Walang nagawa si Mira kundi ang gawin ang parusa ni Roy Xin. Pakiramdam niya, parang ang tagal na nilang magkakakilala. Para sa kanya, hindi mahirap makisama sa mga lalakeng iyon at hindi maaalis na masaya siya ngayon anumang oras.
"Dapat kita ko kapag ginawa mo na 'yun sa kanya. Mas maganda nga kung may ilan din na makakakita.. 'di ba?" sabi ni Roy Xin na may mayabang na ngiti. Pero hindi sang-ayon ang naging ekspresyon ni Mira sa mga huli niyang sinabi. "Pwede ba kuya ikaw na lang 'yung makakakita? Para kasing nakakahiya naman iyon kay Kajika kapag nakita nilang hinampas ko siya sa.."
"Okay, sige na. Pero dapat hindi niya alam na nakatingin ako." at nag-thumbs up naman sa kanya si Mira. "Gusto kong makita ang reaksyon niya kapag ginawa mo na 'yun."
***
"Nasaan na ba 'yun, bakit hindi ko makita?" bulong ni JKris na pababa ng hagdan at parang may hinahanap sa kanyang cellphone. "Akala ko ba ipinasa na niya, ba't 'di ko makita."
Umiinom ng mineral water si Zap kaya hindi nito napansin ang taong makakabunggo niya. Nakatingin pa rin si JKris sa kanyang phone kaya pareho nilang hindi napansin ang isa't isa. Nagkabunggo ang dalawa at nabubo ang tubig na iniinom ni Zap. Medyo nabasa ang damit niya at parehong humingi ng pasensya ang dalawa sa isa't isa.
Lumabas ng opisina si Kajika dala ang maraming papeles na galing kay Mr. Han. Ipinatong niya sandali ang mga dala sa table at pumunta sa kusina. Nakita niya si Jinnian na pumasok sa loob ng mansion at naabutan pa siya nitong nakatingin kaya agad na siyang pumunta sa may ref. Pagkakuha ng chocolate sa ref, dinampot na niya ang mga papeles na ipinatong niya sa table sa malaking salas.
"Nasaan na ba si Kajika?" si Mira na sinilip mula sa taas kung nasa salas si Kajika at nang makita niya ito, hinintay niyang makaakyat muna sa taas si Kajika.
Ilang hakbang palang bago pa makarating ng hagdan, aksidente nadulas si Kajika. Nabitawan niya ang lahat ng papeles na hawak niya at nangalat sa sahig. Mabuti na lang at nakita siya ni Jinnian kaya mabilis siyang sinalo nito bago pa man makalapat ang kanyang katawan sa sahig.
Para bang bumagal ang takbo ng oras ng saluhin siya ni Jinnian. Nanlalaki pa ang mga mata ni Kajika na nabigla sa kanyang pagkakadulas at nang makita si Jinnian, lalong bumilis ang tibok ng puso niya.
Nakahawak ang kaliwang kamay nito sa kanang braso niya samantalang ang isa naman ang nakahawak sa likuran niya. Nagtama ang paningin nilang dalawa at unti-unting namula ang pisngi ni Kajika nang magkatitigan silang dalawa. Makikita sa mukha ni Jinnian na nabigla din siya sa pagkakadulas ni Kajika.
Natigilan si Mira nang makita niya ang nangyare. Sa simpleng pangyayaring iyon, may kirot na siyang naramdaman sa puso niya. Dahil pakiramdam niya, hindi lang simpleng pagsalo ang nangyare. Nakita niya na malalim ang pagkakatitigan ng dalawa at dahan-dahang bumaba ang kanyang mga pilik-mata saka bumalik na lang ng kwarto.
Agad na itinayo ni Jinnian si Kajika nang mapansin niyang tumagal ang pagkakatingin niya dito. "Ayos ka lang ba?" tanong niya pero wala ng anumang ekspresyon ang makikita sa mukha niya. Tumango lang si Kajika at nagpasalamat.
Nang makaalis si Kajika, galit na lumapit si Jinnian sa isang maid na naglilinis doon.

BINABASA MO ANG
The Song 抖阴社区r (On Going)
Teen Fiction(TEEN FICTION) Meet Kajika Hao, old-school.. chocoholic.. shy-typed.. but pretty.. thoughtful.. kind-hearted. Ngayong napili siya para sumulat ng mga kanta, ano ang pwedeng mangyari kung fifteen popular handsome young men (G-PX Graded-Popularity and...