Lumilipas ang araw, ang mga dating ginagawa ni Kajika ay napalitan nang dumating si Jana sa mansion. Kung iisipin niya ay mas okay iyon para makapagpokus siya sa trabaho niya. Pero para bang nararamdaman na niya ngayon na kulang ang araw niya kapag ang mga dating niyang ginagawa para sa grupo ay hindi na niya kailangan pang gawin ngayon.
"Ang dami naman niyang pinapagawa.. nanadya lang naman yata siya eh! Kainis talaga ang lalakeng 'yun.." ang nasabi ni Kajika.
Nakita siya ni Jinnian na lumabas ng kwarto ni Roy Xin. Kahit siya ay napapaisip rin kung bakit ba lagi niyang nakikita itong pumupunta kay Roy Xin at kung anong iutos, ay sinusunod nito.
"Tingnan nyo, galing na naman siya sa kwarto ni Roy."
"Ano kayang ginawa ni Ms. Kajika doon? Baka naman.."
"Teka, parang nakita ko siya kaninang may dala eh.. ano nga ba 'yun.. ..beer siguro."
"Ano? So, ibig sabihin, mag-iinom silang dalawa ni Roy? ..haay! Ano kayang binigay na ultimatum ni Roy sa kanya at halos lahat ng iutos niya ay sinusunod ni Ms. Kajika."
Hindi namamalayan ni Kajika na nagkaroon na pala ng maling mga hinala ang ibang mga lalake sa ginagawa niya. At pagkatapos niyang kumuha ng yelo, nakita na naman siya ng ibang mga lalake na pumasok sa kwarto ni Roy Xin.
Pagakapasok sa loob, bahagyang nanlaki ang mga mata ni Kajika nang makita niyang naroon na si Jinnian at kakwentuhan na si Roy Xin. Dahan-dahan niyang ibinaba sa table ang isang bowl ng ice cubes at pagkatapos ay tumalikod na kaagad siya para umalis.
"Sandali.." pigil ni Roy Xin sa kanya. "..bumalik ka sa kusina at kumuha ka pa ng isang baso para kay Jinnian."
Tumigil lang si Kajika pero hindi siya humarap sa dalawa at kaagad ng umalis para kumuha ng baso. Pagkababa niya sa hagdan, pumunta ang ilang lalakeng naghihinala sa kanila at saka pinakinggan sa labas ng pinto ang usapan ng dalawa sa loob ng kwarto ni Roy Xin.
"Mukhang.. madali mong mapasunod si Kajika." boses ni Jinnian.
"Ah.. 'yun ba? Oo, talagang dapat siyang sumunod sa'ken.." boses naman ni Roy Xin. "Dahil may ginawa ako sa kanya.. dapat lang na may gawin din siya para sa'ken.."
Nakatingin lang si Jinnian at sa tingin niya ay sapat na ang mga narinig niya kay Roy Xin para sagutin ang mga tanong sa kanyang isip kaya hindi na siya nag-usisa pa. Samantala, napanganga naman ang mga lalakeng nakikinig sa may pintuan nang marinig nila ang mga sinabi ni Roy Xin.
"Ano kayang.. ginawa ni Roy kay Ms. Kajika? Huwag mong sabihing.."
"Siguro nga, may gusto talaga 'yang si Ms. Kajika at baka nagsabi siya kay Roy.. at syempre maganda siya, papatulan niya 'yan ..sinabi ko naman sa inyo eh.."
"Para namang imposible. Hindi ganoon ang pagkakilala ko pareho sa dalawa.."
"Um.. anong ginagawa nyo dyan?" Nabigla ang tatlong lalake nang marinig nila sa kanilang likuran ang boses ni Jana. Pagkatapos ay umiling lang sila at nagmamadaling umalis doon.
Pumasok muli si Kajika sa loob dala ang isang baso nang makita niyang naroon din si Jana na nakaupo sa tabi ni Jinnian.
Pagkapatong sa table ng baso ay sandali siyang napatingin kay Jinnian na busy sa hawak nitong phone.
"Pwede bang ikuha mo muna si Jana ng dessert sa ref.. mamaya ka na bumalik sa kwarto mo." pahabol ni Roy Xin kahit hindi naman talaga nagsabi si Jana sa kanya.
Tatalikod na sana si Kajika nang marinig niya ang boses ni Jinnian.
"Hindi ba.. may pupuntahan ka pa? Sinabi mo sa'ken kanina na kailangang makapunta ka kaagad sa lola mo dahil may sakit 'yun.." sabi ni Jinnian kay Jana pero sa kanyang phone siya nakatingin. "..ano pang hinihintay mo? Bakit hindi ka pa umalis?"
Bahagyang natigilan si Jana dahil sa unang beses niyang nakitang ganoon si Jinnian sa kanya. Kaya kahit hindi maintindihan, nagpaalam siya pati kay Kajika saka umalis ng mansion.

BINABASA MO ANG
The Song 抖阴社区r (On Going)
Teen Fiction(TEEN FICTION) Meet Kajika Hao, old-school.. chocoholic.. shy-typed.. but pretty.. thoughtful.. kind-hearted. Ngayong napili siya para sumulat ng mga kanta, ano ang pwedeng mangyari kung fifteen popular handsome young men (G-PX Graded-Popularity and...