抖阴社区

Kabanata 80

28 12 1
                                    



Sa mga nagdaang araw, napapansin ni Saito na iniiwasan siya ni CB. Lalo na kapag may gagawin siya para kay Kajika, mas naiinis ito sa kanya. Kaya naisip niyang kausapin ito.











Pumasok siya sa loob ng kwarto ni CB at nakita niyang ibinaba nito ang ballpen at papel sa table.          "Kumakatha ka rin ba ng kanta?"      tanong niya nang makita ang mga lirikong nakasulat doon.











"Oo."      mabilis na sagot niya.











"Ah.. may ilang kanta mo na 'yung nai-released?"











"Hindi naman laging nakukuha 'yung mga ginagawa ko. Pero may tatlo na akong mga kantang ni-released noon sa public."       sagot niya na hindi tumitingin sa kausap.     "..bakit ka ba talaga nandito? Iinterviewhin mo ba ako?"       mataray niyang tanong.











"Eh hindi naman sa ganoon.."     sagot niya kaya sinabi na niya ang dahilan kung bakit siya pumunta doon. Pero hindi niya nakuha ang sagot kay CB.         "Bakit mo naman sinasabing nagagalit ako sa'yo dahil kay Kajika? ..baka naman isip mo ang may problema."











Wala siyang nagawa kundi ang tumahimik na lang. Mas matanda siya dito ng ilang taon kaya pinili na lang niyang magpasensya. Kaya para hindi na lumala ang sitwasyon, iniba niya ang usapan. Inumpisahan niya ito sa mga lirikong ginagawa pa lang ni CB.











"Maganda ang pagkakasunod ng lyrics mo pati 'yung nilalaman.."      puri niya dito.       "Sa tingin ko, ang magandang kasunod nito ay.. 'like a pearl in your eyes when you smile.. and i just--"    











Hindi na niya itinuloy ang sinasabi ng biglang kuhanin ni CB ang papel sa kamay niya.      "Pwede ba, alam kong business man ka, but this is none of your business.."











Natahimik si Saito sa 'di niya inaasahang reaksyon ni CB sa kanya. Bigo siyang lumabas ng kwarto ni CB at bumalik na lang sa kanyang kwarto para magpahinga. Nang dumating si Mr. Han sa mansion ay kinausap siya nito tungkol sa kanyang pagbabakasyon doon.





______



"Pero Mr. Han, hindi pa naman po ako sumasang-ayon doon sa cosmetics advertising.."       si Kajika, isang umaga ay kausap si Mr. Han sa opisina nito.











"Don't worry.. ipapakilala lang naman muna kita sa kanila."         Kaya sumama siya kay Mr. Han pero magdidilim na ng makabalik sila sa mansion. Pero nagtataka siya kung bakit hindi bumaba ng kotse si Mr. Han.











"Pauwi ako ngayon sa amin kaya pwede bang ikaw na ang magbigay nito kay Jinnian.."       sabay abot sa kanya nito ng isang malaking envelope. Pagkapasok sa loob ng kanyang kwarto, humiga siya sa kama dahil sa sakit ng kanyang ulo. Kumain siya sandali matapos siyang dalhan ng pagkain pero ilang minuto pa ay humiga na ulit siya sa kama para magpahinga dahil hindi pa rin naaalis ang sakit ng ulo niya. Dahil doon, nakalimutan niyang ibigay ang envelope kay Jinnian.











"Whoa.. ang sarap talaga nito! Favorite ko talaga ang chicken.. The best talaga ang chicken nila."      si Saito habang kumakain ng mga inorder na chicken ni Jinnian sa loob rin ng kwarto nito.       "Pwede bang, umorder ka pa nito?"         sabi pa niya.











Napataas-kilay si Jinnian na tumingin sa kanya.       "..pinao-order mo ako?"











"Oo.. masarap kasi."         nakangiti pa nitong sagot samantalang si Jinnian ay naiinis sa sinabi niya.











"Hindi na pwede kasi magse-seven pm na. Baka sarado na ang mga 'yun.."        pagdadahilan lang niya.











"Ah ganoon ba.. sayang, gustong-gusto ko pa naman 'to."        sabi niya at akmang tatayo.      "..sige, salamat. Pupunta na lang muna ako kay Ms. Kajika."











"Teka sandali.."        pagkatapos ay kinuha niya ang kanyang phone.











"Bakit? Anong gingawa mo..?"      tanong niya nang mapansing may idina-dial ito sa phone.











"Susubukan ko.. baka pwede pa akong makaorder. 'Di ba sabi mo paborito mo ang chicken?"         sabi niya na may pilit na ngiti dahi sa inis.           "Kahit kumain ka pa nito habambuhay.."











"Ah.. ayos."        Natatawang sabi ni Saito.


The Song 抖阴社区r (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon