抖阴社区

Kabanata 32

82 12 0
                                    

Pagkapasok sa loob ng elevator, ngumiti si Kajika bilang pagbati pero walang reaksyon siyang natanggap mula kay Jamu. Pagkasara ng pinto, saka lang ito nagsalita sa kanya.











"Kumusta?"    sabi nito sabay tingin sa kanya at hindi makapaniwala si Kajika na kakausapin siya nito.










"Ah.. okay lang naman."     Nahihiya niyang sagot.










"Hindi ka ba napagod sa biyahe?" Mahinahong tanong ni Jamu.










"Ah.. h-hindi naman masyado. Pero nakapagpahinga na ako kanina kaya.. may lakas na ulit ako."     sabay ngiti dito samantalang nakatitig lang si Jamu sa kanya.










Napatungo na lang si Kajika dahil ayaw niyang tapatan ang tingin nito sa kanya at hindi niya maintindihan kung bakit nakatitig ito sa kanya.










Kaagad na lumabas si Jamu nang bumukas na ang pinto ng elevator. Sumunod siya dito  at saka lang niya nalaman na sila na lang pala ang hinihintay doon.










Halos sabay na rin silang naglakad ni Jamu papalapit sa mga ito. Pagkatingin ni Kajika kay Jinnian, tumingin din ito sa kanya at napataas ang isang kilay nito nang makita na magkasama silang paparating.




_____


Malapit ng mag-umpisa ang concert at tapos na ring ayusan ang lahat ng member ng grupo. Nang pagkakataong iyon, hindi muna sila nakita ni Kajika at naisip naman niyang palitan ang kanyang suot at gamitin ang damit ni Jinnian. Ilang minuto na lang bago mag-umpisa, pumunta na si Kajika sa harap ng malaking stage.










Matapos ang announcement pati na ang pagsayaw at kanta ng ibang grupo at ilang artista, nagsigawan na ang mga tao nang magpakita na ang sikat na grupo na G-PX.










Napangiti si Kajika nang makita niya muli  ang grupo na magperform sa stage. Pinagmamasdan niya ang galaw ng mga ito pero madalas ay napapatingin siya kay Jinnian.










Pagkatapos ng unang performance ng buong grupo, sunod na nagperform ang apat sa kanila at kinata ang awit na ginawa ni Kajika sabay ng kanilang dance steps. Sumunod naman ang solong performance ni Axhel-G at kinanta din ang isa sa mga ginawa niya. Isa din sa mga ginawa niya ang kinanta ni Vid kasama si Zap. At masaya si Kajika dahil sa bago niyang achievement.





______

Natapos ang concert at dumiretso si Kajika sa back stage para i-congrats ang grupo sa kanilang naging perfomance. Pero bago nito, pumunta muna siya dressing room para kuhanin sandali ang kanyang phone sa bag.










Pagkapasok niya, napansin niya na walang ibang tao na naroon kaya dumiretso lang siya at binuksan ang kanyang bag. Pero habang hinahanap niya ang kanyang cellphone sa loob, biglang may humawak sa kanyang braso.










"Sino ka.. at anong ginagawa mo?"      galit na tanong ni Jinnian.










Dahil nakatalikod siya sa may pintuan, inakala ni Jinnian na isa siyang fan dahil sa damit na suot niya at pinigilan siya nito sa kanyang ginagawa dahil inakala din niya na nagnanakaw siya.










Pero nabigla ito nang makita siya.










"K-Kajika?"










Maging si Kajika ay nagulat din ng may humawak sa kanya lalo na nang makita niya kung sino ito.










"J-Jinnian! ..bakit?"     nagtataka niyang tanong.










Hindi sumagot si Jinnian at agad na binitiwan ang braso ni Kajika. Pero pinagmasdan niya ang damit na suot nito.











"Bakit ka nakasuot ng ganyan?"










"Naisip ko lang kasi na suotin ito ngayon dahil---"










"So, nanood ka ng concert namin.. sa China?"      seryosong tanong ni Jinnian sa kanya. Alam niya na doon sa concert na iyon ang unang beses lang na naghagis sila ng damit sa mga fans.










Tumango sa kanya si Kajika habang nakangiti.
  









"Kaya nga ikaw ang una kong nakilala sa kanilang lahat dahil sa damit na 'to."     pahabol pa ni Kajika pagkatalikod ni Jinnian.










Napatigil si Jinnian nang marinig niya ang sinabi ni Kajika saka ito lumingon. Pagkatapos ay mga limang segundo siyang nakatingin kay Kajika bago siya umalis.



The Song 抖阴社区r (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon