"Ms. Kajika, ito na lang daw po ang gamitin nyo."
Umaga, bago ang party bukas, inihanda ni Kajika ang kanyang mga gagamitin pero nagpadala si Mr. Han ng dress para gamitin niya sa party. Nang ipasabi niya na nakabili na siya ng damit para sa event, hindi pumayag si Mr. Han.
"Ah, okay." sagot na lang niya sa katulong at inilagay nito sa table ang box.
"Ang ganda ganda pa naman ng nabili kong damit para sa anniversary na 'yun." bulong niya sa sarili, pagkatapos ay kinuha niya ang box. "Sana maganda ang taste ni Mr. Han."
Binuksan niya ang kahon at namangha siya sa magandang damit na binigay sa kanya. "Woa! Ang ganda naman nito at mukhang kasya ito sa'ken."
Sinuot niya ang damit at nagandahan siya dahil bumagay ito sa katawan at kulay ng balat niya. "Maganda rin pala ang taste ni Mr. Han sa mga damit." sabi niya na paikot-ikot sa harap ng salamin.
Maya-maya pa ay tumunog ang phone niya at napansin ang text ni Saito sa screen. 'Natanggap mo ba 'yung dress? Kung nagustuhan mo, iyan na ang gamitin mo sa event.'
"So kay Saito galing ang dress?" bulong niya sa sarili.
***
"Baka ma-delay daw ang flight nina dad.." si CB kausap si Roy Xin sa kwarto nito. "..kailangan ko ng request kay Mr. Han. Andiyan kaya siya?"
"Oo, puntahan mo siya sa office, naroon siya."
Pagkalabas ng kwarto, napansin ni CB si Annie na pumasok sa loob ng room ni Jinnian. "Andito siya ngayon?" bulong niya bago pumunta sa opisina ni Mr. Han.
Pero nang nasa tapat na siya ng pinto ng office room, may napakinggan siyang nag-uusap sa loob. Dalawang boses ang narinig niya at sigurado siyang si Jamu ang kausap ni Mr. Han.
"Pasensya na Mr. Han, pero hindi po talaga ako makakapunta sa event ng JinTai..." Aaalis na sana si CB nang mapakinggan niya ang mga salitang iyon. Kaya pinakinggan niya iyon at gusto niyang malaman kung anong dahilan ni Jamu para hindi sumama sa kanila.
"Dumating si dad at.. gusto niya muna akong pabalikin sa Thailand."
Ilang segundong natahimik ang kausap ni Jamu bago muling napakinggan ni CB ang boses nito. "Sayang naman kung hindi ka makakapunta.. hindi mo ba nabanggit sa kanya ang tungkol sa event? Baka naman pwedeng pagkatapos na lang ng event ka pumunta sa inyo."
"Sorry Mr. Han pero hindi po talaga ako makakapunta. Kilala nyo naman si dad, 'di ba? Kapag hindi ko siya sinunod, iba ang mapapahamak." bahagyang napatawa si Jamu. "..gustuhin ko mang umattend, wala akong magawa eh. Wala pang utos niya ang hindi ko sinunod sa lahat ng pananakot na ginawa niya sa'ken Mr. Han."
Sa mga narinig niya, may mga bagay pala kay Jamu na ngayon palang niya nalalaman. Malungkot ang naging ekspresyon ng mukha niya dahil alam niyang may bagay na sa tingin niya ay hindi pa nararanasan ni Jamu simula pagkabata nito.
Narinig niya ang pagbukas ng pinto at bahagya siyang nagulat nang makita si Jamu. Malamig ang mga mata nitong tumingin sa kanya saka nagsalita, "narinig mo?"
Hindi alam ni CB kung anong una niyang sasabihin pero bago pa man siya nagsalita, tumalikod na sa kanya si Jamu. "Kung ano man ang narinig mo, walang kwenta ang mga iyon." sabi nito habang papalayo sa kanya.

BINABASA MO ANG
The Song 抖阴社区r (On Going)
Teen Fiction(TEEN FICTION) Meet Kajika Hao, old-school.. chocoholic.. shy-typed.. but pretty.. thoughtful.. kind-hearted. Ngayong napili siya para sumulat ng mga kanta, ano ang pwedeng mangyari kung fifteen popular handsome young men (G-PX Graded-Popularity and...