"Fifteen, sixteen, seventeen.." bilang ni Tobi. "..eighteen, nineteen. Nineteen lahat tayo! Kasama si Saito."
"Wala si Saito, nakita ko siyang umalis kanina. Mas okay nga na eighteen tayo, para tig-nine ang bawat team." sabi ni CB.
Pagkatapos ay tinawag nilang lahat ang mga kasama para sa kanilang gagawing laro. Kahit ang iba ay hindi gustong sumali, pinilit nila ang mga itong makilaro. Ang mga nanalo sa toss coin ang magkakasama sa team ni Jamu at kasama doon si Kajika. Ang mga talo, sa team ni Jinnian.
Bago mag-umpisa, nagkaroon ng mabilis na cheer dance ang bawat team. Sa unang laro, nanalo ang team Jinnian pero sa pangalawa, mas maraming member sa team ni Jamu ang nanalo sa larong sipa kaya panalo sila.
Nag-suggest si CB na magpaunahan ang bawat team sa paglangoy sa magkabilang dulo ng swimming pool. Nauuna na ang team ni Jamu pero sa huli, naunahan sila ng team Jinnian. "Yes! Yes! Panalo na naman kami! Wooo!!" Sigaw pa ni Axhel-G.
Sa dami ng kanilang nilaro, sa bandang huli, ang team ni Jinnian ang nanalo. Napatingin si Kajika sa kanya nang makita siya nitong inakbayan si Jana na sayang-saya sa pagkapanalo nila. "May parusa ba sila?" tanong ni Sacho.
"Wala, wala. Laro lang 'to, walang parusa."
Sa pagod, ang iba ay namahinga sandali sa kanilang mga kwarto samantalang ang tatlong babae naman ay naligo sa pool. Nag-usap-usap sila tungkol sa pwede nilang laruin mamayang gabi.
"Sige, akyat na ako sa taas. Nilalamig na kasi ako eh." sabi ni Jana kaya naiwan ang dalawa. Nagpaunahan na lang sila sa kung sino ang mabilis sa paglangoy pero maya-maya pa ay umalis na rin si Mira nang sumakit ang tiyan nito.
Habang naglalangoy mag-isa, nakita niya si Jinnian sa labas hawak ang phone nito. Papasok na ito sa malaking bahay nang sumalubong dito si Jana at sandaling nagkausap ang dalawa. Sa halip na tumingin sa kanila, sumisid siya papunta sa malalim na parte ng pool.
'Teka, bakit.. bakit parang naninigas ang paa ko?' sabi niya sa sarili na kinakabahan habang naglalangoy sa ilalim. Lumutang siya sandali at napag-alaman niyang pinupulikat ang isa niyang paa.
Kinabahan siya dahil hindi siya makalangoy ng maayos at unti-unti siyang nalulunod. Hindi siya makasigaw ng maayos sa tubig na pumapasok sa kanyang bibig at napansin niyang walang ibang tao sa labas.
Sinikap niyang kumuha ng hangin, pero unti-unting nauubusan siya ng hininga. Bago pa man siya lumubog sa tubig, nakita niyang may isang taong paparating para iligtas siya.. pero napansin niyang may isa na kaagad tumalon sa pool.
Naramdaman niya ang mainit na brasong humawak sa bewang niya. Dinala siya sa labas ng pool at saglit na ginising siya. Dahil hindi naman matindi ang pagkakalunod niya, nagising siya na lumalabas ang kaunting tubig sa bibig. Nang makita ni Jinnian na maayos na siya, bumalik na ito sa loob.
"Ayos ka lang ba, Kajika?" tanong ni Jamu sa kanya. Tumango lang siya at pagkatapos ay tumingin siya sa kinaroroonan ng lalakeng nakita niya kanina, pero wala na ito.

BINABASA MO ANG
The Song 抖阴社区r (On Going)
Teen Fiction(TEEN FICTION) Meet Kajika Hao, old-school.. chocoholic.. shy-typed.. but pretty.. thoughtful.. kind-hearted. Ngayong napili siya para sumulat ng mga kanta, ano ang pwedeng mangyari kung fifteen popular handsome young men (G-PX Graded-Popularity and...