抖阴社区

Kabanata 49

41 11 0
                                    


Chapter 49: "Move Without Words"    (4/5)










Naiwan si Kajika sa loob ng storage room samantalang si Jinnian ay lumakad na pabalik sa main hall. Pero pagkaliko niya, nakita niya si Darius na nakatayo doon malapit sa bungad ng hall.











"Kumusta? Nagkita na naman tayo.."   sabi ni Darius sabay nang matalas na tingin kay Jinnian.       "Mahusay ka pa rin talagang kumanta."











Nanlalaki ang mga mata ni Jinnian pero kahit na nakakaramdam ng kaba, sinikap niyang hindi iyon ipahalata.











"Wala akong panahong makipag-usap sa'yo.."         sabi niya saka lumakad pero tumigil siya sa tapat ni Darius Kim.      "..bakit hindi ka na lang pumunta sa main hall.., hindi 'yung nagtatago ka sa dilim."    Pang-iinis niya.       "Ah.. alam ko na.. dahil ba nahihiya ka?"











Pagkatapos ay napatawa si Darius sa mga sinabi niya.        "Ako? ..mahihiya?"      saka kinapitan ng mahigpit ang kohelyo ni Jinnian.        "..ang totoo nyan, wala naman talagang nakakaalam na narito ako. At isa pa, hindi ako pumunta dito dahil sa anniversary ni dad. ..kundi IKAW ang ipinunta ko DITO!"    











Seryosong nakatingin si Jinnian sa mga mata ni Darius at maya-maya pa ay binitiwan siya nito nang makita ang mga taong paparating.











"..mahintay ka lang, Jinnian.. Humahanap pa lang ako ng tyempo para patayin ka.. ..kaya matakot ka na."       bulong ni Darius sa kanya sabay alis.











Magkahalong galit at takot ang naramdaman ni Jinnian nang pagkakataong iyon. Dahil doon ay hindi niya napansin ang pagbati ng mga taong dumaan sa harap niya. Ilang sandali pa, bumalik na rin siya sa loob at doon siya umupo sa pwesto ni Jamu dahil alam niyang hindi na ito babalik doon.











"Can I?"        











Nang tumugtog muli ang orchestra, ang mga tao ay nagsimulang magsitayuan para sumayaw sa gitna ng malaking hall. Lumapit naman si CB kay Kajika na iniaabot ang kanyang kanang kamay para yayain siyang sumayaw.











Pumayag si Kajika kaya dinala siya ni CB sa gitna ng hall. Si Jinnian, na umiinom ng wine, ay napatingin sa dalawa na masayang magkausap habang sumasayaw. Maya-maya pa, nakita niyang lumapit sa dalawa ang pamangkin ni Mr. Han na si Saito para maisayaw din si Kajika.











Pagkababa niya sa table ng kanyang iniinom na wine, may narinig siyang boses sa kanyang likuran.











"Jinnian! Kumusta?"        masiglang bati sa kanya ng babae.











Tiningnan niya ang babae at napangiti siya nang malaman niyang si Jana na kababata niya ito. Maganda, mayaman at mataas ang pinag-aralan ng babae na anak ng isang sikat na singer na naroon din sa party na iyon. At dahil apat na taon siyang nasa France, ngayon lang ulit sila nagkita ni Jinnian ng personal.











"..so, kanina ka pa dito?"     tanong ni Jinnian pero walang anumang reaksyon ang makikita sa mukha niya.











"Oo.. at hinahanap nga rin kita kanina kasi sabi ni dad nandito rin kayong G-PX. Sayang nga, kasi kumanta daw kayo pero hindi ko naman napanuod.."        masiglang sabi ni Jana sa kanya.











Nang batiin si Jana nang ibang member ng grupo, hindi sinasadyang napatingin ulit si Jinnian kay Kajika na noo'y kasama na ngayon ni Saito na sumasayaw doon sa gitna. Pagkatapos ay napataas ang isang kilay niya saka uminom muli ng wine. Nang maubos niya ang laman sa kanyang white wine glass, humarap siya muli kay Jana.









"Can i dance with you?"         tanong niya na iniaabot ang isang kamay kay Jana.

The Song 抖阴社区r (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon